Ikalabing isa
Michaella's Pov
Matapos kaming kumain ng niluto niyang sinangag.Oo sinangag lang niluto kung makaasta parang chef na professional sa pagluluto!
"Masarap Ako magluto diba?Pwede na akong mag Asawa!"
Napangiwi nalang ako.
"Simpleng sinangag lang Ang yabang mo na.Kayang kaya lutuin Ng mga normal na tao yan!"
"Ah oo pala pati itlog diba,pero dahil Hindi ka normal sunog Yung itlog mo!Hahaha"
"Makaasta ka parang Ang galing galing mo ah!"
"Magaling talaga Ako Kasi Wala akong sakit!"At tyaka Wala namang ibang maluluto Kasi walang laman ref niyo!"
"Malay ko bang aalis si Mama."
"Alam ko na mag grocery nalang Tayo!Samahan kita"
"No thanks,katamad kaya mo na yan"
"Kababae mong tao tamad ka mamalengke"
Inirapan ko lang Siya at nagpunta sa Sala.Inaya ko siyang manood.Kahit papaano Naman marunong akong mag asikaso Ng bisita.
"Anong gusto mong panourin?"
Tanong ko
"May choice ba Ako eh puro ata kdrama yang nasa files niyo".
Tama Naman siya.No choice din Ako na makasama Siya manood noh!
Pareho kaming nasa iisang sofa na mahaba.Kaming dalawa lang nandito sa bahay at mas lalong naging awkward Ng may mga kissing scene Ang pinapanood Namin at take note sabay pa kaming nagiwas Ng tingin!
Natapos Ang kwento na Wala akong naintindihan dahil siguro naiilang Ako sa kanya.
"Tapos na ba?"
"Halata ba?"Pagtataray
"So pwede na?"
Nanlaki mata ko at halos Isang libong mura Ang naisigaw ko sa isip ko.
"Anong pwede na?!Manyak ka talaga Manyak!'
"Ikaw Ang dumi talaga Ng utak mo!Pasilip nga"
"An-anong Pasilip?!"
"Kita mo na!"
"Layas!"
"Ayaw!"
Napangiti Ako Ng kaunti oo kaunti Kasi parang Bata Siya umasta!
"Huwag Kang magpacute Hindi mo bagay!"
"Wow! Nacucutetan ka sakin?Aminin mo na crush mo ko no!"
"Ulol!Andwae Andwae!"
Natakot Ako Ng sumeryoso Ang mukha niya.
"Minura mo ba Ako?"
Napalunok Ako Ng laway huhu Omaaaa!
"Hindi ah!Ano yun Uhm "
"Ano?"
"Ano Basta!Bakit ba Ako magpalaliwanag sayo ha!'
"Baka nakakalimutan mong Tayong dalawa lang nandito?"
Nagiwas Ako Ng tingin Ng mapansin kong titig na titig Siya sa labi ko.
"Ma-"
"Ma?"
"Mamalengke nalang Tayo!"
"Sus nahiya Kapa eh."
"Sinasabi mo diyan?"
"Gusto mo lang akong kadate eh"
"Ano ul-- ayshh maliligo na Ako Dyan ka lang"
"Bakit Akala mo ba sisilipan kita?Asa ka"
"Ano hoy!Makaligo na nga!"
"Para namang may masisilip sa kanya"
Rinig ko pang bulong niya inis akong dinampot Ang tuwalya sa Kwarto ko
pasimple Kong sinilip dibdib ko.Meron Naman laman kahit papaano ah!Ano mikay gusto mo talaga silipin ka?!Muntanga na Ako ditong kinakausap Ang sarili ko!
Nang matapos Ako maligo at magayos naabutan ko si Jared na nakahiga sa upuan at nakapikit.
'Tulog ba to?'
Lumapit Ako sa kanya at umupo sa harap niya.
'unfair ah bakit Ang pogi nito pag tulog samantalang pag Ako!'
"Tapos kana mahumaling sa mukha ko?"
Napatayo Ako bigla.
"Ang ka-kapal mo ah!May ano lang may lamok!"
"Lamok?Edi sana pinatay mo,kunwari kapa"
"Eh kung Ikaw patayin Kita Ngayon na!"
Tumayo Siya at dahan dahang lumapit sakin
"No need.Kasi patay na patay
-- ka na sa akin"
"Hoy imbento ka ah!Tara na nga!"
Kinuha ko na Helmet na regalo ni Grey sa akin.Tss bakit Kasi pink!
"Kumapit ka nga!Bakit Ang layo mo naligo din Ako no!"
Sigaw ni Jared halos mabilis Siya magpatakbo Ng motor at Ako nakakapit lang sa likod.
Bigla niyang hininto kaya napayakap Ako sa kanya.
Ito nanamang Amoy na to.Bakit kahit matapang Ang Amoy eh parang nakakalma ako.
"Ahem pwede kanang bumitaw napasarap yakap natin babe ah"
Gulat Ako napabitaw kaya nagtama Ang mga helmet namin.Nang tinaggal ko ito
Diretsyo nalang akong pumasok sa mall na walang lingunan!
'Pinaggagawa mo Mikay!Nakakahiya!'
"Hoy babae di ka makahintay!"
"Manahimik ka Dyan!"
Napayuko nalang Ako Ng mapansin kong pinagtitinginan kami Ng mga tao sa mall.
"Sensya na Po away magjowa lang!"
Mas Lalo Naman akong nahiya nang isigaw niya Yun.
Kelan pa kami naging magjowa!
Dal Dali akong sumakay sa escalator.Bahala Siya sa buhay niya!
"Kaliit liit ko ang lalaki Ng hakbang mo"
Inirapan ko nalang siya.
"Ang init na nga nang panahon Ang init pa Ng ulo mo!"Libre nalang Kita ice cream!"
Sakto namang nakatapat kami sa paboritong Kong ice cream stall.
Tinuro ko na Lang Yun.
"Para Kang bata hahaha"
Pinandilatan ko Siya kaya agad Naman siyang bumili.Naiwan Ako dito sa gilid Ng escalator.
Nakita Kong nagtatawanan pa Sila nung babaeng nagtitinda tapos nagpapacute pa Yung babae!Ito Naman lalaki gusto gusto pa!
Teka nga --
Bakit para akong jowa.Nagseselos ba Ako? Ako?!Ha Asa!
Nanlamig buong katawan ko Ng may malamig na bagay na dumampi sa mukha ko.
"Hahaha Ang cute kuhang kuha mo Yung reaction sa anime!"
"Tss Anong anime.Pambata lang Yun"
"Ano kamo?!Kaysa Naman sa kdrama na sobrang OA"
"Ano?!"
"Pasalamat ka nga natiis Kong manood Ng kadramahan kahit na bored na bored Ako masamaha lang kita sa trip mo"
"Eh ano nga-asdfghol"
Di ko atuloy sasabihin bigla niya akong sinubuan Ng ICE CREAM (ice cream Yun ah baka Anong subo naisip niyo)
'Brain Freeze!"
Nang makarecover Ako napatingin Ako sa kanya.
'Bakit Ang sexy at hot niya kumain ng ice cream!"
Mango Float Kasi Yung binili niya.
Yung pagsubo niya sa kutsara at paglunok sa kinain kitang kita Ang Adams apple niya!
Napalunok din ako at nagiwas Ng tingin.
Nanlaki mata ko Ng may mahagilap akong dalawang pamilyar pigura! Napatingin Ako sa kamay nila.
Sumugod agad Ako sa kanila na halos ikadapa ko pa!
"Grey!"
Halos mapatalon Siya sa gulat mga tao Naman sa gilid na nakikichismis!
"HI SIS!Anong ginagawa niyo dito?"
"Ikaw dapat Kong tanungin Anong ginagawa niyo dito kasama Ang bestfriend ko"
"Uhm best"
"At tyaka bakit kayo magkaholding- asdhjllk"
Di ko ulit natuloy sasabihin ko na may nagsubo Nanaman Ng ice cream!Hulaan niyo kung sino!
"Ingay mo talaga, pinagtitinginan Tayo oh at tyaka eh ano kung nagdadate Sila.Ano Ngayon sayo? Nagseselos kaba?"
Halos mastatwa Ako Kasi nilunok ko agad Yung pagkain.Ang lamig!
"Hoy Anong Akala mo sa akin! Family Stroke?! Kadiri!"
Napangiwi silang tatlo.
"Nanood ka nun?Tapos pinagsigawan mo pa?"
Inis akong bumaling Kay Jared.
"Bakit kaba sabat Ng sabat ah!Ikaw ba kausap ko?!"
"Kayong tatlo pinagkaisahan niyo ko!You hurt my feelings kaya libre niyo Ako Ngayon na!"
"Sis Ang takaw mo talaga kumakain Kapa lang nang hawak mo oh"
"Wala Kang pakialam!"
Hinila ko si best at kinabit Ang braso Namin.
"Hoy akin yan Meron ka oh!"
Turo ni Grey Kay Jared.
"Edi kayo magholding hands!"
"Pre"
Lumalapit si Grey Kay Jared pero kusang lumayo si Jared Kay Grey ba nandidiri.
"Pre lumayo ka baka masapak kita"
"Best"
Halata ko Ang pagiging awkward Ng kaibigan ko.
"Shh papalibre Tayo sa gusto nating kainan na Hindi Tayo makapunta punta Kasi nahihiya Tayo"
"Saan?"
"Saan pa sa orange bucket"
"Hindi ka Galit?"
"Bakit Naman Ako magagalit?"
"Kasi nagdadate kami Ng Kapatid mo without your concent"
"Best"
"Oh "
"English Yun ah"
"Ewan ko sayo mikay puro ka kalokohan!"
"Hahaha kidding.Eh ano naman kung nagdadate kayo Ng Kapatid ko?As long as Masaya kayo go!"
"Thank you best,Teka nga Pala bakit din kayo maggkasama ni Jared?Ikaw ah"
"Ano ba best.Alangang namang Ikaw lang pwede lumandi?Aba di Ako papatalo!"
"Ewan ko talaga sayong babae ka!"
Nandito na kami sa Orang bucket na puro sea foods ang siniserve!
Ayun nga binukbok na Ang laman sa mesa Namin!
"Hoy best dahan dahan Yung *asjgllhlmh"
Kinuha ko Yung hipon at sinubo sa kanya.Hindi dapat malaman na may allergies Ako!Hehehe masarap Ang libre!
"Sis para Kang mauubusan!"
"Ang takaw mo talaga"
"Manahimik kayo kumain na nga kayo diyan.Galangin niyo Ang pagkain"
Sinumalan ko nang lantakin Ang mga pagkain!
Someone's Pov
Kita ko ang saya sa mukha niya pero Ang mga mata niya Wala akong makitang reaction.
Gustong gusto ko bumawi pero Hindi ko Alam kung paano.
Hindi Rin Ako mapakali Ng Makita Kong may kadate Siya.Gusto ko siyang bumalik sa akin.Gustong gusto ko siyang bawiin.Pero Alam Kong kulang Ang salitang patawas sa lahat Ng nagawa ko sa kanya pero Ang puso ko iba dinidikta.
'Babawi Ako Mikay pangako,kahit gagawin ko Ang lahat kahit Anong mangyari'
'Mapapasa akin ka ulit"
Nang matyempuhan Kong magisa Siya ay Doon na Ako lumapit.
Kita ko Ang takot sa mata niya at pag atras niya.
"Anong kailangan mo?"
"Ikaw,Ikaw Ang kailangan ko Mikay"
Huminga Siya Ng malalim.At ngumiti siya.Nabigyan Ako Ng pag asa.
Pero nawala agad Yun nang binago niya reaction Siya.Ramdam ko Ang pagbabago Ng timpla niya.Ang pagiging cold niya.
"Pinatawad na kita't lahat.Pwede bang Tama na?Sinubukan Kong nang kalimutan lahat.Tapos Ikaw hito lapit ka parin Ng lapit."
"Mikay,Pangako di na mauulit bumalik kana sa akin.Mahal na mahal parin kita."
"Wag mo akong tokshiten.Pinatawad kita alang alang sa pinagsamahan natin.
May trauma parin Ako sa ginawa mo sa akin.Ginawa niyo sa akin"
"Pero mi-"
"Ti-gi-lan mo na Ako!"
Ramdam ko Ang Galit at poot sa pagdiin niya sa huling sinabi niya.Maari ngang napatawad mo na Ako pero Alam ko sa sarili ko Mikay.
Mahal mo parin Ako.
"Babawiin kita, kahit anong mangyari dahil akin ka"
Naglakad Ako palayo.Babantayan kita kahit saan ka magpunta Mikay.Dahil akin ka!
Jared's Pov
Gugulatin ko sana si Mikay pero Nakita ko siyang nakaupo sa gilid at parang Hindi makahinga.
Patakbo akong nagpunta sa kanya.
"Mikay!Mikay!Ayos ka lang!"
Paghawak ko sa kanya sobrang lamig at nanginginig buong katawan niya!
"Anong nangyari?!"
"Best okay ka lang?"
"Okay lang ako,OA niyo ah"
Napatingin Ako sa kaibigan ni Mikay na nag aalangan din.
'Ano ba talagang Meron?'
Napatingin Ako Kay Mikay.
Napakamisteryo mo.Pero gustobg gusto parin kitang kilalanin.
Nakangiti na Siya Ngayon na may hawak na cotton candy.
'Ano ba talagang Meron sayo bakit ganito Ang pagkagusto ko sayo?'