Six

2494 Words
MASAYANG pinagmasdan ni Carrie ang nagaganap na pag-iisang dibdib sa pagitan ni Andrea at ni Brian. Kitang-kita niya ang kasiyahan sa mukha ng kaibigan niya. She was obviously inlove. At masaya siya para sa kaibigan. Inilibot niya ang tingin sa simbahan na kasalukuyang pinagdarausan ng seremonya. Nahagip ng tingin niya ang pamilyar na bulto ng lalaki. It was Alexis. Inaasahan na niya na makikita ito sa araw na iyon. In fact, kanina bago magsimula ang kasal ay nagtama ang paningin nila ng lalaki. Hindi niya inaasahan na babatiin siya nito at ngingitian. Ayon kasi kay Andrea ay pagkatapos niyang umalis ay nalaman ni Alexis na best friend siya ng kapatid nito. Hindi iyon ang ine-expect niyang magiging reaksiyon nito. Hindi ba dapat ay galit ito sa kanya dahil nagawa niya itong lokohin? Pero well, bakit pa nga ba niya ito pinapakialaman? Ibabalik na sana niya ang tingin sa harap ng altar nang maramdaman niya ang pag vibrate ng cellphone niya. Kinuha niya ang cellphone sa loob ng hawak na purse. Napakunot-noo siya nang makitang unregistered number ang tumatawag sa kanya. Pasimpleng lumabas muna siya ng simbahan para doon sagutin ang tawag. Nag-aalala kasi siyang baka importante ang tawag na iyon “Hello?” “Hello, Carrie. Si Manang Dely ‘to,” wika ng boses sa kabilang linya. “Bakit po kayo napatawag?” nag-aalalang tanong niya. “Nagmamaktol kasi si Xander. Hinahanap ka. Hayun, nagkulong sa kwarto.” Lihim na pumalatak siya. Minsan talaga ay may pagkapasaway itong anak niya. Palibhasa kasi ay nai-spoiled ng mga magulang niya. “Sige po, Manang. Uuwi na rin ako,” sagot niya at pinutol na ang tawag. Nilinga niya ang simbahan. Ilang minuto na rin naman at matatapos na ang kasal. Siguro ay hindi na siya a-atend sa reception. Nagpalinga-linga siya sa paligid para humanap ng masasakyan pero wala siyang makita. Puro kotseng nakaparada lang ang nakikita niya. Nag-taxi lang kasi siya kanina para makapunta rito. “’Problem?” Marahas na nilingon niya ang pamilyar na boses na iyon. Alexis. Nakatayo ito ‘di kalayuan sa kanya. At ngayon ay humakbang ito palapit sa kanya. Lihim niya itong pinagmasdan. Sa loob ng limang taong hindi nila pagkikita ay masasabi niyang malaki ang ipinagbago nito. She must admit that he was more handsome now. Mas gumanda ang tindig nito. Dumako ang tingin niya sa kamay nito, partikular na sa daliri nito. Wala siyang nakitang singsing na suot. Ngayon ay nakumpirma na niya sa sarili niya na tama ang sinabi ni Andrea. Speaking of Andrea, nagpapasalamat siya sa kaibigan dahil hindi nito sinabi sa kapatid ang tungkol kay Xander. Tama si Andrea na siya dapat ang personal na magsabi niyon sa binata. Pero hanggang ngayon ay nagtatalo pa rin ang isip niya. Natatakot siya sa magiging reaksyon ni Alexis? Paano kung hindi nito matanggap ang tungkol sa bagay na iyon? Paano kung itakwil nito ang anak niya? Hindi niya kayang harapin iyon. Higit na masakit iyon hindi lang para sa kanya kundi maging sa anak nila. “Like what you see?” Itinaas nito ang kamay. Doon lamang siya biglang natauhan. Hindi pa rin pala niya inaalis ang tingin sa kamay nito. Agad siyang nag-iwas ng tingin. Nakaramdam siya ng pagkapahiya. Bakit ba kasi niya pinag-aksayahang tapunan pa ng tingin ang lalaki. “Mukhang may problema ka, ah?” muling wika nito. Kahit naiilang siya ay pilit niya itong hinarap. “Bakit ka ba nandito sa labas?” Nagkibit-balikat ito. “Nagpapahangin lang. Ikaw?” She let out a sighed. “I need to go home now.” “Why all of a sudden?” kunot-noong tanong nito. “Hindi pa tapos ang ceremony.” Muli siyang nag-iwas ng tingin. “May emergency kasing nangyari.” Hay Carrie, heto ka na naman sa pagsisinungaling mo. “Emergency? Ano’ng klaseng emergency?” “Basta emergency,” mataray na sambit niya Hindi nito pinansin ang pagsususngit niya. “Bakit nandito ka pa?” “Wala ako’ng dalang sasakyan.” Sumilay ang ngiti sa mga labi nito. Pagkatapos ay nagulat siya nang bigla nitong hilahin ang kamay niya. “Ako na lang ang maghahatid sa’yo.” Napamaang siya. “Hindi pwede!” “Bakit naman? Hindi ko ba pwedeng makita ang bahay ng dati kong maid?” He smiled mockingly. “Sa lahat ng may pupuntahang emergency, ikaw pa ang nag-iinarte.” Hindi na niya magawang pang makabitaw sa mahigpit na hawak nito. Bahala na nga. Tutal naman ay hindi ito makakapasok sa bahay nila. Pagdating nila sa kotse nito ay agad nitong pinaandar ang sasakyan. Siya naman ay binaling ang tingin sa bintana. Hindi niya itong gustong makausap. “Kumusta ka naman?” Napabaling siya rito. Hindi ito makatingin sa kanya pero nakkita niya ang ngiti sa nga labi nito. Hindi niya alam kung ano ba ang naglalaro sa isip nito ngayon. Kung makaasta kasi ito ngayon ay parang wala man lang nangyari sa kanila. “Okay lang,” napipilitang sagot niya. Tumango-tango ito. “So tell me, Carrie. Bakit ka nagpanggap na maid?” She was taken aback. Hnidi niya inaasahang itatanong pa nito sa kanya ang bagay na iyon. Bakit pa nito kailangang ungkatin ang tungkol doon? Ano na ngayon ang isasagot niya? “Ah... napagkatuwaan lang namin ni Andrea. I’m sorry for that.” “No need to say sorry,” seryosong wika nito. “About nga pala sa nangyari dati…” Mukhang ang tinutumbok nito ay ang naganap sa kanila bago siya umalis ng bansa. “’Wag na natin pang pag-usapan pa iyon.” Hindi ito nagsalita. Kapagkuwan ay tumunog ang cellphone nito na nakapatong sa dashboard. Kinuha iyon ng lalaki at sinagot ang tawag. Salubong ang kilay na tiningnan niya ito. Hindi ba nito alam na bawal mag-cellphone habang nag da-drive. Paano kung maaksidente ito? Eh, ‘di madadamay pa siya? “Mariel,” wika ni Alexis sa kausap nito. Lihim siyang napaismid. Hanggang ngayon pala ay babaero pa rin ito. Well, ano pa nga ba ang aasahan niya? Lihim siyang bumuntong-hininga. Isa rin iyon sa bagay na ikinakatakot niya. Dahil isa itong playboy ay baka hindi nito matanggap ang pagkakaroon nito ng anak. “Sige na, Mariel. Mamaya ka na lang tumawag. Bye.” Pagkatapos nitong patayin ang cellphone ay bumaling ito sa kanya. “Saan nga pala ang bahay n’yo?” Nakahinga siya ng maluwag dahil mukhang nakalimutan na nito ang sinabi kanina. Pagdating niya sa tapat ng bahay ay nagmamadali siyang lumabas ng sasakyan nito. “Wala man lang bang ‘thank you’?” Bumaba na rin pala ng kotse ang binata. “Thank you,” wika niya. “Ahm, pwede ka nang umalis,” pagtataboy niya rito. “Hindi mo man lang ba ako papapasukin sa loob?” “H-hindi pwede,” mariing wika niya. Nabahiran ng pagtataka ang mukha nito. “Bakit? May itinatago ka ba?” She frozed. “W-wala.” He chuckled. “Bakit bigla kang namutla?” Idinaan niya sa galit ang kabang nararamdaman. “Wala. Sige na umalis ka na!” Nagmamadali siyang pumasok sa loob ng gate ng bahay. Pagkatapos ay umakyat siya sa silid kung saan naroon ang anak. Naabutan niya itong sa isang sulok. “Xander!” Niyakap niya ito. “Mom, I miss Mamita. And also tita Cindy. I’m so bored here.” Masuyong pinahid niya ang luha sa pisngi ng anak. “Don't worry, Xander. We’ll be going back to the States soon.” Ginulo niya ang buhok nito. “Stop crying now, okay? Remember what mamita told you. Big boys do not cry.” Agad naman itong tumigil sa pag-iyak. “I love you mom.” Hinalikan niya ito. “I love you, too.” CARRIE let out a sighed. Bukas ay babalik na sila ni Xander sa Amerika. Dapat ay ilang araw pa ang itatagal nila rito pero pakiramdam niya ay hindi na niya kakayanin kapag nagtagal pa sila. Hanggang sa mga panahon kasing ito ay hindi pa niya muling nakakausap si Alexis at nasasabi ang dapat nitong malaman. Wala na rin siyang lakas ng loob na sabihin iyon sa lalaki. Bahala na! Sana lamang ay mapakiusapan niya si Andrea na mapanatili na lang lihim ang tungkol kay Xander. Kinuha niya ang cellphone sa ibabaw ng side table nang tumunog iyon. Sakto na si Andrea ang tumatawag. Agad na pinindot niya ang answer button. “Andrea, napatawag ka?” wika niya rito. Kasalukuyan itong nasa Europe kasama ang asawa nito para sa honeymoon ng dalawa. Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito sa kabilang linya. “I’m sorry, Carrie.” Her forehead creased. “Bakit ka naman nagso-sorry?” “Basta sorry talaga, Carrie.” Bago pa siya muling makapagsalita ay naputol na ang tawag. Naguguluhan siya sa sinabi ng kaibigan. Andrea sounded as if she did something wrong to her. Napahawak siya sa kanyang dibdib. Hindi kaya… No. Marahas na ipinilig niya ang ulo para mapalis ang bagay na pumasok sa isip niya. Lumabas siya ng kwarto para uminom ng tubig. Bigla kasi siyang nakaramdam ng hindi maganda. Pagbaba niya ng hagdan ay nakasalubong niya si Manang Dely. “Carrie may bisita ka. Talagang pupuntahan kita sa kwarto, eh.” Agad siyang nilukob ng kaba. “Sino daw?” “Hindi ko naitanong, eh. Pero ang sabi, kapatid daw niya si Andrea.” Itinulos siya sa kinatatayuan nang mapagtanto kung sino ang taong iyon. Si Alexis! Hindi kaya tama ang hinala niya na alam na ito ang lahat? Pero paano nito nalaman? Kay Andrea? Lalong lumakas ang kabog sa dibdib niya. Kaya ba ganoon na lamang ang tono ni Andrea nang tumawag ito sa kanya? “Carrie, okay ka lang ba?” Wala sa loob na tinanguan niya ang matanda. Pagkatapos ay dahan-dahan siyang bumaba ng hagdan. Kinailangan pa niyang humawak sa hamba ng hagdan dahil pakiramdam niya ay nanghihina siya. Kung pwede lang sanang bumalik na siya ng kwarto at huwag harapin ang binata. Pero kailangan na niya itong gawin. Pagdating niya sa sala ay naabutan niyang nakaupo si Alexis sa sofa. Seryoso ang mukha nito. Naupo siya sa katapat nitong sofa. “Ano nga palang ginagawa mo rito?” tanong niya sa binata. Pinipilit niyang umakto ng normal. Hindi niya dapat ipahalata na kinakabahan siya sa maaaring mangyari. But by just seeing his serious face made her knees tremble. Matamang tiningnan siya nito. “Hanggang ngayon ba aakto ka pa rin ng ganyan?” nahimigan niya ng galit ang boses nito. “Mahilig ka talagang magsinungaling, ha?” Punong-puno ng panunumbat ang mga mata nito. Kumg ganoon ay talagang alam na nito ang lahat. Nag-iwas siya ng tinig. “I’m sorry Alexis,” mahinang sambit niya. Pakiramdam niya ay hindi niya makakayang harapin ang galit nito. Sa unang pagkakataon ay ngayon lang niya nasaksihan ang ganitong ugali ng binata. “Sorry?” sarkastikong sambit nito. “Sa tingin mo ba, mababawi ng isang simpleng sorry ang ginawa mo’ng paglilihim sa akin? Mababawi ba noon ang limang taong nawala? At kailan mo pa ‘to balak sabihin sa’kin? Or shall I say, kung may balak ka nga bang sabihin sa’kin?” “Sasabihin ko naman talaga sa’yo, eh. Naghahanap lang ako ng tamang pagkakataon.” “Tamang pagkakataon?” gagad nito. “My god Carrie, limang taon na ang nakalilipas and yet hindi ka pa rin nakakahanap ng tamang pagkakataon na sinasabi mo?” Kung nakamamatay man ang tingin, malamang ay kanina pa siya bumulagta sa sahig. Hindi niya inaasahan ang ganoong reaksiyon mula sa lalaki. Nakakatakot ang tinging ipinupukol nito sa kanya. “Kung hindi pa nadulas ang bibig ni Andrea, hindi ko pa malalaman na may anak pala tayo. Mas nauna pang nalaman ni Andrea, kaysa sa’kin!” “Will you please stop!” hindi napigilang sigaw niya. Puro panunumbat na lang ang narinig niya mula rito. “Akala mo ba, madali lang ang lahat ng ito para sa’kin? Hindi lang naman sarili ko ang iniindindi ko, eh. Pati na rin ang nararamdaman ng anak ko… Ng anak natin.” Hindi nito alam kung gaano siya nahihirapan sa tuwing kinakailangan niyang magsinungaling sa anak niya kapag nagtatanong ito ng mga bagay tungkol sa ama nito. Unti-unting nag-init ang sulok ng kanyang mga mata. Inaamin naman niya na malaki ang naging kasalanan niya kay Alexis. Pero talagang hindi niya makayanan ang labis na galit nito. Lumambot ang ekspresyon ng mukha nito. “I’m sorry. Hindi ko dapat nasabi ang mga ganoong salita. Masyado lang akong nadala ng emosyon.” Ilang sandali niyang kinalma ang sarili bago nagsalita. “It’s okay. Naiintindihan kita.” “MOMMY, are you crying?” Pasimpleng pinahid ni Carrie ang luhang umalpas sa kanyang mga mata. Nilapitan niya ang anak na nanonood ng paborito nitong cartoon sa TV. “No, baby.” “But your eyes are color red,” puna nito. “Tell me who made you cry. And I will punch him.” Itinaas pa nito ang kamao at sumuntok sa hangin. Kapagkuwan ay sumeryoso siya. “Xander, I need to ask you something.” “What is it mommy?” She took a deep breath. “Do you want to see your Daddy?” Namilog ang mga mata nito. “M-my Daddy?” Hindi na siya nagtataka pa sa naging reaksiyon nito. Sa tuwing nagtatanong ito sa kanya kung nasaan ang daddy nito ay gumagawa lang siya ng istorya o ‘di kaya ay inililihis niya ang usapan sa ibang bagay. “Yes. Baby.” Ngayon ay nakangiti na siya sa anak. “Do you want to meet him?” “Of course mom!” masayang sagot nito. Nagtatalon pa ito sa kama. Nakikita niya ngayon ang labis na kasiyahan sa mga mata ng kanyang anak. Maging siya ay masaya para rito. “Then get up. Your Daddy’s waiting for you downstairs.” Nagmamadali itong lumabas ng silid. Nangingiting sinundan niya ang anak. He looked so excited. Pagbaba niya sa sala ay naabutan niyang magkayakap ang mag-ama. She was touched. Nangilid ang luha sa kanyang mga mata. Hindi niya akalaing ganoon siya magiging ka apektado sa nasaksihan. Sa wakas ay naibigay na rin niya sa anak ang bagay na matagal na nitong hinihiling. Ang makita ang ama nito. “Are you really my Daddy?” tanong ng bata kay Alexis. Sinakop ng mga kamay ni Alexis ang mukha ng anak nila. “Of course, baby. I’m your real Daddy.” She looked at Alexis. Kitang-kita niya ang pagkislap sa mga mata nito. Para bang tila anumang oras ay may papatak na luha mula roon. “Yeah. I know that you really are my Dad,” sagot ni Xander sa ama. “Because you’re so handsome.” Ginulo ni Alexis ang buhok ng anak. “You bet.” “But... I’m more goodlooking than you.” Napuno ang kabahayan ng halakhak ni Alexis. Kung kanina ay galit ang nakikita sa mukha nito, ngayon ay kabaligtaran na iyon. Maging siya ay hindi napigil ang mapatawa. “No wonder you are my son.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD