Louis silently walked towards our table. Kaya natigil ako sa pagsubo nang makita ang seryoso niyang mukha. "There's no seats available here, would you mind if I will sit here?" malakas na sabi niya kaya napatingin sa amin ang ibang estudyante na kumakain dito. Hindi ako nakapagsalita kaya nagsalita ulit siya. "Mabilis lang naman ako kumain mabilis lang din ako matatapos," sabi nito at tumingin sa amin. Saka pa lang ako natauhan at tumango sa kaniya. Kita ko ang pagtingin ng mga kababaihan kay Louis. May nakita pa akong isang babae na kinuha ang pagkain niya sa mesa niya at pupunta sana sa table namin dahil may isang vacant pa pero may biglang umupo roon. "L-lance!" utal kong saad nang makitang si Lance iyon. Minsan ko lang siya makitang kumakain dito kasi umuuwi siya sa bahay nila o hin

