The pain of her wounds starts to creep in her system. The cold sea water enveloped her body as she jumped in the bottomless sea. Bumulusok sila sa malamig na tubig ng dagat ng kung sino mang nagligtas sa kanya. Kadiliman ang sumalubong sa kanya nang imulat niya ang kanyang mga mata sa ilalim ng tubig. Napigil niya ang kanyang hininga at pinilit ang sarili na ikampay ang mga kamay at binti patungo sa ibabaw ng tubig. Malakas siyang napahugot ng hangin nang mailitaw niya ang ulo sa ibabaw ng tubig. Nagpalinga-linga siya upang hanapin ang taong sumagip sa kanya ngunit wala siyang makita. Tanging mga debris ng parte ng barko ang nakita niya na nakalutang sa tubig. Muli niyang ikinampay ang mga kamay at paa para makaalis siya sa tubig. Th

