Chapter 05

1416 Words
Autumn Mag-iisang buwan na ang nakakalipas matapos ang nangyari saamin ni Brennon. Hindi narin ito, pumupunta sa bahay, ngunit naririnig ko parin sa bahay ang mga pag-uusap nila tungkol sa nalalapit na kasala nila ate Addison at Brennon. Masakit sobrang sakit. Pero ano naman ang magagawa ko. Walang kami.. Kahit pa may nangyari saamin. "Club later?" Biglang sabi ni Lyndsay. Na agad namang tumango si Arianne. Bumaling ako kay Mad ngunit nabigla ako ng malalim itong nakatingin saakin. "Mads ano game?" Ani Lyndsay. "Sa susunod na," Napailing na lamang si Lyndsay at Arianne sa isinagot ni Mad. _____ "Bye, ingat," Paalama ko. "Bye girls, ano Mad hindi ka talaga sasama?" Kulit ni Lyndsay. Umiling lang ito. "Hindi ka pa uuwi?" Tanong ko rito. "Mag-uusap tayo." Napakunot noo ako, ngunit agad ding tumango. Pumasok kami sa coffee shop. "Ano bang pag-uusapan natin, Bakit nga pala hindi ka sumama mamaya kila Lyndsay, nakakapanibago ka-" "Ikaw ang nakakapanibago Autumn," Nagulat ako sa sinabi nito. "Sabihin mo, Anong nangyari sainyo no'ng fiance ng ate mo, Sino nga ba 'yun, Brennon right," Nabigla ako sa mga sinabi ni Mad. "A-Ano bang sinasabi mo," Nauutal ko pang saad. "No'ng gabing na sa club tayo, Nakita ko kayong magkasamang lumabas sa Restroom. Ano saan kayo pumunta, Anong ginawa niyo huh!" Madiin na saad nito. "Ilang araw, Linggo ka ng tulala, Kasama ka nga namin pero parang wala ka naman sa sarili. Nakikitawa ka pero lumilipad naman 'yang isip mo, Kaibigan mo ako, nag-aalala na ako sa'yo Autumn," Unti-unting pumatak ang aking luha. Napasapo ako sa aking mukha at mahinang umiyak. Naramdaman ko ang paghawak saakin ni Mad. "Nandito ako, Kaibigan mo ako, pwede kang magsabi saakin," Pilit kong pinatahan ang aking sarili para makapagsalita. "M-Mahal ko siya Mad, Mahal ko ang fiance ng ate ko," Nakita ko kung paano ito magulat sa aking sinabi. "Nung gabing iyon, ay.." "Ano.." Madiin na sambit ni Mad. Makikita sa kaniyang mata na nahuhulaan na ang aking sasabihin. "Ma-May nangyari saamin Mad.." Nakayukong saad ko. At muling tumulo ang aking luha, ng maalala ang pasasalamat ni Brennon saaming namagitan. "Autumn, Ano bang nasa utak mo, alam mong fiance na siya ng ate mo, Sana inisip mo muna iyon bago ka pumayag na may mangyari sainyo, Gumamit ba kayo ng proteksyon?" Natigilan ako sa sinabi nito. Agad na bumalik sa aking ala-ala ang nangyari saamin ni Brennon kung paano marahis nitong kinuha ang aking p********e. "Wala," Mahina kong sambit. Napahawk naman sa noo si Mad, at napapikit. "Paano kung magbunga ang nagyari sainyo, malaking gulo ang mangyayari sa pagitan niyong magkapatid. Napakamaldita pa naman niyang Ate Addison mo." Bumugso ang kaba saakin ng maisip na pwedeng mangyaring mabuntis ako. "Isang buwan na ang nakalapas, mukang wala naman," Ani ko kahit kinakabahan. "Subukan mong gumamit ng Pregnancy test, para mas makasigurado ka." Sumang-ayon naman ako sa kaniyang suhestiyon. "Tawagan mo ako kung ano ang magiging resulta." "Sige," Ani ko. At nagpaalam na kami sa isa't-isa. ___ Nakarating ako sa Pharmacy, agad na naman akong binundol ng kaba. Nagdadalawang isip kung papasok ako roon, napapikit ako at napasandig sa manubela. "Ahm.. Pregnancy test," Saad ko sa babae. "Ilan miss?" "Dalawa," Pagdating sa bahay ay nadatnan ko ang ilang mga tao na mag-aayos para sa kasal ni Ate Addison. Kitang-kita ko sa mata ni Ate kung gaano ito kasaya habang tumitingin ng mga wedding gown sa Brochure na hawak nito. Katabi niya si Mom na masaya ring nakatingin kay Ate. Huminga ako ng malalim at akmang lalagpasan sila ng marinig ko ang pagtawag saakin ni Mommy. "Anak. Halika tignan mo ang wedding gown ng ate mo," Nakita ko ang pag ikoy ng mata ni Ate Addison. "Mamaya na lang po Mom, Magpapalit lang ako ng damit." Tumango ito at naglakad na ako paalis. "Anak, anong oras pala pupunta dito si Brennon? " Rinig kong tanong ni Mom, napatigil ako ng marinig ko na naman ang pangalan ng lalakeng iyon. "He's on his way Mom," Ani ate Addison. Damagundong na namang ang aking dibdib. Napalunok ako ng ilang beses bago nag lakad muli, papunta sa aking kwarto. Nakaramdam ako ng antok at unti-unti ng napapikit. "Miss Autumn, pinapababa na po kayo ni Madam." Naalimpungatan ako ng marinig ang pagkatok sa aking pinto. "Miss Autumn," "Baba na po ako Manang," Ani ko at pumunta na ng Bathroom para maligo. Hindi ko maintindihan ang aking sarili kung bakit nakakaramdam parin ako ng atok, kahit kagigising ko lang. Habang nag aayos ng aking buhok ay biglang tumunog ang aking sikmura. Napangiti na lang ako at nagmadaling bumaba para kumain. Iniisip ko pa lang ang mga ulam na nakalatag sa table ay naglalaway na ako. Ngunit gano'n na lang ang aking pagtigil ng magtama ang aming paningin ni Brennon. Unti-unting nangilid ang aking luha na pilit kong pinipigilan. Isang buwan ko itong hindi nakita. Kahit pa sinabi ko sa aking sarili na kakalimutan ito, ay hindi maitatago ng aking puso ang pagkasabik na makitang muli ang lalake. "Maupo ka na, Hija at kakain na tayo, narito pala ang fiance ng ate mo." Ani Mom. Nakita ko kung paano ngumisi si Atd Addison saakin. Naupo ako sa right side, nakatapat ko si Brennon na ngayon ay ilang na ilang ako sa pagkakatitig nito saakin. Napasimangot ako ng makita ang beef steak, At iba pang mga pagkain. Hindi ko alam kung bakit hindi ko magustuhan ito ngayon kainin. Napangiti ako ng makita ang Adobong Chicken. Agad akong sumandok no'n. Nakangiti pa ako, akma ko itong isusubo ng maamoy ko ito. Agad ako nakaramdam ng pagsusuka. Tumakbo ako papunta ng kitchen at doon ako sumuka. Pero tubig lang ang aking nilalabas. "Autumn, maayos ka lang ba? Anong nangyari sa'yo?" Nag aalalang wika ni Mom. "Opo, Nasobrahan lang po ako sa kape." Nakita kong nakahinga ito ng maluwag. Samantalang ako ay binabalutan na ng kaba. "Mom, mamaya na lang siguro ako kakain. Magpapahinga na po ako." "Sige, Mabuti pa nga." Hindi ko na nilingon sila Ate at Brennon, Nagmamadali akong makaakyat sa aking kwarto. Nanginginig kong binuksan ang aking bag. At hinanap ang dalawang pregnancy test. Sinunod ko ang instruction matapos ay hinintay ko ang ilang minuto. Napatakip bibig ako ng makita ang dalawang linya. Agad na bumagsak ang aking luha. 'Hindi...' Pinunasan ko ang aking luha at kinuha muli ang isang Pregnancy test, Baka nagkamali lang iyon. Ngunit sinampal na ako ng katotohanan ng dalawang linya muli ang lumabas. Hindi ko akalain na magbubunga ang isang gabing paniniig namin. Paano na 'to, ang ate Addison, Hindi ko gustong masaktan siya. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin. Kaya agad kong tinawagan si Madeline. "Autumn.." Sambit nito. Hindi pa ako nakakapagsalita ay muling umiyak ako. "Anong nangyari?" Tanong nito, mababakas din sa kaniyang tinig ng kaba. "Mad... B-Buntis ako." Hagulgol kong saad. Hindi ito nagsalita, alam kong nabigla rin ito. "Autumn...Bakit naman kasi... Anong plano mo niyan?" Umiling ako. "Hindi ko alam Mad, Hindi ko alam. Ayokong malaman ito ni Ate, masasaktan siya." Rinig ko ang malalim nitong paghinga. "Bukas na lang tayo mag-usap. Magpahinga kana," Nagpaalam na kami sa isa't isa. Itinabi ko na ang mga Pregnancy kit. At nagpalit ng bestidang pantulog. Mabuti na lang ay may natira pa ako ng botelya ng wine. Pumunta ako sa balkonahe at doon naupo para uminom ng wine. Hindi ako makatulog dahil sa resulta ng PT kanina. Nakakaba. Natatakot ako sa mga mangyayari. Natigilan ako ng makitang dumating si ate Addison na naka itim na swimsuit, at ilang sandali ay nakita ko si Brennon na ngayon ay naka topless ito. Kahit malayo ay kitang kita ko ang namumutok nitong 8 packs abs. Rinig ko kung paano humagikgik si ate Addison habang hinahabol ni Brennon. Inggit agad ang aking naramdaman, na sana ako ang nasa kalagayan ni Ate. Pinunasan ko ang takas na luha. Kumirot ang aking dibdib ng makita kung paano maglapat ang kanilang mga labi. Binitbit ko na ang bite at ang wine glass. Bago ako umalis ay sumulyap muli ako sa kanila, ngunit gano'n na lang ang aking gulat ng magtama ang aming paningin ni Brennon. Matalim ang ibinibigay nito saakin. _____ "Autumn..." Naalimpungatan ako ng maramdamang init sa aking tenga. Ngunit hindi ko magawang idilat ang aking mga mata. "Damn, You are f*****g sexy." Napakagat labi ako ng maramdaman ang sarap na dumadampi sa aking leeg. "Hmmm.." "I missed your body, I missed your sweet p*ssy." "Hindi ko mapigilang titigan ang katawan mo, Damn you Autumn..." 'Brennon..' _____ +Sorry for Grammatical Errors and Typos:) Enjoy Reading <3
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD