Chapter 7

2419 Words
CASSY POV “S-Sir, a- ano ang ginagawa niyo? “ nauutal kong tanong sa kanya dahil kinorner ako sa kinaupuan ko. “Akala ko ba hindi ka takot saakin? “ nakangisi niyang sagot, aaminin ko sa sarili ko nabigla ako kanina pagka kita ko siya, pero bakit ngayon parang wala naman akong nararamdaman na takot sa kanya. Pero ang kabog ng dibdib ko sobrang lakas! Hindi ko lang alam kung naririnig ng kasama ko. “Hindi naman talaga ako takot sayo sir? Bakit pumapatay kaba ng tao? “ balik tanong ko sa kanya ng tumawa siya nang malakas, dahil lumuwag ang kamay nito, pagkakataon ko na sa kanyang makawala. Mabilis akong tumayo at lumayo sa kanya. “Your funny sweetie! Mukha ba akong killer sa paningin mo? “ tanong sa akin at tumayo na rin siya, samantalang ako na nasa bunganan ako nang pintuan, para madali lang akong maka takbo kung sakali man. Wala kasi akong tiwala sa pagmumukha neto eh! “Malay ko ba sir, kung may pinatay na kayo! Mukha nga kayong manyak eh! “ hindi ko mapigilan na lumabas sa bibig ko, pero hindi ko naman nakita na offend siya ngunit seryoso ang mukha niya pero panandalian lang. At yun nga nakangisi na naman siya. “Diosko po! Bakit ba siya ganyan makatingin saakin! “ peping dasal ko, aminin ko nakaramdam ako ng takot. Lalo sa mga titig nito. “Bakit ano ba sa palagay mo sa akin? “ tanong niya at ikinagulat ko dahil nakalapit na pala siya, at naka tungkod na din ang kanyang mga braso sa dingding kung saan ako nakatayo, ngayon na corner ulit ako! “Ilan taon kana? “ tanong niya sa akin na ang lapit-lapit nang kanyang mukha sa mukha ko, Lumunok pa ako bago ako sumagot dahil aminin ko man o hindi, na aakward ako sa lapit ng mga mukha namin sa isa’t isa. “T-wente-two s-sir! “ Nanginginig kong sagot sa kanya, nilabas pa niya ang dila niya at binasa ang labi niya. Mas lalo tuloy akong napalunok nang sunod-sunod! “ Twenty two! Not bad. “ sagot sa akin at mas lalo pa niyang nilapit ang mukha nito, isang pulgada na lang at magkadikit na ang aming mga labi. Wala na akong magawa kundi pumikit nalang dahil kahit gusto ko man tumakbo hindi ko naman kaya dahil pakiramdam ko nanginginig na ang mga tuhod ko. Ngunit sa paghihintay ko na lumapat ang kanyang mga labi sa labi ko ay wala naman akong naramdaman kaya dinilat ko na ang aking mga mata. Pero nadismaya ako dahil ang hinayupak mukhang pinagtatawanan pa ako! “Nadismaya? “ kausap ko sa sarili ko “Bakit naman ako madidismaya? “ kausap ko pa ulit sa sarili ko, pero ang hinayupak nakangisi lang sa akin. At umalis na din ng basta-basta! Na para bang aborido kanina na akala mo kung sino. “Yabang talaga! Porket ba apo nang mga amo ko eh! “ maktol ko sa aking sarili. Nagligpit na ako ng ang mga pinagkainan dito sa dining at winaksi ko sa aking isip ang nangyari kanina, mag-alas kwatro na din ng hapon. At iniisip ko kung ano ba ang ipapaulam ko sa kanila para sa dinner. “Kakain kaya siya ulit dito? “Tanong ko sa sarili ko, pero napansin ko ang kare-kare naubos lahat. “Mukhang paborito niya eto! “ kausap ko sa plato na para akong isang temang na nagsasalita mag isa! Nakita kong pumasok si Mang Gorio sa kusina kaya tinawag ko na siyang kumain. “Mang Gorio, kain na po kayo nag iwan ako doon sa kusina ng para sa inyo” magalang kong tawag sa kanya. “Salamat eneng, “ sagot naman sa akin at dumeretso na siya sa kusina. Nagtataka pa ako at bakit hindi siya sumabay sa amin na kumain, samantalang ako pinasabay naman. Nagkibit balikat nalang ako! At tinuloy ko na ang aking ginagawa! Ibabalik ko na sana sa ayos ang mga selya ng may nakita akong cellphone kung saan nakaupo kanina si mayabang. At may tumatawag pa! Tinignan ko pa ang caller pero hindi ko naman kilala kaya kinuha ko na ang phone at ibibigay ko nalang sa apo nang mga amo ko. At baka importante ang tawag. “Kring…. Kring….. “ hindi tumitigil sa pagtunog. Panay tunog ng cellphone kaya dali-dali akong napa takbo at hanapin kung nasaan si Mr Yabang. “Oh hija! Bakit nagmamadali ka may problema ba? “ si Lola Isabel ang unang nakapansin saakin andito kasi sila ngayon sa sala na mag-aapo. “Pasensya na sa istorbo lola, pero kasi si sir po naiwan niya ata ‘tong cellphone niya” hingi ko nang paumanhin sabay lapag ang cellphone niya sa lamesa. “Give it to me! “ malakas na boses nito sa akin, hindi ko alam kung sumigaw ba or sadyang malakas talaga ang boses. Pero hindi ko talaga maiwasan na sinamaan siya ng tingin. “Hindi ba to marunong mag please, yabang talaga! “ bulong ko pa sa hangin. Pero napa smirk lang siya nang umabot sa pandinig ko, bale wala naman sa matatanda ang asta ng apo nila. Kaya mas lalo ko siyang sinamaan ng tingin nang hindi rin nakikita ang kanyang mga abuelo! “Sir eto po!“ plastic kong ngiti sa kanya! Pero hindi ako pinansin! At kinuha naman ang kanyang cellphone. Nang bigla siyang nagsalita. “Anyway lola, pwede ko bang mahiram tong maid niyo, pagbalik ko galing U.S? “ bagkus na bulalas niya sa matatanda. Medyo nasaktan ako dahil pinamukha talaga saakin na isang katulong lang ako. Pero ok lang. Yon naman talaga ang totoo. Si lola mukhang naguguluhan samantalang si lolo nakangiti. Ako din naguguluhan. “Ako? Hihiramin daw?? No way! “ kausap ko sa sarili ko, kaya napa sulyap ako sa gawi ng mayabang nilang apo. Ngunit sumagot na di lola. “Bakit mo siya hihiramin apo? “ kalaunan tanong na nang matanda. “Well, marami kasing gawain sa condo unit ko lola, kung hindi niyo masamahin lola siya nalang ang hihiramin ko total naman mukhang mapagkakatiwalaan naman siya. “ sagot niya sa abuela nito. Pero nakakunot noo si lola, at tinignan pa ako! Umiling lang ako sa kanya na para bang nagmamakaawa ako na wag akong ipahiram. Pero mukhang hindi ako naiintindihan ni lola. “Sige pagbalik mo hihiramin mo siya pero_! “ sagot ni lola na medyo binitin pa sa ere ang sasabihin. “Pero what? “ sagot naman sa kanya ni Mr Yabang. Na akala mo nalugi ng million dahil salubong na ang mga kilay nito. “Sama ako sa kanya apo para makita ko naman ang condo unit mo, bakit kasi ayaw mo umuwi sa bahay nang mga magulang mo hah! “ sermon sa kanya ni lola, na kinangiti ko! “Salamat lord! “ pepi kong dasal sabay sulyap sa kanya na kinangiti ko! Pero siyang parang temang na naka nga-nga pa! “Ano nangyari sa kanya? “ kausap ko pa sarili ko. “Marco! “ boses ni lola sa kanya! Kaya napa bungisngis ako! “Ahm! Yeah sure lola! Rinig kong sagot niya nung natauhan yata siya sa boses ni lola, kaya nagpa-alam na ako at ituloy ko na ang naiwan kong gawain sa kusina. “Sige po lola lolo, ituloy ko na po ang aking ginagawa sa kusina po. “ paalam ko sa kanila. “O siya sige hija, siya nga pala wag ka nang magluto nang dinner natin, dahil busog pa ako, yung para sayo na lang ang lutuin mo, “ paalala pa ni lola saakin. “Naku lola, kainin ko nalang mamaya ang natira malinis pa naman po! “ magalang ko naman na sagot, at umalis na ako. Hindi na rin ako tumingin sa gawi ni Mr yabang kasi naman kung makatitig para akong huhubaran. “Gwapo sana manyak naman! “ maktol ko pa sa sarili ko at napailing nalang ako. Sa wakas tapos ko na rin ang maglinis! Aakyat na sana ako sa taas kaso nahihiya naman ako! Kaya naglinis pa ako sa buong kusina total naman wala akong gagawin mamaya. Tinignan ko pa ang orasan mag 7pm na pala “Ganun ba ako ka busy? “ tanong ko sa sarili ko, at lumabas na ako sa kusina. Dumaan pa ako sa sala pero wala nang tao! “Umuwi na siguro! “ kausap ko sa sarili ko! Pero nagulat na lang ako nang may mainit na hininga sa aking tainga! “I’m still here sweetie! “ bulong niya saakin na ikina igtad ko! “Ay kabayo! “ bulalas ko pa dahil sa gulat ko paraan para lumayo ako sa kanya! “Anyway I have to go! See you soon! “ paalam pa saakin na nakangiti siya. Kaya ako naman si temang, naka nganga! Na parang bang naengkanto dahil sa kanyang ngiti. “At ano daw sabi niya? See you soon? “ kausap ko sa sarili ko, pero bumalik lang ako sa realidad ng may narinig akong malakas na busina ng sasakyan! “Bep-bep! “ Dalawang beses pa at tuluyan nang umalis! Na kinagulantang nang puso ko na bigla- bigla nalang lumakas ang t***k nito. “Hays’ self ano ba nangyayari sayo? “ kausap ko sa sarili ko! Lumabas sana ako nang nakita ko si lolo at lola na pumasok sa loob. Nakangiti pa sila sakin habang papalapit kaya naman nahiya pa ako. “Hija magpahinga na kami nang lolo mo dahil may pupuntahan kami bukas, maiwan ka dito hah, ikaw na bahala dito. “ bilin sa akin ni lola. “Po? “ gulat kong tanong sa kanila. “Naku hija, wag kang mag alala safe ka naman dito, I lock mo na lang lahat ng pintuan isasama namin si Gorio, pero kung gusto mo naman sumama ka sa amin. “ sagot niya sa akin. “Naku lola, maiwan nalang po ako at malinis ko po ang buong kabahayan, babalik naman kayo agad diba? “ sagot ko naman sa kanila at tumawa lang ang matandang babae. “Oo naman hija, ikaw talaga, mas makulit kapa kaysa kay Marco! “ natatawa niyang bulalas saakin. “Uuwi din kami agad, meron lang kaming importanteng lakad nang lolo mo. “ dagdag pa niya, mabait talaga sila, dahil kahit dalawang araw palang ako may tiwala na sila sa akin. “Sige po lola, wag kayong mag alala sa bahay niyo dahil pagbalik niyo po naku wala na kayong makitang ni isang ipis po! “ biro ko pa sa kanila at mas lalo tumawa ang matandang babae. “Naku hija! Ok lang na wag ka masyado naglilinis dito malapit na ang balik ni Mercy nakausap ko kanina! “ paalala pa niya sa akin. “Talaga po lola? “ masayang sagot ko sa kanya “Oo kaya wag ka masyado nagpapakapagud diyan hintayin mo nalang sila! “ sabi pa saakin “Sige po lola, yan ang sabi niyo eh! “ paribo ko naman na sa sagot, pero joke lang yun! Ayaw ko abusuhin ang kabaitan nila saakin. “O siya sige at aakyat na kami ikaw din maaga ka matulog ngayon kasi maaga kami bukas na aalis hija, “ paalam pa ni lola saakin. “Ano pong gusto niyong ihanda ko sa almusal niyo lola? “ pasigaw ko nang tanong dahil lumakad na sila. “Naku wag na kakain na lang kami sa labas hija, pero pwede na din ang kape! “ pahabol din niya na sagot sa akin at sumulyap pa at ngumiti. “Sige lola lolo! Goodnight po! “ paalam ko din sa kanila, hindi ko na sila narinig na sumagot, kaya naman isasara ko na din ang pintuan dahil wala naman nang papasok. Dahil si mang Gorio nasa kabilang siyang bahay, meron din bahay para sa aming mga maid dapat, kaso dito naman ako pinatuloy nila lola sa mansion. Hindi nalang ako nagtanong kasi nahihiya naman talaga ako. Maaga pa naman kaya tatawagan ko muna sila Nanay. Naka dalawang dial na ako pero wala pang sumasagot ang tawag ko, kaya nag aalala na ako sa kanila. “Kring… Kring…… " tunog sa kabilang linya. Rinig kong tunog sa cellphone nila pero walang sumasagot, impossible naman na tulog na sila pasado alas syete palang ng gabi. Pero ulit ko pang denial hanggang sa may sumagot na. “Kring…… “ “Hello…. “ si Nanay ang sumagot sa tawag ko. “Hello Nay? Bakit po ang tagal niyo sinagot ang tawag ko nag aalala po ako sa inyo! “ pag amin ko sa kanya. “Naku anak! Pasensya kana at naiwan ko tong telepono sa bahay, eh nanggaling kami kina anti mo Edna kasi dumating ang anak niya galing Japan, “ masayang sambit ni Nanay saakin. Si aleng Edna kasi ang may sinasabi sa buhay sa aming baryo, dahil ang tatlong anak niya ay OFW lahat. “Oh anak, andiyan ka paba? Kamusta ang trabaho mo anak? “ boses ni Nanay sa kabilang linya, pero hindi ako agad nakapagsalita dahil naiiyak ako pagkarinig ko sa tinig ni Nanay. “Nandito ako Inay nakikinig po, ganun po ba nay! Siguro ang ganda-ganda ni Marife Nay no? “ Masigla kong sagot, si Marife ang anak ni aling Edna na galing sa Japan. “Oo anak naku ang daming dalang pasalubong sa totoo n’yan meron kapa nga dito para daw sayo! “ Masiglang balita niya sa akin. “Talaga nay? “ sagot ko naman! “Oo anak, tinanong kapa kanina kung nasaan ka daw dahil hindi ka niya makita eh kako naman nasa Manila ka na nagtatrabaho! “ masayang sagot sa akin ni Nanay. Pero nagulat ako nang may kalabog na narinig ko sa kabilang linya! At parang nag rambulan pa! “Sinabi ko na matino ang mga anak ko, hindi ko kailangan ang mga yan kaya kunin niyo na! “ rinig kong boses nang aking ama na parang galit na galit! “Rico, ano kaba lasing ka na naman! Hindi kana nahihiya sa mga anak mo! “ rinig kong awat ni Nanay kay Tatay kaya hindi ko mapigilan na tumulo na ang mga luha ko. Alam ko kung bakit siya naglalasing, dahil sa kahihiyan na dulot namin sa kanila na wala naman katotohanan, Pero masaya ako dahil kahit ganun pinagtatanggol parin kami ng aking ama. Dahil sa katulad namin dukha sino ba ang maniniwala saamin. “Anak. Andiyan ka paba? Naku pagpasensyahan mo na ang tatay mo anak, nakipag basag ulo na naman sa kainoman niya.“ sumbong ni Nanay saakin. “Oo nay, naiintindihan ko, kung mahanap ko lang talaga si ate ay isasama ko siya diyan pag uwi! “ Tugon kay Nanay na ikinatahimik sa kabilang linya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD