Five

1754 Words
Five years later... “CARRIE, mabuti naman at naisipan mong umuwi dito sa Pilipinas.” Binalingan niya si Manang Dely. Ito ang nagsilbing katiwala at tagapangasiwa nang naiwan nilang bahay dito sa bansa. Kahit kasi nasa Amerika na ang buong pamilya nila ay hindi pa rin magawang ibenta ng mga magulang niya ang bahay na iyon. Mayroon kasing sentimental value iyon sa mga magulang niya. “Hindi rin naman po ako magtatagal dito,” sagot niya sa matanda. “Isang linggo lang ang pinakamatagal.” Makalipas nga ang limang taon ay muli siyang bumalik ng bansa. At dahil iyon sa kaibigan niyang si Andrea. Ikakasal na kasi ito sa nobyo nito. Pinakiusapan siya ng babae na um-attend sa kasal nito. Kung hindi dahil kay Andrea ay nunca na babalik pa siya ng Pilipinas. Gusto rin niyang masaksihan ang natatanging araw sa buhay ng kaibigan niya. Marami na rin siyang utang dito. Mula kasi nang umalis siya ng bansa limang taon na ang nakalilipas ay nawalan na rin siya ng komunikasyon sa dalaga. Sinadya niyang putulin muna ang komunikasyon sa kaibigan. Ilang taon din silang walang balita sa isa’t-isa. Hanggang noong nakaraang buwan ay napagpasyahan niyang kontakin ito. Doon na nga niya nalaman na ikakasal na pala ang kaibigan. “Sayang naman, hija,” wika ni Manang Dely. “Bakit hindi mo habaan ang bakasyon n’yo para naman maipasyal mo si Alexander.” Ngitian niya ang matanda. “Next time na lang siguro, Manang.” Kapagkuwan ay tumayo siya. “Sige po, titingnan ko muna si Xander.” Umakyat siya sa dating silid na ngayon ay siyang inuokupa niya. Naabutan niya na mahimbing pa ring natutulog ang anak niya. Marahil ay napagod ito sa mahabang byahe nila. Wala talaga siyang balak na isama ito pauwi. Napilitan lang siya dahil nagpumilit itong sumama sa kanya pabalik ng bansa. Naupo siya sa tabi nito pagkatapos ay mataman itong pinagmasdan. Ang natutulog na anak sa harap niya ang dahilan kung bakit hindi niya gusto pang bumalik ng bansa. Nagbunga ang naganap noon sa kanila ni Alexis. Nang una ay abot-abot na pangaral at sermon ang natanggap niya mula sa kanyang mga magulang. Pero ‘di kalaunan ay buong pusong sinuportahan siya ng mga ito. Maging siya ay nahirapan din sa nangyari. Isang taon siyang nahinto sa pag-aaral. Pero kahit ganoon ay hindi kailanman pumasok sa isip niya na ipa-abort ang bata. Lalo na nang lumabas na mula sa kanyang sinapupunan si Alexander. She named her son after his father. Nagawa niya itong palakihin sa loob ng limang taon sa tulong ng kanyang mga magulang. Nagpapasalamat siya dahil hindi siya pinabayaan ng mga ito. She kissed his forehead pagkatapos ay tahimik na lumabas ng silid. Nang balikan niya si Manang Dely ay hindi na ito nag iisa. May kasama na itong isang babae. It was Andrea. Sinugod siya nito ng yakap. “Bakit hindi mo sinabi sa’kin na nandito ka na pala?” tanong nito. “Eh, ‘di dapat sana’y nasundo man lang kita.” She smiled at her. “Hindi na kita gustong istorbuhin. Alam kong masyado kang busy sa wedding mo.” Tinapik siya nito sa braso. “Ikaw talaga.” Pagkatapos ay umingos ito. “Akala ko nakalimutan mo ng kaibigan mo pa pala ako.” “’Wag ka nang magtampo. Mabuti nga at umuwi ako rito para lang sa kasal mo.” “Dapat lang 'no,” anito. “Dahil kung hindi, ako na mismo ang susugod sa States para lang hilahin ka pabalik dito.” Natawa siya sa sinabi nito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nagbabago. “Ba't di mo kasama ang fiancé mo? At nang maipakilala mo man lang sa’kin.” Pinaikot nito ang mga mata. “Haller? Eh, ‘di hindi tayo makakapag-usap ng maayos.” Pinasadahan siya nito ng tingin. “In fainess, lalo kang gumanda ngayon,” puri nito. “Iyan na ba ang epekto ng pagtira mo sa States?” “No. Epekto iyan ng pagiging associate editor ko sa isang fashion magazine.” Ipinagpatuloy niya ang kursong Journalism sa Amerika. Pag-graduate niya ay nag-apply siyang writer sa isang fashion magazine hanggang sa ma-promote siya sa kasalukuyang posisyon niya. “Same with you, Andrea. Blooming na blooming ka.” “S’yempre naman. Ganito talaga kapag in-love.” Halata nga sa mukha nito na masayang-masaya ito ngayon. “I really miss you Carrie,” seyosong wika nito. “Ang tagal natinghindi nagkita kaya inilaan ko talaga ang araw na ito para maka pag-usap tayo.” Na-touched naman siya sa sinabi nito. “Talaga? At talagang mas inuna mo pa ang pakikipag-usap sa’kin kaysa asikasuhin ang wedding mo.” In two days time kasi ay araw na ng kasal nito. Ngumiti lang ito ng matamis. “Don’t worry about that. Si Brian na ang bahala doon.” Ang Brian na tinutukoy nito ay ang fiancé nito. Ibinigay nito sa kanya ang isang paper bag. “Nand’yan na ang isusuot mo.” “Thanks.” Itinabi niya ang paper bag sa sofa. Pagkatapos ay nagkwentuhan na silang dalawa. Inilahad niya kay Andrea ang naging buhay niya sa Amerika. Maliban sa isang bagay. At iyon ay ang tungkol kay Xander. Kahit malapit na kaibigan niya si Andrea ay kapatid pa rin ito ni Alexis. Kaya hindi niya maaaring sabihin dito ang tungkol sa anak niya. Babalik siya ng Amerika nang wala ni isa man sa mga ito ang nakakaalam ng tungkol doon. “Carrie, hindi mo man lang ba itatanong kung kumusta na si Kuya Alexis?” Saglit siyang natigilan sa binanggit ni Andrea. Pero agad din siyang nakabawi. “Wala naman nang dahilan para itanong ko iyon. Past is past. Matagal na akong naka move-on sa paghangang nararamdaman ko sa kanya.” Andrea raised her eyebrows. “Talaga?” Balewalang ngumiti siya. “Five years had passed Andrea. Matagal ko nang nakalimutan si Alexis.” Nagkibit-balikat ito. “'Sabagay, sa dami siguro ng nakasalamuha mo'ng guwapo sa Amerika, malamang ay nakalimutan mo na ang pagsinta mo kay Kuya.” Marami siyang nakilalang mga lalaki sa States. Masasabi rin niyang marami rin sa mga iyon ay nagtangkang ligawan siya pero wala siyang sinagot isa man sa mga iyon. Sa loob ng limang taon ay hindi siya nagtangkang magboyfriend. Mas binigyan niya ng priority ang anak niya kasya sa ano pa mang mga bagay. “Andrea—” “Mommy!” Napahinto siya sa pagsasalita nang marinig ang boses na iyon. Binalingan niya ang anak na pupungas-pungas na bumaba mula sa hagdan. Hindi ba't mahimbing itong natutulog? Paanong nandito na ito ngayon sa harap niya. Pakiramdam niya ay tinakasan siya ng hininga nang mapagtanto ang magiging reaksyon ni Andrea. “Mommy, I'm hungry!” wika ng anak niya habang hawak nito ang tiyan. Namg makabawi sa pagkabigla ay tinawag niya si Manang Dely para doon na lamang pasamahan ang anak. “Manang Dely will get some food for you, okay?” wika niya sa anak. “Okay, mom.” Tumango ito. Pagkatapos ay binalingan nito ang tulalang si Andrea. “By the way, who is she?” Itinuro pa nito si Andrea. “A-ah, she's t-tita Andrea,” sagot niya sa walang muwang na bata. Mabuti na lang at iginiya na ito ni Manamg Dely patungo sa kusina. Bumuntong-hininga muna siya bago bumaling kay Andrea. Paano na iyan ngayon? Mukhang mapipilitan na siyang aminin dito ang totoo. “A-andrea,” untag niya sa kaibigan na hanggang ngayon ay tulala pa rin. Hinawakan nito ang kamay niya. “Am I just seeing things, Carrie? Namamalikmata lang ba ako sa nakita ko?” Ikinurap-kurap pa nito ang mga nito. Umiling-iling siya. “No, Andrea. Totoo lahat ang nakita mo.” “OH MY gosh!” hindi makapaniwalang bulalas ni Andrea. Halos malaglag ang panga nito sa lahat ng isiniwalat niya rito. Tiningnan siya Andrea. “I'm sorry, Andrea.” Andrea sighed. “Naiintindihan naman kita.” Kapagkuwan ay sumilay ang ngiti sa mga labi nito. “He look exactly like his father. Kung makikita mo ang picture ni Kuya noong bata pa siya, masasabi mo'ng carbon copy ni Kuya si Xander.” She agreed what Andrea said. Kamukhang-kamuha nga talaga ng anak niya si Alexis. Kapag tumitingin siya sa mukha ni Xander ay imposibleng hindi niya maalala si Alexis. “Kailangan itong malaman ni Kuya. I'm sure—” “No!” pigil niya kay Andrea. “Please don't tell your brother about Xander,” pakiusap niya kay Andrea. Hinawakan niya ang kamay nito. “Don't you dare tell him about this.” Nagtatakang tinimgnan siya nito. “But why? Karapatan ni Kuya na malaman ang tungkol sa anak ninyo.” “No,” mariing giit niya. “Ayokong masaktan ang anak ko, Andrea. Ayoko’ng magulo pa ang buhay niya. Same with your brother. Ayoko na siyang guluhin pa.” Ngayon ay salubong na ang kilay ng kaibigan niya. “I don't get you Carrie? Ano ba'ng sinasabi mo?” “Alam ko na may asawa na si Alexis. Kaya ayokong guluhin pa siya.” Lingid sa kaalaman ng mga ito ay bumalik siya ng Pilipinas nang malaman niyang buntis siya. Pero naabutan niyang kasalukuyang ginaganap ang engagement party ni Alexis. Iyon ang nagtulak sa kanya para tuluyan nang ilihim sa lalaki ang tungkol sa anak nila. Dahil tiyak na mas lalo lang magiging komplikado ang lahat kapag ipinaalam niya pa iyon dito. Mas nanaisin pa niyang ilihim ang lahat at palakihing mag-isa si Xander kaysa makilala ito bilang bastardo. “Asawa?” nagtatakang sambit ni Andrea. “Saan mo naman napulot ang bagay na iyan? Wala pang asawa si kuya Alexis. Single na single pa iyon.” Pero.. paanong… “Nasaksihan ko mismo ang engagement party niya.” “Ah,” sambit nito. “Ipinagkasundo kasi siya ni Papa sa anak ng business partner nito. Pero hindi rin naman natuloy iyon. Nag-backout si Kuya. Wala nang nagawa si Papa para piliting ituloy pa iyon.” Natahimik siya. Kung ganoon pala ay wala talagang asawa ang binata. Matamang pinagmasdan siya ni Andrea. “Iyon ba ang inaalala mo kaya inilihim mo ang tungkol sa pamangkin ko? Ang kaalamang may asawa na si Kuya?” She nodded. “Sinisigurado ko sa'yo na wala talagang asawa si Kuya Alexis. At kung meron man, hindi pa rin iyon sapat na dahilan para ilihim mo sa kanya ‘to,” seryosong wika nito. “Hayaan mo Carrie, sa ngayon hindi ko muna sasabihin kay kuya ang nalaman ko. Dahil ikaw dapat ang magsabi nito sa kanya.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD