Chapter Seven- The Secret

2375 Words
-The Secret- 1st Pov “ISANG hakbang..dalawa..tatlo..” “Isa pang ulit Asteria!” Bumuga ako ng malakas na hangin at muling lumuhod sa matutulis na ugat ng bulaklak na iyon. Ramdam ko ang matutulis na gumuhit sa tuhod ko. “Hanggang kailan ko ba dapat gawin ito prinsesa Irana?” Hindi ko mapigilang complain sakanya. “Hangga’t hindi ka nadadala sa aking salita! Ilang beses ko na ipinapaalala sayo na mahigpit ang ating batas pagdating sa mga diwatang nagtutungo sa labas ng kagubatan! Ngunit likas na matigas ang iyong ulo!” Galit na sabi niya pa. Napairap ako sa hangin at muling naglakad ng paluhod. “Ilang beses ko ba kasi sasabihin saiyo na hindi ako taga dito! I am from the outside.” Paliwanag ko pa sakanya, pero mukhang hindi naman siya naniniwala kahit na anong sabihin niya. “Hindi ka lalabas ng silid na ito hangga’t hindi ko sinasabi!” Sabi niya pa at iniwan ako. “Tss! Kakainis!” Gusto kong mapaiyak na lang dahil sa nangyayari sakin. Parang kailan lang ay kasama ko ang pinsan ko sa isang outing. Naalala ko pa na masaya kaming nagkukwentuhan nang bumangga ang sasakyan namin nila tito at Michael, nakita ko na unti-unti kaming nilabas ng mga tao mula sa loob ng sasakyan na tumaob. Naiwan akong mag-isa sa loob, bago pa ako tuluyang kunin ay gumalaw naman bigla ang kotse. Naramdaman ko pa ang pagkahulog non and after that everything went blank. I can still remember the details pero bakit nandito ako sa lugar na ito?! “Hindi bale try ko na lang uli lumabas..” “Saan ka muling lalabas Asteria?” Natitigilang napalingon ako sa boses na iyon. “Lakan digma Alaric!” Nabanggit ko, wala sa loob pa na yumukod ako at tumingala sakanya. “Binanggit sa akin ni Prinsesa ng hardin na ikaw ay may nagliliyab na enerhiya. Maaari ko ba itong makita upang matukoy ang dahilan?” May authority pa sa boses niya na ang tinutukoy ay si prinsesa Irana. “Ha? As in ngayon na?” Maang na tanong ko pa, tumango siya. ‘What the hell is that halumina?’ “Ah, ano ba kasi yung halumina na sinasabi nyo?” Tanong ko saka nakangiwing tumayo. “Paanong hindi mo alam ang sarili mong--- Nakita kong natigilan pa siya ng mapatingin sa baba ko. Napayuko ako, nakita ko na nagdudugo na ang magkabilang tuhod ko. “Mag-ayos ka na ng iyong sarili at sumama ka sa akin sa salamin ng Imperyo.” Sabi niya pa at yumukod sa harap ko. Nanlaki pa ang mga mata ko nang punasan niya pa ng tela ang tuhod ko. “Sa-sanda--- Nang matapos ay tumayo na siya at niyuko ako. “Ipapadala ko ang herbal na gamot para sa iyong sugat. Pagkatapos non ay kailangan mong sumama sa akin.” Sabi niya pa at tumalikod. Nakaawang ang bibig na napasunod na lang ang tingin ko sakanya…. “HAH!” Hinihingal na napadilat si Nevara sa ilang bahagi ng panaginip na iyon. Wala sa loob na napaupo siya, niyuko niya ang pouch na nakasukbit sa gilid niya. “Bakit parang magkakilala naman sila ni Jewel at Alaric?” Bulong niya pa, bigla niyang naalala ang prinsesa Irana na iyon ng hardin. Sa tingin niya ay kailangan niya din itong makausap. Mabilis siyang nag-ayos ng sarili pagkatapos ay lumabas ng silid. ‘Siguro naman ay may alam siya sa nangyari sa kaibigan ko..’ Sa tagal niya sa Imperyo ay alam niya na ang pasikot-sikot nito palabas. Nagtungo siya sa hardin na iyon kung saan siya unang nagising. Nakita niya nagsasayawan at nagtatawanan pa ang mga maliliit na fairy na iyon sa hangin. Tumuon ang tingin niya sa malaking ancient oak tree na iyon kung saan siya unang nagising sa mundong ito. “Prinsesa Irana..” Tawag niya pagpasok niya sa loob, kagaya ng unang dating niya doon ay wala ding tao sa loob. “Ano ang iyong ginagawa dito?” Natitigilang bumaling siya sa likuran niya, nakita niya si prinsesa Irana na may dalang basket na may lamang bulaklak. May mga diwata sa likuran nito, yumukod siya sa prinsesa. “Paumahin ang biglaan kong pagtungo dito prinsesa. Gusto ko lamang po kayo na makausap.” Nilingon nito ang mga kasama. “Iwanan nyo muna kami.” Utos nito, pagkaalis ng mga iyon ay binalingan siya nito. “Ano ang iyong kailangan?” Tinignan niya ang prinsesa, malinaw na malinaw sa panaginip niya ang mukha nito nang makaharap si Jewel. “Gusto ko lang itanong kung…nagkakilala naba tayo dati?” Tanong niya dito. Nagtungo ito sa mesa na hugis mushroom. “Ano ang ibig mong sabihin?” Tanong muli nito at nilapag ang basket na hawak. Napakagat labi siya. “Ah..ang totoo ay nakikita kita sa panaginip ko. P-para tayong magkalapit noon.” Pagsisinungaling niya, mahirap na kung sasabihin niya na sa mortal siya ng mundo it will be risky to her lalo pa at gusto niyang malaman ang nangyari sa kaibigan. “Ano?! Ang iyong uri ay hindi maaring magkaroon ng panaginip!” Gulat na sabi pa nito. Natigilan naman siya, “A-ay ganon ba iyon?” Hindi niya alam na may ganon pala sa mundong ‘to. Mabilis siyang nilapitan nito at hinawakan ang kamay niya. “Ano pa ang iyong nakita? Kailan ito nangyari?’’ Sunod sunod na tanong nito. Napakamot na lang siya ng ulo. “Simula ng magising ako dito, sunod sunod na yung naging panaginip ko. Ikaw yung isa sa mga nakikita ko bukod kay lakan digma Alaric.” Tutal ay nagsinungaling na siya, itutuloy-tuloy niya na. Humigpit ang hawak nito sa kamay niya. “May iba pa bang nakakaalam ng iyong panaginip?” Umiling lang siya. “Wala, kayo lang sinabihan ko diwata.” Narinig niyang bumuga ito ng hangin at binitawan siya. Nakita niyang naglakad ito papunta sa isang maliit na mesa, doon ay may nakapatong na kahoy na hugis puno. Kumikislap ang loob non. “Ang iyong panaginip ay magaganap na...” Anito at binalingan siya. “….o maaaring naganap na.” Dugtong pa nito. Nagsalubong ang kilay niya. “Ano ang ibig sabihin non?” “Ang mga banal na diwata lamang ang maaring magkaroon ng panaginip. Bago tuluyang humimlay ang Emperador ng Imperiyo ng liwanag ay naganap ang laban sa pagitan ng imperiyo ng kadiliman at kabutihan sa pamumuno ni lakan digma Alaric.” Kwento pa nito. “…ang laban na iyon ay naganap sa pangalawang pagsasara ng sagradong daan. Bago pa maganap ang pag-aalay ay may isang diwata ang pumigil sa seremonya. Puno ng mga dugo ang katawan nito habang naglalakbay papunta sa sagradong daan. May sinabi ito sa lahat…’’ Anito saka hinawakan ang ulo. Nilapitan niya ito at hinawakan ang kamay nito. “P-prinsesa, natatandaan mo ba yung mukha ng diwatang tinutukoy mo?” Marahan itong umiling at sumandal sa mesa. “May sinabi siya ngunit hindi ko matandaan…bago ang tuluyang pagsasara ay kumalat sa buong Imperyo ang isang itim na usok kasunod non ay nakita ko kung paano bumagsak isa-isa ang mga diwata sa paligid ko maging si lakan digma.” Napapikit pa ito na parang may inaalala. “…kasunod non ay nandilim ang aking paningin.” Anito saka dumilat. “Nagising ako sa aking tahanan, ako’y naguguluhan dahil naging normal ang lahat sa aking paligid na parang walang nangyari. Kahit ako ay naguguluhan dahil ang ibang naganap sa sagradong daan ay aking nakalimutan. Naging malabo ang lahat na kahit ang silid ng kaalaman ay hindi mahanap ang dahilan. Tinanong ko sila lakan digma ngunit ang sabi nila ay tagumpay ang pangalawang pagsasara sa sagradong daan. Ngunit walang kahit na sino ang nagbanggit sa diwatang iyon.” Hindi siya nakapagsalita. ‘Jewel…’ “Kaya ng iyong banggitin ang iyong panaginip ay agad kong naalala ang nangyari noon.” Sabi ng prinsesa at hinawakan siya sa kamay. “Sa palagay ko ay mahahanap mo ang kasagutan sa Imperyo lalo na si lakan digma Alaric.” ‘’Pero parang wala siyang alam e..” Sabi niya, tumango ito. “Dahil isa lamang akong prinsesa ng hardin ay hindi ako malayang makakalibot sa buong Imperyo. Habang nandoon ka…ay maari mong hanapin ang mga kasagutan. Ako naman ay tatanungin din si Inayaha.” Napangiti siya sa sinabi nito. “Kung ganon maraming salamat prinsesa Irana. Sasabihin ko sayo sa oras na may malaman ako.” Nakangiting tumango ito. “Aalis na ako, baka hanapin nila ako sa loob.” Sabi niya pa at tumalikod. “Asteria…habang nandoon kay ay mag-iingat ka.” Narinig niyang sabi nito, ngumiti siya dito. “Oo naman prinsesa, mag-iingat ako..” Habang pabalik siya sa imperiyo ay hindi siya mapakali lalo pa sa mga nalaman niya kay prinsesa Irana. “Kung ganon..hindi naging successful ang pangalawang seal sa sagradong daan? Pero bakit nakalimutan lahat ng mga nandito ang nangyari? Bakit si prinsesa Irana ang halos nakakaalala lang?” Bulong niya, she need to be careful. Hindi niya alam kung sino ang mga dapat pagkatiwalaan sa lugar na ito. ‘Asteria~!’ Natigilan siya nang marinig ang mga tinig na iyon, nakita niya ang mga bulaklak na iyon na hindi pamilyar sakanya. Naalala niya ang sinabi nila big tiara na maaari siyang makulong sa panaginip. ‘Bakit hindi ka lumapit sa amin at humingi ng tulong?’ Kumunot ang noo niya at dahan-dahang lumapit dito. “Kinakausap nyo ba ako?” ‘Sino pa nga ba?’ “Huh! Ah ganon? Pilosopo ka? Gusto mo bang putulin ko ang mga sanga nyo?” “Ano ang iyong ginagawa dito?” Napabaling siya sa nagsalita, nakita niya si Alaric na naglalakad papalapit sakanya. Napatuwid siya ng tayo. “Binanggit sa akin ng ibang diwata na ikaw daw ay lumabas? Saan ka nanggaling?” Sunod sunod na tanong nito. “Ah…nag-ikot ikot lang ako hehe. Naboring kasi ako sa loob e.” Paliwanag niya. Napuno naman ng pagtataka ang mukha nito. “Ah oo nga pala, sabi ni diwata Iselda ay nakukulong daw sa panaginip ang mga lumalapit sa mga bulaklak na to?” Paglilihis niya ng kwento, tumango ito. “Ganon na nga, kapag pumitas ka ng isa ay maari ka nitong dalhin sa panaginip na kailanman ay hindi mo na gustong balikan.” Sabi nito saka pumantay sakanya. “Halika sa loob may ipapakita ako.” Anito. sumabay siya sa lakad nito. “Paanong panaginip na hindi mo gustong balikan?” Tanong niya. “Iyon ang tinatawag nilang bangungot.. ipapakita nito ang mga panaginip na matagal ng binaon sa limot. Maari din nitong ipakita sa iyo ang mga bagay na ayaw mo.” Kwento nito. Tumango naman siya. “Pero bakit nasa bungad ng imperiyo, dapat sa tago iyan nakatanim.” ‘’Kusang tumutubo ang bulaklak na iyon kung saan niya nanaisin.” Paliwanag nito. Tumango naman siya. “Sa susunod na ikaw ay lalabas ng imperiyo sabihin mo sa akin para samahan kita habang ako ay nandito. Kailangan pa nating hanapin ang iyong liwanag.” Sabi pa ng binata, napatingin siya dito. “May gusto lang sana akong itanong sayo uli.” Sabi niya dito. “Ano iyon?” Tumikhim siya. “Wala kaba talagang natatandaan or nakilala na diwata dati na pamilyar sayo ngayon?” Tumigil naman ito sa paglalakad at niyuko siya. ‘’Naalala ko na tinanong mo na din ito sa akin. Sino ba ang diwata na iyong tinutukoy?” Napatitig siya sa mukha nito, mukhang wala nga itong maalala. Umiling lang siya. “Ah..wala, akala ko lang nagkita na tayo noon.” Sabi niya na lang. “Ngayon na nandito ka sa imperiyo, maaari mo naman akong kilalanin pa.” Napatingala siya dito, tipid na ngumiti ito at tumingin sa harap saka nagpatuloy maglakad. ‘No…wala akong dapat maramdaman habang nandito ako. Kailangan kong isantabi kung ano man ang sakaling mangyari..’ Pagdating nila sa loob ay natagpuan niya ang mga brownies doon. “Orla?!” Gulat na tawag niya ng makita ito doon, napalingon ito sakanya. “Tadiryaha!” Masayang tumalon-talon pa ito at nilapitan siya. “Anong ginagawa nyo dito?” Malawak ang ngiti na sabi niya. “Sila ang mga unang henerasyon sa inyong uri na napili na mananatili sa Imperiyo, maninibilhan sila bago ang basbas ng bagong buwan.” Narinig niyang sabi ni Alaric. “Isang malaking karangalan ito lakan digma.” Nakangiting yumukod si Orla. “Maiiwan ko na kayo..” Nakangiting sabi ni Alaric bago ito tumalikod. Nakangiting sumunod ang tingin niya dito at binalingan si Orla. “Nasaan si Inayaha?” “Kasama din namin siya, ang kanyang silid ay malapit sa kusina. Ang aming tirahan naman ay sa ibaba, kami ang nakatakdang maglinis ng inyong silid. Isa lang ang ibig sabihin non, palagi na kitang makikita!” Natutuwang napayakap siya dito. “Kung ganon doon ka sa silid ko unang pumunta ha? Saka pwede ka naman siguro doon na lang diba? Tutal magkapatid tayo.” Sabi niya pa, “Kapatid? Tadiryaha ibig mong sabihin? Hindi maari iyon, hindi pinapahintulutan na magkaroon ng dalawang uri sa isang silid.” Napalabi naman siya. “Ano ba yan..” “Huwag kang mag-alala palagi naman tayong magkikita.” “Pero pwede naman siguro na---- “Makinig ang lahat!” Sabay silang napabaling sa nagsalita. “Nagsisimula na kami! Magkita na lang tayo mamaya.” Sabi ni Orla saka tumalikod. Nakangiting sinundan niya ng tingin ito. Nakinig naman siya sa mga ito, isa-isang binigyan ng mga task ang mga ito. “Orla ikaw ang nakatakdang pumunta sa bayan bago ang bukang liwayway. Ibibigay sayo mamaya ang mga listahan ng mga kakailanganin.” Sabi ng diwata na iyon sa gitna ng bulwagan. “Ah sandali!” Nakangiting sumabat siya dito, lumapit siya sa mga brownies. “Pwede ba akong sumama kay Orla?” Kumunot ang noo ng diwatang yon sa sinabi niya. “Hindi mo tungkulin ang mga gawain diwata.” Anito, mabilis siyang umiling dito. “Hindi ako diwata, isa ako sa mga uri nila.” Sabi niya pa, tinignan siya nito mula ulo hanggang paa. May binulong naman ang katabi nitong diwata din. “Kung ganon ay magiging katumbas ng dalawang listahan ang inyong dadalhin.” Sabi pa nito. Sabay pa silang pumalakpak ni Orla. ‘Baka sakali makita ko ang sagradong daan na iyon..’
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD