Nasa loob na ako ng sasakyan at paalis na sana ng mall nang biglang mag-ring ang phone ko. Si Kyla.
"Besh! Good news! Change venue tayo!" bungad niya, halatang excited ang boses.
"Ha? Saan? Akala ko ba sa unit mo lang?" kunot-noo kong tanong habang binubuhay ang engine ng kotse.
"Eh, itong si Vince kasi, ang kulit! Gusto raw niya special ang birthday ko kaya dinala niya kami rito sa rest house nila sa Tagaytay. Dito na raw ang party! Omg, besh, ang ganda rito, overlooking the lake!"
Halos mabitawan ko ang manibela. s**t. Tagaytay? Rest house ng mga Del Castillo?
"Kyla, wait—"
"Bilisan mo na, Cass! On the way na rin sina Paulo rito. Mag-ingat ka sa drive, love you!"
End call.
Napatulala ako sa dashboard. Paano ko ba nakalimutan? Ang boyfriend ng best friend ko ay walang iba kundi si Vince Del Castillo—ang step-brother ni Dominic.
Kahit na magulo ang buhay pag-ibig ni Dominic, maayos ang pamilya niya. Anak si Dominic ni Lorenzo Del Castillo sa pagkabinata, at maaga siyang naulila sa nanay. Pero ang step-mother niyang si Helena, tinuring siyang parang tunay na anak. Sina Vince at Nicole ang mga kapatid niya sa ama, at kahit close sila, may malaking agwat sa pagitan nila.
Dominic is 35, and I’m only 22. Thirteen years ang gap namin. At sa totoo lang, siya ang pinakamayaman sa kanilang lahat dahil ang bilyon-bilyong halaga ng ari-arian niya ay namana niya sa mommy niya at pinalago niya nang husto. He’s the tycoon, the king of their empire.
Kung pupunta ako sa Tagaytay, parang naglakad ako nang kusa papasok sa lungga ng leon. Sigurado akong nandoon siya. Vince wouldn't hold a party without his big brother.
"Ano, Cassandra? Tatakas ka o lalaban?" tanong ko sa sarili ko habang nakatingin sa rear-view mirror.
Kung hindi ako pupunta, magtataka si Kyla. At kung mananatili ako sa condo, darating si Dominic ng alas-syete para "sunduin" ako. Either way, mukhang wala akong takas sa kanya ngayong gabi.
Huminga ako nang malalim. Mas mabuti nang nandoon sina Kyla at Paulo para may buffer ako. I shifted the gear to drive.
Fine. Tagaytay it is.
Pero habang binabaybay ko ang daan palabas ng BGC, hindi ko maiwasang mapahigpit ang hawak sa steering wheel. Dominic is 35—he’s experienced, powerful, and he knows exactly how to get what he wants. At ako? Ako lang ang 22-year-old na ex-girlfriend na hanggang ngayon, mabilis pa ring tumitibok ang puso sa tuwing naririnig ang pangalan niya.
Halos dalawang oras din ang binunô ko sa biyahe bago ko narating ang mansyon ng mga Del Castillo sa Tagaytay. Malamig ang simoy ng hangin, pero ang mga kamay ko, pinapawisan sa kaba habang ipinaparada ko ang kotse ko sa malawak nilang driveway.
Pagbaba ko pa lang, rinig ko na ang malakas na music at tawanan sa garden area.
"Beshyluuu! You're here!" tili ni Kyla habang patakbong lumalapit sa akin. Agad niya akong niyakap nang mahigpit. "Akala ko tatakasan mo na naman ako, eh!"
"Siyempre hindi, birthday mo kaya," nakangiti kong sagot, kahit sa totoo lang ay panay ang sulyap ko sa paligid, naghahanap ng pamilyar na bulto ng isang matangkad at seryosong lalaki.
"Long time no see, Cass! I missed you!" bati naman ni Vince, ang boyfriend ni Kyla. Lumapit siya at bumeso sa akin. "Buti nakapunta ka. Looking good as always, ah? Aura Brews is doing great, I heard."
"Thanks, Vince. Nakaka-survive naman," sagot ko.
"Cassandra!" Isang matinis na boses ang narinig ko mula sa likuran ni Vince. Si Nicole, ang bunsong kapatid ni Dominic. Patakbo siyang lumapit at niyakap ako nang sobrang higpit. "Oh my God, I missed you so much! Bakit ba hindi ka na nagpapakita sa amin? Ang daya mo!"
Naramdaman ko ang kurot sa puso ko. Sa totoo lang, sobrang bait ng pamilya ni Dominic sa akin noong kami pa. Si Helena, si Vince, at lalo na itong si Nicole—tinuring nila akong parang pamilya rin. Sila 'yung mga taong nadamay lang sa paglayas ko sa buhay ng kuya nila.
"Busy lang sa shop, Nic. You know, adulting," biro ko, pilit na itinatago ang lungkot.
"Whatever! Basta stay ka rito ha? Don't leave early. Mommy and Daddy are inside, they’ll be so happy to see you," sabi ni Nicole habang nakakapit sa braso ko.
"Wait, is... is everyone here?" tanong ko, sinusubukang maging kaswal ang boses.
Nagkatinginan sina Vince at Kyla. Ngumiti si Vince nang makahulugan. "Everyone is here, Cass. Including the big boss. Actually, kanina pa siya tingin nang tingin sa gate, akala ko nga guard na siya sa sobrang abang."
"Vince!" saway ni Kyla na natatawa, pero huli na.
Nanuyo ang lalamunan ko. He's here. Alam ko naman, pero iba pa rin 'yung kumpirmasyon. Habang hinihila ako nina Nicole at Kyla papasok sa may pool area, tumambad sa akin ang isang pamilyar na eksena.
And there he was.
Nakatayo sa dulo ng bar area, may hawak na baso ng scotch. He wasn't wearing a suit tonight—just a black button-down shirt with the sleeves rolled up, revealing those strong forearms I used to trace with my fingers. Our eyes locked, and for a second, the loud music and the people around us faded into a blur.
Dominic Rafael Del Castillo. Powerful, and still the only man who could make me feel like a vulnerable girl with just one look.
"Cassandra, hija! It’s so good to see you again," bati ni Tito Lorenzo. Lumapit siya at bumeso sa akin, ganoon din si Tita Helena.
"Bless po, Tito, Tita. Happy to see you too," nakangiti kong sagot.
"Nabalitaan namin ang opening ng Aura Brews. Vince showed us some photos. Napakaganda ng interior, ha? Mana ka talaga sa amin sa pagiging business-minded," biro ni Tito Lorenzo habang tumatawa.
"Naku, Tito, maliit na shop lang po ’yon kumpara sa mga building niyo," sagot ko naman, sabay tawa nang bahagya.
Si Tita Helena naman, hinawakan ang kamay ko. "Huwag kang magpakumbaba, Cass. We know how hard you worked for that. At least ngayon, CEO ka na rin, ’di ba? Baka kailanganin namin ng kape sa mga board meetings, ha?"
"Ay, Tita, anytime po! May discount kayo sa akin," hirit ko, at sabay-sabay kaming nagtawanan.
Sa gitna ng tawanan namin, pansamantala kong nakalimutan ang kaba. Masarap silang kausap—parang walang nagbago. Pero ang katahimikan sa bandang likuran ko ang nagsasabing maraming nagbago.
"Speaking of business..." singit ni Tito Lorenzo, lumingon siya sa likod ko. "Dominic, bakit ka lang nakatayo diyan? Come here, join us. Kanina mo pa yata hinihintay na dumating si Cassandra, ah?"
My heart skipped a beat. Tito, please, huwag niyo na kaming pagsamahin sa isang spot.
Dahan-dahan akong lumingon. Dominic was just a few steps away, swirling the ice in his glass. Slowly, he walked towards us. Ang bawat hakbang niya, parang may dalang kuryente na dumadaloy sa sahig.
"I wasn't waiting, Dad. I was just observing," sagot ni Dominic. Ang boses niya... s**t. Low, raspy, and authoritative. Parang velvet na may kasamang panganib.
Tumigil siya sa mismong tabi ko. Ramdam ko ang init ng katawan niya. Naamoy ko ang signature scent niya—yung halo ng mamahaling tobacco, wood, at sandalwood na dati kong kinababaliwan.
"Hi, Cassandra," he said softly.
Tiningnan ko siya, seryoso at walang emosyon. "Hi, Dominic."
"You didn't wear the dress," puna niya, ang mga mata niya ay bumaba sa beige suit na suot ko bago bumalik sa mga mata ko. May halong disappointment pero may kasama ring amusement.
"I have my own clothes, Dominic. Hindi ko kailangan ng charity," matigas kong sagot bago muling humarap kina Tita Helena na parang wala siyang sinabi.
