“Take it easy, Ida. Baka mabilaukan ka.” Vander chuckled as he put the glass of water on the table. Napaghahalataan ko na ha, kanina pa ‘to. Panay ang ngiti, o kaya naman ay tatawa. Narito kami sa VIP room ng resto niya. Si Ramses naman ay tahimik lang na nakamasid sa harap ko, paminsan-minsan namang susulyap sa ‘kin nang busangot ang mukha na para bang ako ang pinakamalaki niyang problema. Bahala siya d’yan. Basta ako, busog. “Walang basagan ng trip, Vander. Kanina pa ako nagugutom.” Saka ako muling sumubo ng pink pineapple na si Ramses pa ang naghiwa-hiwa— dahil pinilit ko, of course. “By the way, do you have mayo? Can I have some, please?” “For?” Iminuwestra ko ang mga prutas sa harap. Nailing siyang tinawag ang isang staff saka sinabi ang pakay ko. Ilang minuto pa akong naghintay
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


