MARAHAS na nagpakawala ng hininga si Carrie. Malungkot na naupo siya sa kama ng binata. Ilang araw na silang hindi nag-uusap ni Alexis. Ilang araw na ang nakalipas simula nang maganap ang party na dinaluhan nila ng binata. At ilang araw na rin siyang himdi pinapansin nito. Pagkatapos ng halik na namagitan sa kanila ay maraming nagbago sa pagitan nilang dalawa. Lalong-lalo na sa lalaki. Kung dati ay lagi siya nitong kinakausap puwes ngayon ay hindi na. Hatinggabi na rin ito kung umuwi. Hinihintay niya nga ito gabi-gabi pero pag-uwi nito ay hindi naman siya nito pinapansin. Napakatipid din nitong sumagot kapag kinakausap niya ito. Pakiramdam niya ay iniiwasan siya ng binata. Pero bakit? Dahil ba iyon sa halik? Nagsisisi ba ito na nagawa niton iyon sa kanya. Napakaraming tanong sa kanyang isipan.
Napatayo siya sa kinauupuan nang marinig ang pagtunog ng doorbell. Nagmamadali siyang pumunta sa pinto para pagbuksan si Alexis. Pero sa halip na ang binata ay si Andrea ang nabungaran niya pagbukas ng pinto.
“Akala ko si Alexis na,” mahinang bulong niya sa sarili.
“Haller? Bakit naman kailangan pang mag-doorbell ni kuya, eh, siya niya naman ang may-ari ng pad na ito,” ani Andrea na narinig pala ang sinabi niya.
Kunsabagay tama naman ito. Kailan nga ba nag-doorbell si Alexis? Hindi talaga siya nag-iisip. “Ano'ng ginagawa mo rito?” tanong na lang niya.
Nagkibit-balikat ito. “Binibisita lang kita.” Pagkatapos ay nginitian siya nito. “Bagay na bagay talaga sa'yo iyang suot mo.”
Inismiran niya ito. Alam niya kasing nang-aarar lang ito. Hinayaan niya itong makapasok sa loob ng pad ng Kuya nito. Lihim na ipinagpasalamat na rin niya ang pagpunta ni Andrea dahil kailangan talaga niya ng kausap ngayon.
“Carrie, ipagtimpla mo nga ako ng juice. Tapos igawa mo rin ako ng clubhouse sandwich,” utos nito sa kanya. Nakangisi ito sa kanya.
Tinaasan niya ito ng kilay. “Ang galing mo mag-utos, ah.”
“Katulong ka ngayon 'di ba?” nang-aasar na wika nito. “Sige ka, isusumbong kita kay Kuya. I’ll tell him na hindi mo sinusunod ang utos ko.”
“Ang sabi sa’kin ni Alexis, siya lang daw ang boss ko kapag nanadito ako sa condo niya.”
Andrea pouted. “Gano’n? Masyado ka naming devoted kay Kuya.”
Inirapan niya lang ito pagkatapos ay dumiretso siya sa kusina para gumawa ng meryenda. Hindi lang para dito kundi para sa kanilang dalawa.
“Kumusta naman ang trabaho mo rito?” tanong sa kanya ni Andrea pagbalik niya sa sala.
“Okay naman,” tipid na sagot niya.
“Talaga?” anito. “Hindi ka pinapahirapan ni Kuya? I mean, sa trabaho, alam ko namang wala kang alam sa kahit anong household chores.”
“Hindi naman.” Uminom siya ng iced tea. Ang puso ko ang pinapahirapan niya ngayon.
Napansin niya ang pagseryoso ng kaibigan. “Two weeks from now, aalis ka na.”
Ang bilis talaga ng araw. Dalawang linggo na pala siyang katulong ni Alexis. “Oo nga, eh.”
“Masaya ka naman ba na nakilala mo nang personal si Kuya?”
“Yeah.”
“Bakit parang hindi naman yata,” anito.
She forced a smile. “Hindi, ah. Ang saya-saya ko nga, eh. Hindi ko lang siya nakilala, naging katulong niya pa ako.”
Sige lang Carrie, lokohin mo pa ang sarili mo, wika ng isang bahagi ng isip niya. Nag-iwas siya ng tingin at mapait na ngumiti. She's didn’t feel any happiness in her heart right now. Dapat nga ay maging masaya siya pero kabaligtaran ang nararamdaman niya ngayon. She was very sad and depressed. Dahil sa dalawang linggong nakasama niya ang lalaki ay na-realize niyang mahal na niya ito. Hindi na lang basta paghanga ang meron siya para sa binata. Iyon ang dahilan kung bakit kakaiba ang nararamdaman niya nitong mga nakaraang araw. Na-realize niya iyon pagkatapos siya nitong halikan. She had been kissed before pero iba ang nararamdaman niya sa halik na iyon ng binata. Kaya pala gulong-gulo siya sa sarili niya. Iyon pala ay dahil mahal na niya ang binata. Sa loob lang ng dalawang linggo ay tuluyan nang nahulog ang loob niya sa binata.
That's the main reason kung bakit gusto niyang pagsisihan ang kalokohang napasok niya sa tulong ni Andrea. Ang gusto lang naman niya ay makilala si Alexis. Wala sa plano niya ang ma-inlove rito. Dahil hindi niya pwedeng mahalin ang lalaki. Una, dahil aalis na siya ng bansa at hindi niya alam kung babalik pa siya. Pangalawa, ay dahil alam niyang wala namang katugon ang damdamin niya sa binata. Sa dalawang bagay na iyon ay labis siyang nasasaktan.
“What are you doing here, Andrea?”
Napabaling siya bigla. Hindi niya namalayang nandito na pala si Alexis. Marahil ay tinawagan ito ng kapatid nito na umuwi na. Lihim na pinagmasdan niya ang binata. Ang sarap talagang titigan ng guwapong mukha nito.
“Bakit Kuya, masama bang dumalaw dito sa condo mo?” wika ni Andrea. “Buti naman dumating ka na. Kanina pa ako nandito. ‘Buti na lang masarap kausap itong si Carrie.”
Binalingan siya ni Andrea at binigyan ng makahulugang ngiti. Pagkatapos ay si Alexis naman ang tumingin sa kanya. Pero ‘di tulad ni Andrea, agad na binawi ng binata ang mga mata nito sa kanya.
Parati na lang ganoon sa kanya ang binata. Hindi na rin naman ito nakikitang tumatawa o ngumingiti man lang. Bigla itong naging suplado sa kanya. At labis na nasasaktan siya sa ipinapakita nitong kalamigan sa kanya. Na mi-miss na niya ang unang Alexis na nakilala niya.
“Umuwi ka na Andrea”, salubong ang kilay na utos ng binata sa kapatid. “Aalis ulit ako. May kinuha lang ako.”
Sumimangot si Andrea. “Napaka-harsh mo talaga sa'kin, kuya. Pero sa mga babae mo, ang bait mo.”
Hindi iyon pinansin ni Alexis. Dumiretso ito sa kwarto pagkatapos ay umalis na rin.
“Nakakainis talaga si Kuya,” pagsesentimyento ni Andrea. “Hindi man lang ako pinansin.”
“I MISS you Alexis,” mahinang bulong ni Carrie habang nakatingin sa kawalan. Malapit nang mag hatinggabi pero hindi pa rin dumarating si Alexis. Saan na naman kaya ito nagsuot? Malamang ay nambabae na naman ito. Nakaramdam siya ng kirot sa puso sa isiping iyon. Gusto niya itong hintayin para man lang makapagpaalam siya rito at masilayan niya ang mukha nito sa huling pagkakataon pero wala naman siyang idea kung anong oras nga ba ito uuwi. Makalipas ang ilan pang sandali ay napagpasyhan na niyang umuwi na. Tama na ang ilang oras na pag-hihintay sa wala.
Mabigat ang mga pang humakbang siya palabas ng condo nito. Pagbukas niya ng pinto ay tumambad naman sa kanya si Alexis. Nagulat siya nang yakapin siya nito.
“Carrie…” Paulit-ulit na binibigkas nito ang pangalan niya. Naamoy niya ang alak sa bibig nito. Mukhang lasing ito. Iginiya niya ito paupo sa sofa. “Sir Alexis?” untag niya rito.
“Carrie.” Dumako ang kamay nito sa pisngi niya at hinaplos iyon. Gosh! How she missed his voice. How she missed him. Kahit nakainom ay hindi pa rin nabawasan ang kaguwapuhang taglay nito. “You're so beautiful.” Pagbigkas nito ng mga salitang iyon ay dumampi ang labi nito sa kanya.
“S-sir Alexis.” Marahan niya itong itinulak. She wanted to be kissed by him pero lasing ang binata. Hindi nito alam ang ginagawa nito. “You're drunk.”
Tumingin ito sa kanyang mga mata. “No, I’m not.I’m fully aware of what I’m doing.” Muli nitong inilapit ang mukha sa kanya. “Carrie, can I kiss you?”
Hindi niya alam king ano ang isasagot sa binate. “S-sir Alex—”
Inilapat nito ang hintuturo sa kanyang labi. “Just say yes. Please.”
“Y-yes,” sagot niya habang buong suyong nakatingin sa binata.
His lips claimed hers in a very hungry kiss. Para bang sabik na sabik ito na matikman ang labi niya. Mabilis na tinugon niya ang halik nito hanggang unti-unti na siyang nadadala sa sensayong idinudulot nito sa kanya. Alam niyang mali ang ginagawa niya pero hindi niya kayang pahintuin ang sarili sa ginagawa. The next thing she knew, she was lying on his bed together with him. n***d.
NANG magising si Carrie ay mag-isa na lang siya sa kwarto ni Alexis. Iginala niya ang paningin sa kabuuan ng kwarto ng binato pero wala talaga roon ang lalaki. Tiningnan niya ang nanakit na hubad na katawan sa ilalim ng kumot. Kinapa niya ang dibdib pero wala siyang maramdamang pagsisi sa puso niya. Mahal niya si Alexis at hindi niya pinagsisihan ang nangyari sa kanila kagabi. Hindi niya pinanghihinayang na dito niya isinuko ang buong pagkatao niya.
Ibinaling niya ang paningin sa kabilang bahagi ng kama. Nakita niya ang isang tray ng pagkain sa bedside table. May kasama rin iyong note at isang piraso ng red rose. Kinuha niya ang maliit na papel at binasa ang nakasulat doon.
Wait for me, Carrie. May importante lang akong aasikasuhin.
Ngumiti siya. Pero kasabay din iyon ang pagbuntong-hininga niya. Ganoon ba ito ka-sweet sa lahat ng mga babaeng nakasalo nito sa kama? She smiled bitterly at the thought. Dati ay nandidiri siya sa mga babaeng naikakama nito samantalang ngayon ay masasabi niya kabilang na siya sa mga babaeng iyon. Kabilang na siya sa mga babaeng nagdaan sa buhay nito. Mas masahol pa nga siya sa mga babaeng iyon dahil ni wala nga silang unawaan ng binata. Katulong lang siya nito. Isang katulong na basta na lang bumigay sa isang halik lang ng amo nito. Malungkot na tumayo siya at nagbihis na. Hindi na niya kailangan pang hintayin ang pagbalik ng binata. Dahil wala namang magbabago. Pinahid niya ang luhang umalpas sa kanyang mga mata. Ituturing na lang niyang isang magandang ala-ala ang namagitan sa kanilang dalawa.
“CARRIE!”
Agad na pinuntahan ni Alexis ang kuwarto niya pero wala roon ang dalaga. Maayos ang kanyang silid at walang bakas na may tao roon. Hinalughog niya ang buong condo niya pero mukhang wala na talaga roon si Carrie. Naabutan din niyang naka-lock ang pad niya. Muli siyang bumalik sa kwarto. Napakunot noo siya nang mapansin ang isa pang note na katabi nang iniwan niya kanina. He took it and read it.
Thank you for the memories, Alexis. Goodbye.
“What the hell!” nasambit niya. Ano'ng ibig sabihin ni Carrie? Nagmamadali siyang lumabas ng condo unit at tinungo ang bahay nila.
“Where the hell is Carrie?” Iyon ang unang lumabas sa bibig niya nang salubungin siya ni Andrea pagdating niya sa kanilang bahay.
Nakita niya ang pag-iwas nito ng tingin. “I don't know, Kuya.”
“Tell me where she is,” maawtoridad na utos niya rito.
“Bakit sa'kin mo siya hinahanap kuya? Eh, wala naman siya rito.”
He smirked. “Wala talaga siya rito dahil hindi naman talaga siya isang katulong.”
Nakita niya ang pagkabigla sa mukha ng kapatid. Pero agad din nito iyong tinago. “I don't know what you're talking about, Kuya,” pagkakaila nito.
“Huwag mo na akong lokohin, Andrea. I already did my research. At hindi talaga katulong si Carrie.”
Nitong mga nakaraang araw ay naging busy siya sa pagtuklas ng katotohanan tungkol sa pagkatao ni Carrie. Muli kasing bumalik ang paghihinala niya sa dalaga nang makita niya itong may kausap na lalaki sa party. Magkausap ang mga ito na parang matagal nang magkakilala. Lalo pang nadagdagan ang hinala niya ng maabutan niya sina Andrea at Carrie sa pad niya. Kilalang-kilala niya ang kapatid, hindi ito nakikipag usap nang ganoon sa taong hindi nito lubos na kilala.
Kanina ay nasagot na ang tanong sa isip niya nang makausap niya ang lalaking nagngangalang Marvin Reyes. Ito ang lalaking nakita niyanga kausap ni Carrie sa party ng kaibigan. At nagulat siya sa nalaman mula kay Marvin. Kaklase daw nito si Carrie sa unibersidad kung saan nag-aaral ang kapatid. At higit na gumimbal sa kanya ay ang natuklasan na hindi lang basta kakilala ng kapatid. Because carrie happened to be Andrea's bestfriend.
Kaya naman pala parang pamilyar ang mukha nito sa kanya. Marahil ay nakita na niya ito minsan na kasama ng kapatid kapag nanonood ito ng soccer match ng team nila.
“I'm sorry kuya,” kagat ang ibabang labi na wika nito sa kanya.
He sighed. Saka na niya ito hihingan ng paliwanag. Ang mahalaga ay mahanap niya si Carrie. Hindi niya kakayanin kapag nawala ito sa kanya. Because he was inlove with her. Iyon ang dahilan kung bakit iniiwasan niya ito nitong mg nakaraang araw. Naguguluhan siya sa nararamdaman niya at the same time. Pero ngayon sigurado siya sa nararamdaman niya. Mahal niya si Carrie. When they made love last night ay doon niya napagtanto na mahal niya nga ito. Sa lahat ng mga babaeng nagdaan sa buhay niya ay kay Carrie lang niya naranasan ang ganoon.
“Sabihin mo na sa'kin kung nasaan si Carrie?”
“Sabihin mo muna sakin kung bakit mo siya hinahanap?”
“Because I love her,” walang habas na sagot niya. “And I want to be with her.”
“Love?” gagad ng kapatid niya “Kuya, may fiancée ka na. You're getting married soon. Hindi mo pwedeng basta na lang sabihin kay Carrie na mahal mo siya. Dahil masasaktan lang siya.”
Her sister is right. Ipinagkasundo siya ng mga magulang niya sa anak ng business partner nito. “Alam mong napipilitan lang ako sa utos ni papa.”
“But the thing is, engaged ka na.”
Sinapo niya ang ulo. “Tell me where Carrie is, Andrea.”
“I'm sorry kuya,” anang kanyang kapatid niya. “But right now, malamang ay nasa airport na siya. She's leaving the country for good at ngayon ang araw ng flight niya.”