Autumn
Agad akong napatakbo sa banyo ng maramdaman ang pagbaliktad ng aking sikmura. Halos mai-ngudngud ko na ang aking mukha sa toilet. Ang hirap dahil wala naman akong inilalabas kung hindi laway. Kumuha ako ng tissue para punasan ang aking bibig. Ngunit gano'n na lang ang ang aking pagkagulat ng makitang nakatayo sa pintuan si Ate Addison nakatingin saakin habang naka cross arm ito. Nakataas din ang kilay. Agad na bumundol ang kaba saakin.
"A-Anong ginagawa mo rito A-Ate?" Tanong ko.
"Tsk, Pinapunta ako dito ni Mom, tignan ko raw kung maayos na ang lagay mo," Irap pa nito. Tumayo na ako at lumapit sa kaniya. Ngunit nagtaka ako ng titigan nito ang aking dibdib habang nakangisi.
"Malandi ka talaga eh, tignan mo napakarami mong hickeys, Ilan na ba ang naging lalake mo," Tumatawa nitong saad. Agad kong tinignan ang aking dibdib, at gano'n na lang ang panlalaki ng aking mata ng makita ang mga pulang marka sa aking dibdib.
'Bakit meron ako nito?' Tanong ng aking sarili. Kinakabahan ako dahil wala naman akong ganito kahapon.
"Nakakahiya ka." Ani ate Addison at lumabas na sa aking kwarto. Kusang tumulo ang aking mga luha. Nasaktan ako sa sinabi nito. Parang hindi kami magkapatid kung ituring.
Matapos akong maligo ay namili tlaga ako ng mahabang damit. Kinuha ko ang red longsleeves turtle neck. Matapos akong makapagbihis ay kinuha ko na ang Hermes bag ko, at bumaba na.
"Good morning Mom," Humalik ako sa kaniyang pisngi.
"Morning anak, sinabi sa akin ni Addison na nagsusuka ka raw, at marami kang pula sa katawan," Napalunok ako ng sabihin iyon ni Mom.
"Matapos mong kumain ay pupunta tayo ng hospital."
"Huwag na Mommy, maayos na po ako. Marami rin po akong kailangan gawin sa shop." Saad ko.
"Are you sure, maayos kana?" Ngumiti ako kay Mommy.
"Yes po, iinom na lang din po ako ng gamot, para hindi ka na po mag-alala."
"Sige kumain kana diyan, at pababa narin ang ate Addison mo at si Brennon." Natigilan ako at napatitig kay Mom.
"Nandito po si Brennon?" Ngumiti itong tumango. Napakagat labi ako at huminga ng malamin. Humigpit ang aking pagkakahawak sa tinidor ng marinig ko ang yabag pababa sa hagdan.
"Good morning Tita." Rinig kong saad ni Brennon.
"Good morning hijo, kumain na kayo." Kahit nanginginig ang aking kamay ay pilit kong kumain, ayokong mabaling ang aking tingin sa kanilang dalawa, lalo na kay Brennon.
Ilang sandali, ay tumayo na ako at kinuha ang aking bag.
"Aalis na po ako Mom,"
"Hindi ka pa tapos kumain anak." Ani Mom.
"Busog na po ako." At hinalikan ko na ito sa pisngi. Tumingin ako kay ate.
"Aalis na ako ate," Umirap lamang ito saakin.
Habang naglalakad papalabas ng bahay ay napahinto ako ng makaramdam ng pagkahilo. Agad kong nahilot ang aking sintido, Huminga ako ng malalim at nag patuloy sa paglalakad, ng makalabas at kinalikot ko ang bag, para hanapin ang susi ng aking sasakyan, ngunit biglang may malakas na pwersang humila sa aking braso.
"What the--" Gano'n na lang ang aking pagkagulat ng makitang nasa harapan ko ngayon si Brennon, matalim ang ibinibigay nitong tingin saakin.
"Where are you going." Madiin nitong wika.
"Papasok na 'ko," At pilit na tinatanggal ang kaniyang kamay sa aking braso.
"You didn't finish your breakfast." Tumaas ang aking kilay.
"Wala ka ng pakialam, at pwede ba bitiwan mo ako," lalo pa akong inilapit nito sa kaniya at tinitigan ng masama.
"Bumalik ka sa loob." Utos nito, agad akong nainis sa kaniyang asal. Malakas ko itong itinulak, at nag tagumpay naman ako.
"Pwede ba! Tigil-tigilan mo na ako sa pagpapakita mo ng ganiyan. Nakuha mo na ang gusto mo hindi ba, bakit ba lumalapit ka parin sa akin!" Inis kong saad, habang pinipigilan na lumandas ang aking luha. Hindi ko na ito hinayaan na magsalita pa at naglakad na patungo sa aking sasakyan.
Agad kong hinalungkat ang bag, ngunit hindi ko makita ang susi, hanggang sa unti-unting umikot ang aking paningin. Napahawak ako sa sasakyan, pinipigilan matumba, pero sadyang hindi ko na kinaya pa at naramdaman ko na lang ang aking pagtumba at ang malamig na semento.
***
"I told you Mom, Malandi talaga ang babaeng 'yan," Nagising ako sa tinig ni Ate Addison, dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata.
"Anak naman, huwag mo namang sabihin ng ganyan ang kapatid mo, hayaan natin na siya ang magsabi." Ani Mommy.
"Miss Autumn," Rinig kong tawag ni Manang.
Agad na nagsilingunan sila Mom, ate at si... Brennon? Taka ko, gano'n parin ito kung tumingin sa akin.
"Anak, maayos na ba ang iyong pakiramdam?" Agad na tanong ni Mom. Maliit akong ngumiti at tumango.
"So, sino ang tatay ng pinagbubuntis mo?" Usisa agad ni Ate Addison na ikinagulat ko. Nakita kong malungkot na nakatingin sa akin si Mommy. Dinunggol ako ng kaba. Hindi ko maaring sabihin sino ang ama ng ipinagbubuntis ko.
"Anak, bakit hindi ka nagsabi sa amin, at bakit hindi namin kilala ang Boyfriend mo." Saad ni Mom.
Hindi ko kayang sagutin ang mga tanong nila, natatakot akong magsalita dahil baka masabi kong si Brennon ang ama nito. Ayokong magalit at masaktan si Ate Addison.
Laking pasasalamat ko ng dumatinf ang Doktora.
"Maayos naman ang baby niya at ang anak mo Mrs Villarreal, at dahil isang buwanq na siyang nagdadalang tao ay, natural lang na makaramdam siya ng, pagsusuka at pagkahilo. Pero dahil mukang hindi alam ni Miss Autumn na siya ay Buntis, masyado itong nagpakapagod, at samahan narin ng stress, kaya siya nahimatay," Hinarap ako ng doctora.
"Miss Autumn, Iwasan ang sobrang pagod at stress, kumain ng masusutansyang pagkain, iwasan ang ma-aalat, dahil sa ganitong buwan ay masyadong delikado para sa mga nagbubuntis, sudin ang buwanang check-up, At may ibibigay rin akong mga gamot at vitamins, para sainyo ng baby mo."
"Salamat po Doktora." Ani ko.
Matapos, ipaalala lahat ng Doktora ang mga dapat at hindi dapat gawin ay nagpaalam na itong umalis.
"Ano Autumn, Sino nga ang tatay ng pinagbubuntis mo, Bakit hindi mo sabihin." Nakataas pang kilay na saad ni Ate. Pero nanatili akong tahimik.
"Ohh, Baka naman hindi mo kilala ang ama," Malakas pa nitong tawa.
"Nakakaawa ka, Paano kapag nalaman ni Daddy na nabuntis ka at hindi kilala kung sino ang ama, Ohmygod, poor Autumn. Paniguradong magagalit si Daddy sa'yo." Nakaramdam ako ng takot. Masyadong stikto ang Daddy, Naalala ko pa kung paano kami mag-away dahil sinuway ko ang kaniyang gusto, Kung wala si Mom ay matagal na akong wala sa pamilyang Villarreal. Nasa New Zealand si Daddy, dahil siya muna ang nag ha-handle ng company ni Grandpa. Nagkasakit kasi ito at dahil si Daddy ang nagiisa nilang anak ay walang ibang pwedeng humawak sa kompanya ni Grandpa.
Sa Engagement Party uuwi si Dad, at tatlong araw na lang ay nandito na si Daddy, natatakot ako sa kaniyang magiging reaction, paniguradong magagalit nga ito, lalo na kung wala akong maihaharap na ama ng aking ipinagbubuntis.
"Let's go babe," Nanatili parin ang tingin ni Brennon saakin, kahit pa nakaharap na sa kaniya si Ate Addison.
"Babe, Let's go. Magsusukat pa ako ng dress para sa Engagement party natin," Masayang saad ni ate at lumingon pa saakin.
Malalim akong napabuntong-hininga. Ang iniisip ko ngayon ay sina Mom at Dad, paano ang gagawin ko. Napahilamos ako sa aking mukha.
"Kamusta na ang lagay mo hija," Biglang tanong ni Manang, akala ko ay umalis din ito.
"Ah.. Maayos na po," Ngumiti ito at pinagbalat ako ng prutas.
"Manang.. Sino po pala ang nagdala sa akin sa Hospital," Sabay lahad ko muli ng aking palad kay Manang, natatawa itong inabot sa akin ang Orange.
"Si sir Brennon po." Agad akong napa-ubo, iniluwa ko rin ang nginunguya kong orange.
"Naku, heto tubig uminom ka muna," Tinanggap ko iyon, ng matapos ay tinignan kong muli si Manang.
"To-Totoo po ba na si Brennon ang nagdala saakin sa Hospital?" Nanlalaking matang tanong ko.
"Yes po, Miss Autumn." Agad na nangamatis ang aking mukha. Naisip ko kung paano niya ako binuhat, at nagdikit ang aming balat. Ang ngiti ko ay napawi ng biglang bumukas ang pintuan, at hindi ko inaasahan na ito ang papasok.
"Get out," Madiin niya sambit kay Manang, at dahil katakot takot ang itsura ni Brennon ay agarang lumabas ito.
"Who's the father?" Natulala ako sa kaniyang tanong. Kaya hindi agad ako nakapag salita.
"Who's the f*****g father, Answer me!" Sigaw nito.
Nabigla ako ng hilain niya ang aking kamay, napababa ako sa kama, at dahil nakakaramdam pa ako ng pang hihina ay napaupo ako, ngunit agad nitong hinila ang aking kamay pa-angat, at hinawakan ng mahigpit ang aking magkabilang pisngi. Nakaramdam ako ng takot, lalo na sa mga tingin na ibinibigay nito sa akin.
"Answer me." Madiin nitong sambit. Agad na nagsituluan ang aking luha.
"I-Ikaw.. Ikaw ang a-ama." Umiiyak kong saad. Nakita ko kung paanong lalong bumugso ang galit sa kaniyang mata.
Itinulak ako nito, napaupo ako habang nakahawak ako sa aking tiyan. Tumalikod ito sa akin.
"Ipalaglag mo, Alam kong hindi sa akin 'yan." Lalo akong naiyak ng marinig ang kaniyang sinabi. Hindi ko akalain na sasabihin niya ang gano'ng bagay, para lang itong gamit na kapag hindi na gusto, ay basta na lang itatapon.
"Hindi!" Sigaw ko rito at tumayo.
"Hindi ko gagawin ang kademonyohang gusto mo, Anak natin ito, hindi kaba kinikilabutan sa mga pinagsasabi mo! Sarili mong anak ay gusto mong patayin!"
"Sundin mo ang sinabi ko, kung hindi ay magsisisi ka..."
___________
+Sorry for Grammatical Errors and Typos, Enjoy Reading.