"Really?" kinikilig na tanong ni Mommy. Na-ikwento ko kasi sa kaniya na nandito si Ania at nasa kwarto ni Kuya Rence. Nang dumating kasi kami sa bahay ay wala sila ni dady kasi may nilakad daw kaya huli siya sa balita. Narinig kong lumabas sila ni daddy kaya walang tao rito maliban sa mga kasambahay. Si Kuya Dave naman ay hindi umuwi rito dahil may tinapos lang daw sa opisina niya. Malapit na rin kasing matapos ang pinapagawa niya kay Kuya Rence kaya medyo madalang na lang siyang uuwi na naman dito. Baka nga pagbalik niya rito ay may pamilya na siya. Hindi lang namin alam kasi palagi siyang wala rito. Mommy wants us to stay together kaya malaki ang bahay kaya lang ay alam niyang kapag may kaniya-kaniya na raw kaming pamilya ay hindi na kami titira rito kaya gusto niyang nandito lang ka

