CASSY POV
“ Ate natatakot ako kay Tatay, ikaw kasi! “ Panisi ko sa ate ko. Galing kami sa bahay nila Mayor at sinama ako niya ako. At ito ngayon ginabihan kami sa pag-uwi. Katorse anyos ako at senior high school.
“Mano po tatay! “ magalang kong bati sa aking ama. Kahit ramdam ko parang gusto nitong magalit pero sa ate ko siya nakatingin.
Ewan ko din ba sa Tatay ko at parang galit na galit sa Mayora namin eh ang bait-bait naman! Ngunit nagulat ako ng biglang sumigaw ang aking ama.
“Mabait kasi may kailangan sayo! Kapag wala na masisira na ang buhay mo! Ilang beses ko nang sabihin kasi sayo na maghanap ka nalang ng ibang trabaho ang tigas nang ulo mo! “ sermon ni Tatay sa Ate ko, samantalang ang ate ko hindi naman na sumagot. Parang may malalim na hugot ang ama namin. At parang nabasa pa niya ang laman ng isip ko. Kakaiba minsan si Tatay.
“Sige na umakyat na kayo at matulog! Sa susunod wag na wag mo nang isasama ang kapatid mo do’n! “ sabi pa niya bago nauna itong umakyat!
“Opo Tay. “ sagot naman nang ate ko sa Tatay namin. Ngunit mahina lang.
Pumasok na kami ng kapatid ko sa aming silid, at hindi ko mapigilan na hindi siya tanungin.
“Ate bakit galit si tatay kay mayor? “ tanong ko sa kanya.
“Hindi ko din alam bunso, wag na natin isipin n’yan basta pangako mo sakin magtatapos ka nang pag aaral mo hah? Wag na wag mo akong gayahin na hanggang high school lang ako. “ sagot sa akin.
“Opo ate pangako ko yan! At dapat ate ikaw din mag aaral sayang naman ang talino mo noh! “ sagot ko din sa kanya, habang nakanguso ako.
Masaya kami sa gabing yun. Nagkwentuhan nagtatawanan pa kami ng ate Claribelle ko kahit galit sa amin si tatay. Alam kasi namin na kinabukasan mawawala din ang sama ng loob ng tatay namin at parang walang nangyari.
Patuloy pa rin na nagtatrabaho ang ate kina Mayor, napapansin ko din sa kanya na laging masaya siya tuwing umuwi ng gabi lagi din ako naalimpungatan kasi minsan naririnig ko ang tunog ng sasakyan pero tinamad naman akong bumangon.
Lumipas ang taon! Mag de-dese otso na ako, nang dumating sa amin ang isang masamang balita. At nagising na lang akong kinaumagahan na panay iyak nang ate ko.
“Sinungaling siya sinungaling! “ hagulhol ng iyak at sigaw ng ate ko sa loob ng kwarto namin na sigurado ako na kami lang naman ang nakakarinig, nagtaka pa ako at bakit siya hindi pumasok sa mansion ni Mayora.
Hanggang sa meron patrol ng police na umalingawngaw sa bakuran namin at pati ang ate ko tumigil sa pag-iyak. Habang pinapanood ko lang siya. Dahil hindi ko alam ang aking gagawin.
“Tao po! Tao po! “ sigaw nang tao sa labas! Si tatay ang bumukas ng pintuan dahil narinig ko pa na nagsalita siya.
“Ano ho kailangan nila? “ tanong nang tatay namin mamaya lang kumatok ang Inay namin sa aming kwarto! Naririnig namin dahil binuksan ko ng kaunti ang pintuan ng kwarto namin ni ate na hindi niya alam.
“Anak! Claribelle may naghahanap sayo
“ tawag ni Nanay sa ate ko kaya na patayo ang ate ko!
Binuksan ko na ang tuluyan ng pintuan at medyo nagtaka pa ang Nanay ko dahil namumugto ang mata nang kapatid ko.
“Anong nangyari sayo bata ka? “ nag-alalang tanong ng Nanay namin sa ate ko! Sinulyapan pa ako ni Nanay pero wala din naman akong masagot dahil wala naman akong alam.
“Pacing! Palabasin mo nga dito si Belle! “ sigaw ni Tatay na parang galit! Claribelle ang totoong pangalan ng Ate ko. Ngunit Belle ang tawag ni Tatay sa kanya.
Kaya agad-agad bumaba si ate at napa sunod ako. Nakita ko pa na maraming mga tao sa labas ng bakuran namin at mga police.
“Police? “ kausap ko sa sarili ko, pero nung sumulyap ako sa ate ko nag aapoy ang mata niya sa sobrang galit.
“Belle ano ito! Diba sinabi ko sayo noon pa hah! Hindi ka nakikinig sakin! “ galit na sigaw mi Tatay sa kapatid ko. Naawa tuloy ako sa Ate ko.
“Tay wag na kayo magalit kay ate ano bang nangyari? “ sabat ko sa kanila.
“Miss Alonzo, nandito kami dahil inutusan kami ni mayor na halughugin ang bahay nyo dahil may nawala daw siyang diamond necklace at ikaw daw ang kumuha! “ walang paligoy-ligoy na sabi agad nang police sa harapan namin.
“Naku kaya pala! Hindi maka alis-alis kina mayor kaya ayun pala talaga ang totoong pakay ang magnakaw! “ boses ng isang tsismosa naming kapitbahay!
“Maganda nga magnanakaw naman! “ sabat pa nang iba! Maya't maya lang nagsalita na rin ang aking kapatid.
“Yun ba ang sinabi ni Mayor at Mayora? “ tanong nang ate ko sa police na nagsalita kanina,
“Sige halughugin niyo ang bahay namin!” sagot nang ate ko! Pati si Tatay wala din nagawa na para bang naiintindihan din niya ang lahat!
Natapos ang paghalughog ng mga police sa bahay namin ay wala silang nakita. Pero ang mga tsismusa na kapit bahay namin ay andito parin sila sa harap ng bakuran.
“May nakita ba kayo? “ matigas na tanong nang ate ko pero nag aapoy nang galit sa kanyang mga mata na ngayon ko lang nakita! Kaya bigla akong kinabahan.
“ Belle. Boses nang isang lalaki sa labas at pumasok sa loob ng aming tahanan.
“What are you doing here? Get out all of you! “ sigaw niya sa mga police at hinarap niya ang ate ko. Habang ako palipat, lipat ng tingin sa kanila.
Pero isang malutong na sampal ang binigay ng ate ko sa lalaking nag paalis sa mga police. At nagulat pa kaming lahat pati ang mga tsismosa sa labas!
“Pak! “ Malakas na sampal ang natamo ng anak ni Mayor mula sa aking Ate na nag aapoy ng galit sa kanyang mga mata.
“Kulang pa yan sa ginawa mo sa akin, si ginawa ng pamilya mo na kahihiyan na binigay sa amin! Kung yan ang gusto ng magulang mo! Pwes magpakasaya kayo! “ Puno ng hinanakit at luha sa mukha ng aking kapatid sa oras na yon. Kaya niyakap ko siya ng mahigpit.
“Ate! Ate! “ sigaw ko at naalimpungatan ako. Napanaginipan na naman ang nangyari. Napahawak pa ako sa tapat ng dibdib ko.
“Ate nasan kanaba kasi? “ kausap ko sa sarili ko,
Magmula kasi ang araw na yun bigla nalang nawala ang kapatid ko nang hindi man lang nagpaalam. Pero nag iwan siya nang mga katanungan, dahil hanggang ngayon kinukutya parin kami nang mga tao!
“Ate Claribelle, hindi na ako galit sayo! Magparamdam ka naman please! “ kausap ko sa sarili ko.
Tinignan ko ang orasan, mag alas singko na pala ng umaga, kaya bumangon na ako.
Hindi ko man naiintindihan ang lahat, alam ko balang araw maunawaan ko rin.
Bumaba na ako sa hagdan, madilim pa ang buong bahay, ibig sabihin tulog pa ang mag asawa, kaya dumeretso na ako sa kusina upang magluto.
