Alas-tres na ng hapon nang ipinark ni Jenza ang mamahaling sports bike ni Cale sa gilid ng daan. Napahaba ang usapan nila ni Zeon kaya hindi niya namalayan ang oras. They talked about the transaction for tonight at kung paano ang gagawin nilang estratehiya sa pagkuha ng mga kargamento na nasa gitna ng dagat. Tahimik pa rin ang bahay nina Aling Erma at walang bakas ni Charles nang dumaan siya roon. Ang alam niya ay hindi pa umaalis si Charles sa Isla. At sa isiping iyon, nagbigyan siya ng pag-asa na magkaka-ayos pa ito at ang mga magulang nito. Isinuksok niya sa seradura ang susi at walang ingay na binuksan ang pinto. Plano niya sanang magsneek-out papasok ng bahay ngunit hindi pa man siya nakaka-isang hakbang, nakasalubong na niya ang pigura ni Cale na nakasandal sa hawakan ng hagdanan

