Ang gabi ng Charity Ball ay tila isang eksena mula sa isang marangyang panaginip, ngunit sa pagkakataong ito, ang pamilyar na karangyaan ng kanilang mansyon ang naging entablado. Sa halip na sa isang ballroom, ginanap ang pagtitipon sa kanilang napakalawak na bakuran—isang luntiang paraiso na pansamantalang binalot ng kislap at ginto.
Ang mga dambuhalang puno ng akasya ay pinalamutian ng libu-libong fairy lights na tila mga alitaptap na sumasayaw sa dilim. Sa gitna ng malawak na garden, may mga itinayong crystal pavilions kung saan ang mga chandelier ay nakasabit sa mga sanga, nagkakalat ng tila mga bituin sa ibabaw ng mga piling bisita. Ang amoy ng sariwang damo at ang malamig na simoy ng hangin ay humahalo sa halimuyak ng libu-libong puting rosas at peonies na nakakalat sa bawat sulok ng bakuran.
Si Dominic ay mukhang isang modernong hari sa kanyang tailored midnight blue tuxedo, ang kanyang kamay ay protektadong nakapulupot sa aking bewang habang binabagtas namin ang stone path na naging pansamantalang red carpet. Samantalang ako, suot ang isang emerald green silk gown na hapit sa bawat kurba ng aking katawan, ay ramdam ang bawat tingin ng mga matataas na tao sa lipunan.
Pero sa ilalim ng buwan at sa gitna ng malawak na bakuran ng mga Del Castillo, may mas matindi akong nararamdaman—ang munting device na nasa loob ko. Isang lihim na kuryenteng nagpapakaba at nagpapakiliti sa akin sa bawat hakbang ko sa damuhan, isang sikretong tanging kami lang ni Dominic ang nakakaalam sa gitna ng marangyang gabi.
Sa dulo, sinalubong kami ng kanyang ina, si Donya Helena Del Castillo. She was the epitome of grace in her champagne-colored Filipiniana.
"Dominic! I’m so glad you made it, anak," masayang bati niya sabay beso kay Dominic. Sandaling nagtama ang tingin nila, at nakita ko ang bahagyang paglambot ng mukha ni Dom para sa kanyang ina.
Pagkatapos ay bumaling siya sa akin. Ang kanyang mga mata ay nagniningning sa tuwa. "Cassandra..."
"Hi, Tita Helena," bati ko nang may magalang na ngiti, bagaman medyo nanginginig ang tuhod ko—hindi ko alam kung dahil sa kaba o dahil sa hawak ni Dominic na remote sa kanyang bulsa.
"You look spectacular, hija! Truly, the belle of the ball," bulalas niya habang hinahawakan ang dalawa kong kamay.
"Thank you, Tita. So do you... this dress is so beautiful, it’s like it was made specifically for a queen," tapat kong sagot.
Natawa nang mahina si Tita Helena, isang tunog na napaka-elegante. "Thank you, Cassandra. Pero alam mo, higit sa ganda ng damit mo, mas masaya akong makita ka rito. I’m so glad you’re back with Dominic."
Hinawakan niya nang mas mahigpit ang kamay ko at bahagyang bumaba ang boses, sapat lang para marinig naming tatlo. "He was lost without you, Cassandra. Noong mga buwan na wala ka, he was like a storm looking for a place to land. He was cold, distant... almost unrecognizable. Thank you for giving him—and us—another chance."
Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Dominic sa bewang ko. "Mom, you're making her blush," pagpigil ni Dom, pero may bakas ng ngiti sa kanyang labi.
"I’m just telling the truth, Dominic," sagot ng kanyang ina bago muling tumingin sa akin. "Please, make yourself at home. Tonight is about love and giving, and seeing you two together is the greatest gift I’ve received so far."
Nang magpaalam si Tita Helena para asikasuhin ang ibang bisita, inilapit ni Dominic ang kanyang labi sa aking tainga.
"My mother is right," bulong niya, ang kanyang mainit na hininga ay nagpadala ng kuryente sa buong katawan ko. "I was lost. At hinding-hindi ko na hahayaang mangyari 'yon ulit."
Ramdam ko ang pag-vibrate nang bahagya ng device sa loob ko—isang mabilis at mahinang pitik na tila ba sinasadyang gawin ni Dominic gamit ang remote sa bulsa niya. Napakapit ako sa braso niya, ang aking hininga ay bahagyang nag-stutter.
"Dom... not here," mahina kong saway.
"Just a reminder, baby," pilyo niyang sagot habang iginigiya ako patungo sa gitna ng maraming tao.
Hindi pa man kami nakakalayo ay isang masiglang tinig na ang pumutol sa aming paglalakad.
"Oh my God! Cassandra! You're actually here!"
Si Nicole, ang bunsong kapatid ni Dominic, ay patakbong lumapit sa amin. Sa kanyang suot na baby pink tulle gown, mukha siyang isang modernong prinsesa. Hindi na niya hinintay ang pormalidad; agad niya akong niyakap nang mahigpit. Dahil sa lapit namin, bahagyang nag-vibrate ang device sa loob ko dahil sa pagkiskis ng aming mga katawan. Napakagat-labi ako, pilit na pinapanatili ang composure.
"Nicole, dahan-dahan. You’re acting like a child," saway ni Dominic, pero may halong lambing ang boses niya.
"I don't care, Kuya! I missed her!" humiwalay siya sa yakap at hinawakan ang magkabilang balikat ko, ang mga mata niya ay nagniningning sa tuwa. "Cass, you have no idea how boring the family dinners were without you. Si Kuya? Para siyang grumpy na dragon na nakatira sa kweba! But look at him now... he’s actually smiling. Thank you for coming back!"
"I missed you too, Nicole," natatawa kong sabi, kahit ramdam ko ang init na dahan-dahang umaakyat sa mukha ko.
Pinangunahan kami ni Nicole patungo sa aming naka-reserve na table sa bandang harap. Doon ay naghihintay na si Vince, ang isa pang kapatid ni Dominic na laging handang bumanat ng biro, at si Tita Helena.
"Welcome back to the lion's den, Cass," nakangiting bati ni Vince sabay tayo para batiin ako. "Salamat at nagbalik ka. Akala ko kailangan na naming ikulong si Dominic sa mental hospital dahil sa sobrang sungit noong wala ka."
"Vince, shut up," malamig na banta ni Dominic, pero naupo na kami sa tabi nila.
Maya-maya, ang mga ilaw ay dahan-dahang humina at isang spotlight ang tumama sa entablado. Tumayo doon si Don Lorenzo Del Castillo, ang ama ni Dominic. Ang kanyang boses, malalim at puno ng dignidad, ay umalingawngaw sa buong paligid.
"Tonight is not just about the numbers we can raise or the foundations we can build," simula ni Tito Lorenzo habang nakatingin sa mga tao sa harap niya. "It is about the legacy of compassion. About realizing that no matter how high we climb, we must always reach back down to pull others up."
Habang nagsasalita siya, naramdaman ko ang paglapit ng mukha ni Dominic sa akin. "My father is a man of many words," bulong niya, ang boses ay seryoso pero may kasamang kakaibang kislap sa mga mata. "But I prefer actions over speeches."
Bigla kong naramdaman ang pag-vibrate ng device sa loob ko. Hindi na ito mahina. Dominic turned the remote to a steady, rhythmic pulse.
"Dom..." mahina kong ungol. Ang kamay ko ay napahawak sa ilalim ng tablecloth, pilit na kumakapit sa silya. Ang boses ni Tito Lorenzo ay naging background noise na lang habang ang buong atensyon ko ay nakapako sa nagbabagang sensasyon sa pagitan ng aking mga hita.
"Shh... just listen to the speech, baby," pilyo niyang bulong. Kinuha niya ang kamay ko sa ilalim ng mesa at pinagsalikop ang aming mga daliri. Ang kanyang thumb ay dahan-dahan na hinahaplos ang aking palad, tila sinasabayan ang t***k ng device sa loob ko.
"You look so beautiful when you're struggling to stay still," dagdag pa niya.
Tumingin ako sa kanya, ang mga mata ko ay nagsisimula nang maging mapungay. Sa harap namin, ang pamilya niya ay seryosong nakikinig sa diskurso tungkol sa kawanggawa, habang dito sa ilalim ng mesa, si Dominic ay walang pakundangan na ninanakaw ang aking katinuan.
"Legacies are built on love," wika ni Tito Lorenzo mula sa stage, kasunod ang malakas na palakpakan ng mga tao.
"And my legacy," bulong ni Dominic sa akin, habang muling pinataas ang vibration ng isang antas, "is you. Only you."
Napahilig ang ulo ko sa kanyang balikat, hindi dahil sa paglalambing, kundi dahil pakiramdam ko ay bibigay na ang tuhod ko kung hindi ako kakapit. Sa gitna ng karangyaan at pormalidad ng ball, kami lang ni Dominic ang tila nasa ibang mundo—isang mundong puno ng sikreto, pagnanasa, at isang pag-ibig na kasing bangis ng bagyo.
Nagsimula ang main event ng gabi—ang Grand Auction. Isa-isang ipinapakita sa malaking screen ang mga donasyon: mula sa mga antigong alahas hanggang sa mga private jet travels. Narinig ko ang pag-anunsyo sa mga pina-auction ni Dominic—isang bihirang vintage watch at isang luxury property sa Palawan. Napapataas na lang ang kilay ko sa kanya habang naririnig ko ang sunod-sunod na milyong bid ng mga negosyante. Para sa kanya, parang barya lang ang lahat ng ito.
Hanggang sa dumating ang isang item na nakakuha ng atensyon ko: isang koleksyon ng mga orihinal na sining mula sa mga batang ulila na tinutulungan ng kanilang foundation. Hindi ito ang pinakamahal na item sa listahan, pero ito ang may pinakamalalim na kahulugan.
Nang magsimula ang bidding sa 5 million pesos, itinaas ko ang aking bidder's paddle.
"10 million!" malakas kong sabi.
Natahimik ang paligid. Lumingon sa akin ang mga tao, pati na si Tita Helena at Tito Lorenzo. Ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Alam ko kung magkano ang huling perang ipinasok ni Dominic sa account ko—eksaktong 15 million pesos.
"12 million!" bid ng isang matandang donya sa kabilang table.
"15 million pesos," matatag kong sagot.
“Going once, going twice, Sold! To the lady in the stunning emerald gown!" umalingawngaw ang boses ng auctioneer kasabay ng malakas na palakpakan ng mga bisita.
Dahan-dahang humarap sa akin si Dominic. Ang kanyang mga mata ay madilim, tila sinusukat ang bawat hibla ng pagkatao ko. Inilapit niya ang kanyang mukha sa akin, ang boses ay mababa at puno ng tensyon.
"That money was for you, Cassandra. Para sa lahat ng gusto mong bilhin," bulong niya.
"And now, it’s going to someone who actually needs it, Dominic," diretso kong sagot habang nakatingin sa kanyang mga mata. "Gusto mong gamitin ang pera mo para kontrolin ako, pero gagamitin ko ang pera mo para makatulong sa iba."
Isang mapanganib na ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi. Hinawakan niya ang bewang ko sa ilalim ng mesa, at kasabay nito ay naramdaman ko ang biglaang paglakas ng vibration ng device sa loob ko. Napasinghap ako, ang aking mga daliri ay bumaon sa kanyang braso.
"I don't know whether to worship you or spank you right now," paos niyang sabi, ang titig niya ay nakapako sa nangangatog kong mga labi.
Huminga ako nang malalim, pilit na nilalabanan ang sensasyong nagpapaiyak sa akin sa sarap. "I think... I’ll take option two," dahan-dahan kong sagot, hinahamon ang kanyang pasensya.
Tumigas ang panga niya. Pinindot niya uli ang remote, dahilan para mapakapit ako sa kanya nang mahigpit. "Be careful what you wish for, baby.
"Let’s go," madiing utos ni Dominic.
Ang boses niya ay walang bahid ng pag-aalinlangan. Nabigla ako, hindi lang dahil sa biglaang pag-alis namin sa gitna ng auction, kundi dahil hindi ako agad makatayo. Ang panginginig sa ibaba ko ay nasa pinakamataas na antas na, tila ba ginagawa akong paralisado sa bawat pintig nito.
"D-Dom... hindi ko kaya..." bulong ko, habol ang hininga habang nakakapit sa braso niya.
Hindi siya sumagot. Sa halip, hinawakan niya ang siko ko at binuhat ako nang bahagya para suportahan ang aking mga binti. Naglakad kami nang mabilis, nilalagpasan ang mga bisitang nagtataka sa aming pag-alis. Akala ko ay dideretso kami sa sasakyan para umuwi, pero laking gulat ko nang pumasok kami sa loob ng kanilang dambuhalang mansyon.
Binalikan namin ang mga pasilyong puno ng kasaysayan ng pamilya Del Castillo, hanggang sa marating namin ang kanyang silid. Pagkasara pa lang ng pinto, tila sumabog ang lahat ng tensyong inipon namin sa buong gabi. Isinandal niya ako sa pader at agad kaming naghalikan—isang halik na puno ng gutom, ng pait ng selos, at ng tamis ng pagsuko.
"You want this, hmm?" paos niyang tanong habang ang kanyang mga kamay ay marahas na hinahanap ang zipper ng aking gown.
"I want you to spank me," hamon ko, ang mga mata ko ay diretsong nakatitig sa kanya.
Tumawa siya, isang madilim at mapanganib na tunog. "Be careful what you ask for, Cassandra. Dahil oras na magsimula ako, walang hinto ito."
Sa isang mabilis na galaw, nahulog ang aking emerald gown sa sahig, naiwan akong suot lamang ang manipis na lace at ang device na patuloy na nagpapayanig sa akin. Pinadapa niya ako sa malambot na kama. Ramdam ko ang lamig ng silk sheets sa aking dibdib bago ko naramdaman ang unang lapat ng kanyang palad sa aking balat.
PAAAK!
Napasinghap ako, ang aking mga daliri ay bumaon sa unan. Masarap na masakit. Isang hapdi na agad napapalitan ng matinding init. Muli siyang humampas, tila bawat spank ay isang parusa sa paghamon ko sa kanya, at bawat isa ay nagpapadala ng kuryente patungo sa rurok ko.
"Hold still," utos niya nang muli niya akong patihayain.
Habol ang hininga, pinanood ko siyang lumuhod sa pagitan ng aking mga hita. Dahan-dahan niyang kinuha ang vibrator mula sa loob ko. Ang biglaang pagkawala ng panginginig ay nag-iwan sa akin ng pakiramdam na tila bitin at uhaw na uhaw.
Nagmamadali niyang kinalas ang kanyang belt. Ang tunog ng metal na tumatama sa sahig ay tila hudyat ng digmaan. Ibinaba niya ang kanyang pants at boxers, at doon ay tumambad ang kanyang naghuhumindig na p*********i—matigas, nagbabaga, at handang-handa.
Hindi na siya nag-atubili. Sa isang madiing pagtulak, tuluyan niyang pinuno ang aking b****a.
"Ahhh! Dominic!" napasigaw ako, ang aking likod ay nag-arko sa tindi ng sensasyon.
Sinimulan niya ang isang ritmo na walang preno. Bawat pagbaon niya ay mabilis at malalim, tila ba nais niyang maramdaman ko ang bawat pulgada niya. Ang aming mga katawan ay naglalapat nang may kasamang tunog ng pagnanasa, habang ang init ng aming mga hininga ay nagsasama sa gitna ng silid.
"I want you to come, Cassy... come for me," bulong niya, ang kanyang boses ay tila isang utos na hindi ko kayang suwayin.
Hinawakan niya ang aking mga kamay at itinaas sa itaas ng aking ulo, iginagapos ako sa kanyang ilalim. Ang kanyang mga mata ay hindi umaalis sa akin, pinapanood kung paano ako mawalan ng kontrol. Bawat pagtama niya sa loob ko ay saktong tumatama sa puntong nagpapabaliw sa akin.
"Dom... please... h-hindi ko na kaya..." ungol ko, ang aking mga binti ay lalong humigpit sa kanyang bewang.
"Then give it to me, baby. Everything," sagot niya habang mas lalo pang binilisan ang kanyang bawat galaw.
Ramdam ko ang pag-akyat ng matinding rurok. Ang buong mundo ko ay tila naglaho, naiwan lang ang init ni Dominic at ang sarap na tanging siya lang ang makakapagbigay. Sa huling madiing pagbaon, sabay kaming nilamon ng puting liwanag. Napasigaw ako sa kanyang pangalan habang ang aking katawan ay nayayanig sa sunod-sunod na orgasm, kasabay ng kanyang sariling pag-agos sa loob ko.
Nanghina kaming pareho. Bumagsak siya sa ibabaw ko, habol ang hininga, ang kanyang puso ay nagkakarera sa bilis gaya ng sa akin. Sa gitna ng katahimikan ng mansyon, tanging ang aming mga hininga lang ang maririnig—isang patunay na sa kabila ng lahat ng pera, titulo, at gulo, dito sa loob ng apat na sulok na ito, kami lang ang totoo.