"Sir, nandito na po ako sa labas ng school niyo."
["Okay. Be there in a minute."] sagot ni Sir River sa kabilang linya.
"Okay po." Matapos patayin ang tawag ay saka na ako bumaba ng taxi.
Abala ako kanina sa bahay nang tawagan ako ni Sir River para pakisuyuan ng naiwan nitong folder na kailangan sa klase.
Namamangha kong pinagmasdan ang kanilang paaralan. Labas pa lang ay nag-uumapaw na ito sa karangyaan. Sa mga gusali pa lang sa loob na kitang-kita mula rito sa aking kinatatayuan ay masasabi ko na agad na mahal ang matrikulang binabayaran nila at malamang ay para lang ito sa mga mayayamang katulad nila sir.
Napatingin ako sa mga estudyanteng naglalabas-masok sa gate. Ang gagara ng mga suot nila. Ito 'yung mga tipo ng taong gustong maging tropa ni Eva eh. 'Yung mga shala at elites. 'Yung nga sosyalin. Kaso wala siyang magagawa dahil ako lang naman ang kaibigang binigay ni Lord sa kanya. Aarte pa ba siya? Sa ganda kong 'to 'no?
'Di bale, tanggap naman namin ang isa't-isa. Wala man kaming mga kaibigang ganyan, darating rin ang panahon na sabay kaming aahon at iaangat sa buhay ang aming mga pamilya.
Napabuntong-hininga ako.
Ang sarap talagang mangarap lalo na kapag pamilya mo ang inspirasyon.
"Ida!"
Napatingin ako sa kararating lang na si Sir River na agad rin naman akong sinalubong ng ngiti.
"Sir."
Tumayo ako sa inuupuang bench pagkalapit niya.
"Sorry, medyo natagalan ako."
"Okay lang po 'yun."
"Hi River!" bati sa kanya ng isang babae. Binati rin siya ng mga kasama nitong kaibigan.
Nginisihan lang ito ni sir kaya nagsihagikhikan ang mga ito na animo'y kinikilig. Nang bumaling siya sa akin ay iiling-iling na lng ako.
"Hanep! Hearthrob tayo sir ah?" pang-aasar ko sa kanya.
"Tss. It's just me, Ida. What can I do? I was born this way and destined to be chased by girls." Mayabang niyang sagot, nagkibit-balikat pa.
Napangiwi ako.
"Hay naku. Balang-araw sir, makakahanap ka rin ng katapat mo at ikaw naman ang maghahabol sa kanya." Sumpa ko sa kanya.
Ngumisi lang siya.
"Nah. That's not gonna happen."
"Bahala ka, sir," nailing na lang ako saka na binigay ang pinadadala niya.
Akmang magpapaalam na siya nang pigilin ko.
"A-Ahm, si Sir Mavi po?" kaswal kong tanong, iniiwasang mahalata ang totoong pakay ko.
Kumibit-balikat siya.
"I dunno," pinaningkitan niya ako ng mata. "Why are you looking for him?" naninimbang ang kanyang tingin.
"W-Wala po." Agad kong tanggi. "T-Tumawag po kasi si Sir Thomas at may pinapabilin po. 'Yun po."
Ilang segundo pa siyang nakatingin sa akin saka tumago-tango.
"Okay. I thought you're both dating." Dagdag niya pa na muntik ko nang ikaubo.
Luminga-linga siya sa paligid.
"I don't know. The last time I've seen him was earlier. He's on a date with a chic."
Natigilan ako sa naging sagot niya. Hindi ko naman alam kung totoo ba ang sinabi niya pero ang marinig lang iyon ay sapat na para pakirutin ang dibdib ko. Agad na may bumara sa aking lalamunan.
"Nandoon sila sa coffee shop kanina."
Tumikhim ako, pilit na inaalis ang bara na pumipigil sa aking magsalita.
"O sige na. Thank you for this Ida! I still have a class so I'll go now." Ginulo niya ang aking buhok saka na siya naglakad papasok ng campus.
Napatingin ako sa coffee shop na itinuro niya kanina. Parang may kung anong bumubulong sa akin na puntahan iyon at silipin, pero bago ko pa man magawa ay ako na mismo ang pumigil sa aking sariling gawin 'yon.
'Ida, ano ka ba? Wala ka bang tiwala sa kanya? Saka hindi pa kayo mag-nobyo pero ganyan ka na!'
"Hindi siya katulad ni Jake, okay? Kumalma ka nga." Pagalit kong sabi sa sarili.
Dali-dali na akong umalis roon at bumalik ng bahay. Imbes na magpakalunod sa mga sinabi ni Sir River ay inabala ko na lamang ang sarili sa mga gawaing bahay.
Kung may dini-date nga siyang iba, edi bahala siya. Basta sa labas siya matutulog mamaya. Charr! Baka ako pa ang patulugin sa labas eh. May-ari ng bahay tapos gaganunin mo, Ida? Ay very wrong 'yan.
Tatanungin ko na lang siya mamaya. Baka naman kasi fake news lang si Sir River eh.
Pero magga-gabi na ay wala pa rin siya. Mas llo akong hindi tinantanan ng isiping baka may ka-date siya kanina at hindi pa iyon natatapos ngayon.
Pabuntong-hininga kong kinuha ang cellphone na bigay niya sa akin at doon nagtipa ng mensahe.
To Mavingit:
Narito na sila sir. Sa'n ka?
Pinindot ko ang send button. Kagat-labi akong naghintay ng reply niya pero wala pa ring dumadating.
Para naman akong biglang natauhan at agad na nagtipa ulit ng ipadadalang mensahe sa kanya.
To Mavingit:
Titirahan na lang kita ng niluto kong dinner. Ingat ka!
Nilagyan ko pa ng smiley face para naman mahawa ako saka nakangiti ko na iyong sinend.
Matapos itago ang telepono ay saka ko na inasikaso ang pagluluto.
Dinner na pero wala pa rin siya. Mataman kong nilibot ang tingin sa hapag at tahimik na pinanonood ang mga amo kong nagkukwentuhan.
Sumimsim ako ng tubig sa aking baso saka pasimpleng tumikhim.
"Hindi niyo po yata kasabay umuwi si Sir Mavi . . ." kaswal kong sabi.
Tumingin sila sa akin. Nahiya ako nang ngumisi si Sir Vander na tila nang-aasar. Malamang, ganyan 'yan dahil alam niya kung bakit ako nagtatanong.
"After she drove that chic to somewhere, I don't know anymore. He didn't even attend his afternoon classes."
Chic na naman?
Pinigilan ko ang pagtaas ng aking kilay dahil sa narinig. Naging mabagal ang aking pagnguya habang pinakikinggan ang iba pa niyang sinasabi.
"Damn that man." Umiling-iling siya. "He's probably getting laid now— ouch! What the f**k?!" masama ang tingin nito kay Sir Vander at napahawak sa paa niya. Halatang sinipa siya.
Nakita ko pang tinignan niya ito ng makahulugang tingin pero hindi ko na iyon pinagtuunan pa ng pansin.
"Ang bunganga mo, gago."
Hindi ko alam kung anong oras akong nagising at kung ilang oras akong nakatulog. Gusto ko pa sana siyang hintayin ng matagal kaso ay may trabaho pa ako bukas.
Hay naku, Ida! Ba't ka pa nagkakaganya sa isang lalake ha?
Mahina akong natawa. Kung sa inis at tuwa ba, hibdi ko na alam. Pero paano naman ako matutuwa 'di ba?
Abala ako sa pagluluto nang may yumakap mula sa aking likod. Muntik pa akong mapalundag sa gulat pero nang maamoy ang kanyang pabango ay kumalma rin ako. Napabuntong-hininga ako nang maramdaman ang pamilyar na init ng yakap niya sa akin. Patagal nang patagal ay nasasanay na ako sa pagiging ganyan niya.
"Sorry." Mahina niyang sabi saka pinatakan ng halik ang gilid ng aking ulo.
Napakunot ang noo ko.
"Bakit ka naman nagso-sorry?" tanong ko, abala pa rin sa ginagawa at hindi lumilingon sa kanya.
"Ram said you waited for me last night."
Natigilan ako. Hindi ko alam na nakita pala ako ni Sir Ramses.
"Okay lang naman. Nag-aalala lang ako dahil baka walang magbukas sa pagpasok mo . . . Bakit ka pala . . . ginabi?"
Gusto kong malaman kung totoo ba 'yung sianbi ng mga kaibigan niya kahapon. Kung may ka-date ba talaga siya pero ayaw ko namang magtunog imbestigador. Baka sa kakaganito ko ay bawiin niya ang sinabing gusto niya ako at magsisi lang siya dahil sinabi niya iyon sa ‘kin.
Hindi ko yata kakayanin . . . Kung kelan nahuhulog na ako ng tuluyan . . .
"I went to mom and dad after my morning class. 'Di ba, you told me that Thomas called? So I went there para kausapin sila."
Para naman akong napanatag sa naging sagot niya. Hindi dahil sa hindi totoong may ka-date siyang ibang babae, kundi sa kadahilanang pumunta siya ng bahay nila. Alam ko naman, kahit hindi niya sabihin ay umiiwas siyang magawi sa bahay nila. Mukhang may hindi sila pagkakaintindihan ng pamilya niya lalo na't mas pinili niyang tumira kasama ang kanyang mga kaibigan kesa sa mga ito.
"Mabuti naman at nagkausap kayo. Siguro ay maraming binilin sa 'yo ang mommy mo kaya ka natagalan. Ang tagal mo rin kasing hindi bumisita roon eh."
Malalim ang kanyang naging pagbuntong-hininga na akala mo ay pasan sa balikat ang problema ng mundo.
Humarap ako sa kanya at kinurot ang kanyang pisngi.
"Smile ka naman. Palagi ka na lang nakabusangot eh, ang aga-aga oh."
Ngiti ko sa kanya. Mas natawa ako nang imbes na ngumiti ay bumusangot lang siya lalo.
"I missed you."
Hinapit niya ako palapit sa kanya at yumuko ang kanyang mukha upang patakan ako ng halik. Isa sa noo, sumunod sa magkabila kong pisngi at napunta sa tungki ng aking ilong. Natawa ako nang ulit-ulitin niya 'yon.
"Ano ba!" Tinapik ko siya sa dibdib habang tumatawa pa rin.
"Sus. You're just waiting for my kiss on your lips." Pang-aasar niya.
Napairap ako at tinaasan siya ng kilay.
"Ang kapal natin sir ha? Parang sumanib ata sa 'yo sina Sir River at Sir Odin? Ikaw ba talaga 'yan ha? Ha?" natatawa kong sinipat-sipat ang kanyang mukha, kunwaring kinikilala kung siya nga ba talaga 'yon.
"Tss." Ingos niya.
Tumingkayad ako at ako na mismo ang gumawad ng halik sa kanya.
"Good morning," nakangiti kong bati.
Halos isang araw lang naman kaming hindi nagkita pero parang sobrang na-miss ko siya. Ganito pala ang pakiramdam kapag in-love, kaloka! Ang sarap sa feeling.
"Tss. Get a room."
Napabaling kami sa kapapasok lang na si Sir Ramses. Ginawaran niya pa kami ng nandidiring tingin bago lumabas ulit.
Nagkatinginan kaming dalawa at sabay na natawa.
"He's just lonely." Iling niya.
"Mukha nga. Parang gusto ko tuloy ipakilala si Eva sa kanya"
Ngumisi siya.
"I think that's a good idea."
Ini-imagine ko pa lang na magkasama sila ay nakikini-kinita ko na ang iritang mukha ni Sir Ramses. Try ko ngang sabihin sa bruhang iyon.