“Anyare?” “Bakit may sumigaw?” “Ano ‘yung narinig namin, ikaw ba ‘yun madam?” Sunud-sunod na tanong ng aming mga kasamang tila nawala pansamantala sa kalasingan ang bumungad sa amin pagkarating namin sa pampang. Sina Freddie at Timothy ay tutok na agad sa amin ang mga bitbit na camera. Buhat ako ni Mavi habang ako naman ay mahigpit ang kapit sa kanyang leeg, bagay na mas nagpataka sa kanila. “Saka bakit may paglambitin? Don’t tell me nagkabalikan na kayo tapos may chukchakan na naganap—“ “Ano ba!” naiinis na pigil ko kay Cleo. Kung anu-ano nang ini-imagine ng taong ‘to! “Nagbabanggit lang naman ng mga possible scenarios,” nakanguso niyang sabi bago namin sila nilagpasan. Malapit na kami sa may bonfire nang sila River at Vander naman ang nagmamadaling sinalubong kami. “What happened,

