PROLOGUE
EUROPEAN BILLIONAIRE BACHELOR SERIES — BOOK 2
S A V A G E H E A R T
* * * * *
"If it is a real love, it smiles during troubles, gathers strength from distress, seeks truth between lies, and grown brave in reflection."
The sun rays reflecting from the glass panel made him moan for a wake-up call. He was about to move when he felt his shoulder ache for a heaviness.
Wala sa sariling napalingon siya at hindi maiwasang sumilay ang totoong ngiti sa labi nito dahil sa nakita.
She's peacefully sleeping beside him with her arms on his broad chest.
His sweet, beautiful angel...
This is the most beautiful morning he ever had in his entire existence, and that is because of this girl beside him. He can't help but move a little bit without her waking up and trace her face with his touch.
He fixed her messy hair and planted small kisses on her forehead down to her nose and lastly to her luscious cherry-flavored lips. Hindi talaga siya magsasawang titigan ang napakagadang anghel na katabi niya at isipin kung gaano siya ka-suwerte na ang babaeng matalik na kaibigan lang niya noon ay nobya na niya na ngayon.
He suddenly remembered what happened last night.
It's magical. It is more than heaven.
Their naked body became one as they had their first-ever lovemaking. For him, it was not just s*x. What they did last night was purely out of love, and knowing it their first time, he can't help but be extra grateful.
Sa sobrang dami ng nangyari sa kanila ito ang isa sa mga masasayang bahagi ng kanilang kwento na dapat niyang pakaingatan. Ilang beses na rin siyang sinubok ng tadhana para lang mapalapit ulit sa babaeng mahal niya. Sa bawat paglayo nito sa kanya ay sinusubok ang tatag ng pag-ibig niya para rito. Masaya siya na ito ang naging resulta ng hindi niya pagbitaw sa kanya, ito ang naging resulta ng hindi niya pagsuko ng kanyang pagmamahal sa kanya.
Nanatili ang kanyang mga tingin sa dalaga ng biglang marinig ang pagtunog ng kanyang cellphone. Kahit ayaw pa nitong pansinin, hindi niya magawa lalo na at ilang beses pa itong tumunog muli.
He answered it without minding who the caller was, but it was a bad idea after all.
Sa pagsagot niya sa tawag na iyon, nagsimulang mabuo ang kaba sa dibdib ng binata dahil sa panibagong pagsubok na susuungin niya. Hindi pa man niya nayayakap ng buo ang kaligayahan na ngayon lang niya naramdaman ay may panibagong problema naman siyang dapat niyang harapin at sa pagkakataong ito ang ginagalawan niyang mundo ang magiging kalaban nila at ang mismong Hari ng larong ito.
Hindi niya alam pero napayakap siya sa pinakamamahal na babaeng hanggang ngayon ay mahimbing pa ring natutulog sa tabi niya. Isang katanungan ang siyang bumagabag sa kanyang isipian.
Hanggang kailan ba kami susubukin ng tadhana?
Kasabay ng katanungan na iyon ay ay ang isang halik ang dinampi niya sa noo ng dalagang katabi. Isang tanda ng respeto at pagmamahal nito sa kanya. Sana, sa pagkakataong ito ay mas maging matapang pa silang dalawa.
Sana hindi siya bumitaw.
Sana hindi siya muling susuko.
Sana hindi siya muling tatalikod.
Sana ipaglaban niya ako.
Sana panghawakan niya ang pagmamahal ko.
Sana maging matatag siya para sa amin.
He kissed her lips and cherished every moment of it. Kung kailangan niyang banggain kahit pa pamilya niya, gagawin nito para lang sa babaeng mahal niya. Masyado na rin siyang nagpagapos sa lungkot ng nangyari sa kaniyang nakaraan na ngayong may pagkakataon siyang makasama ang babaeng iniirog ay hindi siya magdadalawang isip na gumawa ng mga bagay na kahit alam niyang may maapakan siya o masasaktan ay gagawin niya pa rin para lang mapatunayan niya ang kanyang sarili sa babaeng mahal niya.
He is willing to sacrifice again to be with his love.
Lahat ay handa niyang tibagin, banggain at kalabanin para sa pagmamahal niya sa babaeng nag-iisang minamahal niya. Kahit ang sarili nitong kadugo ay magagawa niyang talikuran para sa pag-ibig na sa tingin man ng iba ay mali, ngunit sa kanya ay ang nag-iisang tama na nagawa niya sa buhay niya.
Kahit minsan na silang pinaghiwalay ng panahon at pilit tinadhana sa iba, ang kanilang hinid matitibag na pag-ibig para sa isa't-isa ang nagsilbing magnetismo para sila'y muling magkalapit at maipagpatuloy ang pagmamahalang minsan an ring tinutulan ng tadhana.
Ang pag-ibig nila ang hahamak sa lahat at ang inaakalang mali ay papatunayan nilang isang tama at hindi isang pilit na ilusyon lamang.
He will love her unconditionally, despite her uncertainties and doubts. The gentleman promised to wipe away all of her fears and put only a smile on her face, happiness in her memories, and love in her heart.
As they conquered the destiny, they will be facing another trials of keeping their relationship going since they are an expecting parents to a unexpected blessing. Their personal past and untold stories will be shaken up by those unexpected person who will add torn to their lovestory.
Mga taong magiging dahilan ng mas komplikadong buhay para sa magkaibigan. Dahilan para may sugat na muling durugo, nakaraan na muling gugulo sa kapayapaan, sekretong ikasisira ng isang pamilya, pagkakaibigan at kahit pagiging isang matibay na pamilya. Ito ang mga galamay ng tadhana na talagang susubok sa katatagan ng mga puso nila at tibay ng paninindigan nila na magagawa nilang ipanalo ang relasyon at pag-iibigan nila kahit na ang kapalit ay kamatayan.
A story of a man who is willing to do everything to be as savage as an evil to alter the destiny and be with the only woman he love.
This is a story of a heroic love of a man to his only love. A true love that is selfless and it is prepared to sacrifice.
"I'm willing to give up everything just to be with you. If I need to plant rice crops on the farm just to survive the living, I'll do it! Hindi ko hahayaang mawala ka pa sakin. Ilalaban kita hanggang dulo. Ilalaban ko ang pag-iibigan natin hanggang sa maging tama tayo sa paningin ng lahat. Ipaglalaban ko ang pagmamahal ko sa'yo dahil ikaw ang tanging laban na gusto kong ipanalo't ipagmalaki. Kamatayan ko ang mawala ka sa buhay ko. I don't care about my status, my identity, my title. Handa akong magsimula sa wala basta kasama kita dahil ikaw lang ang tanging meron ako." — Bryce Draegan Montreal