Pagkatapos kong magluto nagpa init na rin ako nang tubig, at saktong sakto may narinig na akong yabag pababa sa hagdan kaya sinalubong ko na sila ng matamis na ngiti.
“Good morning po lolo, lola! “ masaya kong bati sa kanilang dalawa,
“Good morning hija! “Nakangiti din nilang bati saakin. “Bakit ang aga mo? “ tanong pa ni lola
“Naku lola, maaga talaga akong nagigising isa pa po nagluto na rin ako! “ paalala ko sa kanila.
“Naku bata ka! Sinabi ko sayo kagabi na wag kanang mag abala.. “ natatawa niyang sagot sa akin.
“Naku lola, kailangan niyo pong kumain kasi po may lakad kayo baka po magutom kayo sa daan” nag alala kong tugon, napangiti naman si lolo saakin.
“Hindi nga ako nagkamali sayo hija, anyway hindi kami matutuloy sa lakad namin ngayon pero may lakad ako. Gusto mo ba sumama sa akin hija? “ tanong niya sa akin.
“Po! Saan po lola? “ balik tanong ko sa kanya.
“Naku hija pupuntahan niya ang mga anak niya! “ si lolo ang sumagot,
“Anak niya? “ pag uulit ko na naguguluhan ako dahil kasasabi lang kagabi na nag-iisa ang apo niya, “hindi kaya marami siyang anak pero isa lang ang apo? “Kausap ko sarili ko.
Pero narinig kong natatawa si lola saakin.
“Sa bahay ampunan tayo pupunta hija. “ sa wakas din na sagot ang katanungan ko.
“Bolero din pala si lolo! “ naibulalas ko at natuwa pa ang dalawang matanda sa sinabi ko.
“Halina kayo lolo, lola kumain muna po kayo. “ Aya ko sa kanila at napangiti naman sila saakin.
“Naku hija tayo kamo, bakit kami lang, “ nakakatawang sagot ni lola Isabel. Napa ngiti na rin ako. At sabay, sabay na kaming pumasok sa dining area.
Pagkatapos ng agahan, andito na kami ngayon sa daan kung saan namin binabagtas ang papuntang Angels Home. Sabi nila lola marami daw bata doon na iniwan ng kanilang magulang dahil hindi kayang alagaan ng maayos. Nahabag naman ako sa sinabi ni lola Isabel saakin.
“Hija, ok kalang ba? Napapansin ko tahimik ka. Nahihilo kaba? “ Sunod-sunod na tanong ni Lola Isabel saakin na kina antig ng aking puso. Siya na yata ang mayaman na pinaka mabait na nakilala ko sa buong buhay ko. Walang-wala ang mga taong mapanghusga at mapang mata sa aming probinsya.
“Lola, ok lang po ako. Wag niyo po ako alalahanin. Iniisip ko lang po yong mga batang walang magulang. “
Tapat kong sagot sa kanya. At kinuha niya ang aking palad at hinaplos. At ngumiti saakin na akala mo mag apo lang kami. Kaya sinuklian ko din siya ng matamis na ngiti.
“I know hija, you have a golden heart. I fell that. I know your kind. “ Naka ngiti niyang tugon saakin kaya mas lalo akong na antig. Gusto ko sana maiyak pero pinigil ko dahil ayaw kong nakita niya na umiiyak ako.
“Salamat po lola. Kayo din po. Napaka busilak ang iyong puso. Kaya maswerte ako dahil sa dinami-dami ng pwede n’yong makuha na katulong ako ang binigay ng Diyos sa inyo. Salamat ng marami lola. “
Madamdamin kong sagot sa kanya. At pinasigla ko n ang aking mukha.
Dahil ako si Casandra Alonzo malakas at masaya kahit kapos sa buhay. Ayaw ko na maging malungkot sa buhay. Tama na ang minsan naging masalimuot na ang aking nakaraan na pilit kong kina kalimutan. Ayaw ko nang maalala pa ang bagay na yon.
Dahil para sa akin habang may buhay kailangan masaya! Tanggalin ang badvives sa katawan. Dapat always happy. Pero isa lang talaga ang gusto ko ang mahanap ang ate ko. Kaya andito ako ngayon sa Manila at iuuwi ko siya sa probinsya namin sa ayaw at gusto niya.
“Cassy hija, andito na tayo. “ Boses ni lola Isabel ang nagbalik sa akin sa realidad. Mukhang napalayo na ang aking isip.
“Ok po lola. Sandali po at alalayan ko po kayo. “ Nakangiti kong tugon sa kanya. Ngumiti din naman sa akin at Inalalayan ko na siya na lumabas sa sasakyan.
Pag pasok namin sa Angels Home ay hindi ko maiwasan ang hindi humanga sa aking nakikita. Dahil parang palasyo sa sobrang taas at lawak.
“Wow! “ Bulalas ko pa. Dahil sa loob ang lawak ng garden at nagtatayugan mga puno ng kahoy.
“Lola ‘to ba yong sinasabi niyo na Angel’s Home? Mukhang hindi naman po malungkot dito ang mga bata, ang ganda po dito lola. “ Natatawa kong tanong kay lola Isabel. At natawa naman ang matanda sa sinabi ko.
“Salamat naman hija at nagustuhan mo. Sa tingin ko napapadalas tayo dito kapag nagustuhan mo. “ Nakangiti niyang sagot sa akin. Kaya napangiti na rin ako. Hanggang sa nakapasok na kami sa loob dahil meron isang Madre na sumalubong saamin.
Isa-isa pa nilang binati si lola Isabel na para bang isang kagalang-galang sa kanila. At nirerespeto nila. Kung sabagay nga naman. Kagalang-galang naman talaga si lola. Kung titignan mo siya para siyang isang Reyna sa isang kaharian na walang sinuman gustong manakit. Dahil sa maamo niyang mukha.
Hindi katulad ng apo na sobrang Yabang! Hays!
“Hah! Bakit siya napasok sa utak ko! Wag! Erase-erase Cassy! “ maktol ko sa utak ko. Napailing pa ako at mukhang napansin na naman ako ni lola Isabel.
“Hija, are you ok? “ tanong ulit saakin. Kaya tinanguan ko siya at ngumiti ako. Napa ngiwi pa ako dahil sa kagagahan ko.
Habang busy si lola Isabel sa loob nagpaalam ako sa kanya na mag ikot-ikot dito sa bahay ampunan. Natuwa naman ang matanda sa sinabi ko. Maganda daw at malibang ako. Akala pa kanina ay girlfriend ako ng apo niya. Kaya mas lalo ako namula. Ibig sabihin kilala din dito ang mayabang na yon.
Naka pout pa ang labi ko sa pag-alala sa kanya. Pero naalala ko nung una kami nagkita. Namula pa ang mukha ko dahil sa naalala ko. Hays!
“Wag kang papadala sa karisma niya self! Tandaan ang sinabi ni Darna! “
“Wag papadala sa karisma ng Apo ni Donya Isabel kung ayaw mong masira ang puri mo! “ Yan ang kataga ni Darna saakin.
Napa pikit pa ako at naka tingala sa isang malaking puno dito sa labas ng Angel’s Home.
Ang laki ng puno. Na imagine ko kung magiging puno ako. Gusto ko maging katulad niya. Dahil maliban na sa mataas mukhang matibay pa.
Isang pikit ko pa at napahawak pa ako sa puno na akala mo naman dito ako kumukuha ng lakas ko. Ngunit nagulat ako kasi parang may kumidlat. Kaya napamulat ako sa aking mga mata. Napa linga pa ako sa paligid ngunit wala naman akong makita maliban sa mga bata na busy sa paglalaro.
Tumingala pa ako sa langit at baka uulan. Pero wala naman. Maaliwalas ang kalangitan.
Napailing nalang ako. Kaya nagpasya na akong pumasok sa loob dahil kinilabutan pa ako. Napayakap pa ako sa aking katawan gamit ang aking mga braso!