“Nawalang anak?” patanong niyang gagad. “I have a lost brother?” Sa tanang buhay niya ay walang bumanggit sa kanya niyon. Kaya hindi niya masisi ang sarili kung bakit nagulat siya sa sinabi ng kanyang mommy. “He is not your brother,” sagot ng kanyang ina. Kung nagulat siya kanina, shock is understatement sa sumunod nitong sinabi. “He is our son. Our ony real child.” Tuluyan ng naglandas sa pisngi ng kanyang ina ang luhang pinipigilan nito. Sunod sunod iyon at sa kauna-unahang pagkakataon, she saw her crying. She saw both of her parents in pain. At hindi siya tanga para hindi niya maintindihan ang sinabi nito. Their only real child. Nanginginig ang kanyang kamay na itinuro niya ang kanyang sarili. “I-I… I am adopted?” her lips

