Bumalik siya sa loob ng bahay habang iniisip pa rin kung sino ang taong gumawa ng trabaho niya kagabi. Ang buong akala ni Zeon ay siya ang naging mata nito sa transaksyon nito kagabi which is impossible dahil alam niyang tulog na tulog siya sa kalasingan. “Hey, ang bilis mo naman nakabalik,” untag sa kanya ni Cale na pababa sa hagdan. “Hindi na pala ako aalis,” aniya at saka pasimpleng itinago sa likod ang dala-dala niyang box. Tumango si Cale at tinuro ang kusina gamit hinlalaki. “Magluluto ako ng breakfast. What do you want to eat?” “Kahit ano. Thank you,” she smiled at him. Cale smiled back at nilapitan siya nito. He scopped her into his arms and gave her a peck on her lips. “Good morning,” bati n

