Michaella's Pov
"Pwede ba akong pumasok anak?"
"Oo Naman ma!Namiss ko din kwentuhan natin eh!Dumating lang si Pala eh kinalimutan mo na ko.Hmmp tatampo na Ako"
Pinatuloy ko SI mama sa loob Ng Kwarto ko.
"Ikaw talaga Bata ka makakalimutan ko ba Ang nagiisan at pinakamagandang prinsesa ko"
"Naku nambola ka Nanaman ma by the way ano Po atin"
"May manliligaw ka daw anak"
Hindi ko Alam kung ano sasabihin ko Kay Mama.Pero sigurado akong nagaalala Siya.
"Sabi niya liligawan daw Po niya ako pero alanganin Ako Kasi ilang araw palang kaming nagkakakilala."
Kinuha niya Ang suklay sa sidetable mo at inumpisahang akong suklayin.
"Pero Ikaw ano nararamdaman mo sa kanya"
Nag aalinlangan Ako sumagot at nang sumagi sa isip ko mukha ni Jared napangiti Ako.
"Masaya kaba kapag kasama Siya?"
"Opo"
"Basta ano man Ang desisyon mo anak suportado kita huwag lang padalos padalos ha"
Humarap Ako Kay Mama at hinawakan Ang kamay niya.
"Ma Alam Kong nag aalala ka dahil sa nangyari noon.Okay na Ako Ngayon ma"
"Masaya lang Ako anak at mukhang Wala nang bumabagabag sayo Ngayon"
Ngumiti Ako at niyakap Siya.
Pagkatapos sabay kaming nanood Ng kdrama sa Kwarto ko.
"Ma!Ang iyakin mo talaga hahahaha"
"Eh bakit ba Kasi sad ending yang pinanood mo sa akin Alam mo namang mababaw lang Ang luha ko"
Natawa Ako Kasi parang Bata si mama na umiiyak dahil lang sa panood.Pero napalitan Ng pag aalala Ang nararamdaman ko Ng hinawakan niya Ang ulo niya at sumandal sa headboard ng kama.
"Ma!Okay kalang ba?May masakit ba sayo?May gamot kana Dyan?Dalhin na kita sa ospital!"
"Ang OA mo Naman nak.Sumakit lang ulo ko.Napapadalas na ito dahil siguro sa puyat."
"Pinupuyat kaba ni papa!Pagalitan ko talaga Yun"
Pansin ko Ang pamumula Ng pisngi ni mama.Ngayon Alam ko na kung saan Ako nagmana.
"Matulog kana nga.Pinuyat mo nga din Ako Ngayon oh"
"Sus namiss mo din naman Ako ma eh!"
"Oo na oo na.Matulog kana Mikay"
"Okay Po!"
Pagkalabas Ng Kwarto ni mama.Inaantok narin Ako mag salad dos na din Pala.Niligpit ko na Ang laptop tiyaka natulog.
Zzzzzzz
Sesanghe!!
"Aray aray aray!"
"Paano ka nakapasok dito!"
"Pinapasok ako Ng kuya mo"
Paano ba Naman pagmulat ko Ng mata mukha agad ni Jared Ang Nakita ko!Ayaw na ayaw ko man din nagugulat Lalo na pag bathing gising Ako.Matatadyakan ko talaga tulad Ngayon.
"Yung lalaki talaga Yun!Badtrip!"
"Ang aga aga Ang ingay mo may dalaw ka ba?"
Lalong akong nangigil Ng marinig ko sa kanya Yun.
"Oo nga Pala may muta ka pa!Tumutulo pa laway mo kanina"
"Layas!!"
Tawa tawang siyang lumabas na Kwarto.Dali Dali Naman akong nagpunta sa banyo para maligo!
Ano ba ginagawa ng lalaking Yun dito sa bahay Ng ganito kaaga!Eh sabado Ngayon.Wala ba siyang magawa sa buhay!Pagkatapos ko maligo nakasalubong ko si Grey na abot tainga Ang ngiti.
"Good morning sis!"
"Isa Kapa!"
Halos mapatalon Siya sa lakas Ng sigaw ko.Napalitan Ng ngiwi Ang ngiti niya.
"Ang aga aga high blood ka!Dahan dahan baka tumanda Kang dalaga"
"Ikaw ba nagpapasok Kay Jared sa Kwarto ko?!"
"Ah ha ha ha oo ata?"
Ako Naman Yung napangiwi.
"Ata?Lutang kaba?"
"Bye sis!"
Tumakbo Siya palayo.Isip Bata talaga.
Nagpunta Ako Sala halos mapatkbo Ako Ng Makita Kong hawak ni Jared Ang album picture ko.
"Akin na yan!"
Nagulat Siya Ng bigla Kong hablutin hawak niya.
"Good morning!"
"Anong good sa morning kung Ang aga aga mukha mo tumambad sa akin!"
"Di mo ba na appreciate Ang pogi kong mukha"
Hawak pa niya Ang baba niya.
"Kapal mo talaga, anyway bakit kaba nandito Ang aga aga!"
"Tinawagan Ako Ng Kapatid mo bantayan daw kita Kasi aalis Siya"
"Ha?Bakit Ako babantayan?!Ano Ako Bata?!Greyyy!!"
Napatingin kami kay Grey na napatakbo sa Amin na may hawak na walis tambo.
"Asan!Ano!Paano!"
Nagkatinginan kami ni Jared pero napakunot din noo Ng Makita Kong nakatakip kamay niya sa tainga niya.Inalis Naman niya agad.
"Nakahithit kaba?"
"Ano?Eh makasigaw ka Naman sis!"
Napadalukipkip ako.
"Bakit mo Siya pinapunta dito?"
Sabay turo ko sa lalaking katabi ko.
"Ah Kasi ano aalis Ako Wala ka kasama dito"
"Ano Ako Bata?Hindi ko kailangan Ng babysitter Kasi Hindi Ako baby!"
"Baby kaya kita"
Rinig Kong bulong ni Jared kaya naginit mukha ko.
"chessy"
Narinig ko ring bulong ni Grey.
"Saan ka pupunta?"
"To the moon!"
"Road trip"
"Vroom vroom!"
Napahilamos Ako Ng mukha.Bakit ba Ako napapaligiran Ng mga wierdo!
"Oh Siya lumayas na kayo uuwi din Naman Sila mama mamaya"
"Oo nga pala Wala daw Sila mga uhm 1 week ata Yun"
"Saan sila pumunta?!
"To the -"
"Sige ituloy mo yan!Makita mo"
Umayos Naman Siya Ng upo.
"May business trip Sila"
"Wow mayaman na ba Ako?"
Kita Kong napangiwi siya.
"Andaya Daya Naman bakit di nila Ako sinama!"
"Ano kaba sis!Pagbigyan mo na Sila ilang taon din silang di nagkasama"
Napanguso Ako.
"Fine tatawagan ko nalang si best para dito muna Siya"
Kita ko Ang pagningning Ng mata ni Kuya.
"Talaga?Pero huwag Ngayon bukas siguro pwede"
"Bakit Naman Hindi pwede ngayon?"
"Uhm Kasi may lakas Siya"
Napataas Ang kilay ko
"Paano mo naman nalamang may lakad Siya?"
Nagiwas Siya Ng tingin.
"Teka nga"
"By sis go to go!Enjoy!"
Nagmamadali siyang lumabas.
May kakaiba ah.
"Ang cute mo dito oh!"
Nanlaki mata ko Ng hawak Nanaman ni Jared Yung photo album ko!Kaya Pala Hindi kumikibo!
"Hoyy akin na nga yan!!"
"Damot"
Kita ko Ang pag nguso niya at pagkatapos ngumiti.
"Ganyan ba tumanggap Ng bisita?"
"Pinagsasabi mo?"
"Hindi mo ba Ako papakainin Ang aga ko nagpunta dito Hindi tuloy Ako nakapag almusal."
Bigla Naman akong nakonsensya.
"Fine.Pero samahan mo ko sa kusina magluto."
"Bakit mamimiss mo ko?"
"Ano?!Samahan mo ko Kasi baka mamaya kung ano ano nanamang makalikot mo!"
"Diyan maupo ka Dyan!"
Nilapag ko Yung pagkain sa mesa.
Kita ko Ang pagpipigil Ng tawa niya.
"Hahahaha"
Sinamaan ko Siya Ng tingin.
"Hindi ka Pala marunong magluto?Simpleng itlog nasunog pa!"
"Bahala ka nga Dyan!"
Nagulat Ako bigla niya akong yakapin Mula sa likod.Naamoy ko Yung pabango niya.
Yung puso ko Ang bilis Ng t***k!
"Maupo ka Dyan mahal ipagluluto kita"
Wala sa sarili akong napaupo.