"Teka, sa'n ba tayo pupunta? Gabing-gabi na oh!" nagtataka kong tanong sa kanya. Paano'y patulog na ako kanina tapos itong lalaking 'to naman ay bigla-bigla na lang mag-aaya sa labas. 'Pero gusto mo rin naman! Kunwari ka pang bruha ka!' Lihim akong napangiwi sa sigaw ng utak ko na 'yun. "Basta. You'll like it there," sigurado niyang sagot bago kumindat sa 'kin. Inalalayan niya akong makapasok ng kotse na hindi ko agad nakilala dahil ngayon ko lang naman 'to nakita. Pinapaayos niya raw kasi ang kotse niya kaya ito muna ang hiniram niya mula sa kanila. Isang gray pickup truck. Umikot siya para makasakay sa driver's seat at nang makapasok ay agad ko siyang tinaasan ng kilay. "At gaano ka naman kasigurado na magugustuhan ko 'yan, aber?" Bumaling siya sa 'kin, nakangisi. "Babe,