Narinig ko ang mahinang tawa ni Vince sa gilid. "Ouch. 1-0 for Cass."
Tita Helena just smiled meaningfully. "Sige na, let's get some food. I’m sure nagugutom na si Cassandra sa biyahe. Dominic, take care of her. Don't let her drink too much scotch, baka awayin ka niyan."
"I'll make sure she's well-taken care of, Mom," sagot ni Dominic, ang boses niya ay may ibang kahulugan na ako lang ang nakakaalam.
Humiwalay muna ako sa grupo nina Tito Lorenzo dahil feeling ko ay kakapusin ako ng hininga sa sobrang awkward. Pumunta ako sa dulo ng veranda, overlooking the Taal Lake na nababalot na ng dilim. Ang tanging liwanag na lang ay ang mga ilaw mula sa mga kabahayan sa ibaba.
Naramdaman ko ang presensya niya bago ko pa siya marinig. The air always shifts when he’s around.
"I was on my way to The Fort when Vince called me," panimula niya, ang boses niya ay sumasabay sa ihip ng malamig na hangin. "He said you were coming here for Kyla’s birthday. That’s why I’m here."
Hindi ako kumikibo. Nanatili ang tingin ko sa malayo, pinaglalaruan ang suot kong singsing. Five months. Limang buwan ko siyang hindi nakita, limang buwan ko siyang pinilit burahin sa sistema ko, pero sa isang pangungusap lang niya, parang gumuho agad ang pader na itinayo ko.
"You look beautiful, Cass," dagdag niya nang hindi ako sumagot. "The shop suits you. You look... independent."
"Why are you here, Dominic?" diretso kong tanong, sa wakas ay nilingon ko na siya. My voice was cold, a stark contrast to the heat I was feeling inside.
"For you," he answered without a second of hesitation. He stepped closer, enough for me to see the exhaustion in his dark eyes—isang bagay na bihirang makita sa isang Dominic Rafael Del Castillo.
Napa-ismid ako. "For me? Para ano? Para dagdagan 'yung koleksyon mo ng mga babaeng paiiyakin mo? Para ipamukha sa akin na kahit anong layo ko, kaya mo pa rin akong abutan?"
Tumalikod ako para iwan siya. Ayoko na. Ayoko nang marinig ang boses niya dahil traydor ang puso ko—nasasaktan ito pero sabik na sabik pa rin. Pero bago pa ako makahakbang, naramdaman ko ang init ng palad niya sa pulsuhan ko.
"Wait, Cass. Please."
"Bitawan mo ako, Dom."
"Can we talk somewhere private?" ang tono niya, hindi na utos. It sounded like a plea. "Kahit sandali lang."
"No. Wala na tayong dapat pag-usapan. I think I made that clear five months ago."
He let out a frustrated sigh, running his free hand through his perfectly styled hair, messing it up. "Look... I’m not very good at this. Alam mo 'yan. I’ve never had to do this before. I’ve never wanted to try again with anyone... until you."
Tiningnan ko siya, at doon ko nakita ang lamat sa baluti niya. Ang lalakeng kontrolado ang lahat ng aspeto ng buhay niya ay mukhang hindi alam ang gagawin sa harap ko.
"Dom, this is not a good idea," bulong ko, ramdam ko na ang panginginig ng boses ko. "Ang sakit pa rin, alam mo ba 'yon? Hindi 'to parang business deal na kapag nagkamali ka, pwede mong bawiin sa susunod na quarter. Sinira mo ako."
"I know. I know I f****d up," he stepped even closer, now inches away from my face. "That's why I'm here. I'm not asking for forgiveness right now, Cass. I'm just asking for a chance to explain. Let’s talk. Please... let’s just talk."
His eyes were searching mine, begging for even a sliver of an opening. I hate how much power he still has over me. I hate how my name sounds when it escapes his lips.
Huminga ako nang malalim, pilit na pinapakalma ang mabilis na t***k ng puso ko. "Okay. Let's talk. But we are only talking. No touching, no empty promises, and that’s it. One conversation, Dominic. Pagkatapos nito, bibitawan mo na ako."
Tumango siya, ang mga mata niya ay nagliwanag sa konting pag-asa. "One conversation. That's all I ask."
"Fine. Saan?" tanong ko.
"Follow me," he said, and for the first time in five months, I followed the man who broke my heart, wondering if I was making the biggest mistake of my life.