I can't wait to meet him. Sa sobrang excited ko ay halos hindi na ako makaligo nang maayos. Paano ba naman kasi sobrang gusto ko na siyang makita. Gusto ko na siyang makausap at makakwentuhan ulit. Gusto ko na siyang makasama. Nawala siya ng ilang araw dahil sa may inaasikaso raw siyang importane, I don't know what that is basta ang alam ko lang ay importane raw iyon. Isang linggo rin siyang nawala. Natatawagan ko naman siya pero minsan lang kasi minsan ay hindi siya makontak. O kaya naman ay busy siya. He would always check on me naman kapag may oras siya. Pinapaalalahanan niya akong kumain sa tamang oras na parang hindi ko ginagawa. I always eat on time kasi palagi kaming magkasabay kumain ni Mommy at Kuya. "Going out again?" tanong ni Kuya Rence. Napatingin din sa akin si Mommy dahi

