“Mama! I missed you!” patakbong yumakap sa akin si Ian habang nakasunod naman sa kanya si Aya. Nagmano sila pareho at sabay kaming naglakad papunta ng parking lot. Kagaya ng sinabi ko kay Wena, ako na ang nagsundo sa mga bata at sinama ko si Mavi. “How are you?” tanong ko saka binitbit ang bag ni Ian. “I got a high score in Math test!” bida pa niya. Matalino talaga ang batang ito. Buti na lang at hindi nagmana sa amin ni ate itong mga pamangkin ko. Char. Pagkarating namin sa parking lot ay nakapamulsa nang naghihintay sa amin si Mavi. “Where’s Papa River’s car?” Nagpalinga-linga pa si Aya at hinahanap ito. “I’m not with your Papa River. I’m with someone else.” Saka ako napalingon sa kinaroroonan ni Mavi. “Babe.” Dumiretso siya ng lakad sa amin saka kinuha ang bag na bitbit ko. “Hell

