Chapter 52

3464 Words

Alas-siete y media na nang makarating kami sa tapat ng isang malaking bahay sa loob ng isang exclusive village. Medyo mataas ang pader na nakapalibot roon pero hindi iyon naging hadlang para makita ko ang makukulay na ilaw na nagsasayawan at tumatama sa mga puno sa paligid. Mukhang may kasiyahang nangyayari sa loob. Ipinarada ni River ang kanyang sasakyan katabi ng iba pang naroon saka kami sabay na bumaba. Agad na sumalubong sa amin ang malakas na tugtugang nanggagaling sa loob ganoon na rin ang ilang hiyawan na hinahatid ng hangin kaya’t agad akong napabaling sa kanya.   “Ito ba ‘yung bahay ng kaibigan mo? Anong meron? Sigurado ka bang makakapag-usap kayo niyan sa ingay?”   “Of course. Let’s go.”   Nanguna siya sa paglalakad habang nakasunod naman ako sa kanya. Hindi nga ako nagkam

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD