Chapter Eight- The Sacred Place

1998 Words
-The Sacred Place- ALARIC “LAKAN digma Alaric ipinapatawag kayo ng Emperatris.” Hindi pinansin ng binata ang nagsalita, ilang sandali niyang pinag-aralan ang mapa. Mayroong anim na imperyo ang nakaukit sa malaking mapa na nakalatag sa muwebles na mesa. Halos ang kalahati non ay nasakop na ng kanyang pangkat, handa na ang mga ito na sumunod sa pamumuno ng Imperiyo. Ngunit sa ilang laban na kanyang naipanalo ay wala man lang ni isa sa mga ito ang nagturo sakanya sa imperiyo na matagal na niyang hinahabol. “Lakan— “Maghanda ang lahat..” Malamig na anunsyo niya at tinuro ang isang parte ng mapa. “..bago ang paglubog ng sinag ng araw ay dito magtutungo ang unang pangkat. Sa batis ng walang hanggan ay kayo ang haharap.” Turo niya sa dalawa. “Masusunod Lakan digma..” Yukod ni Remo ganon din ang katabi nitong si Kalos. Ang dalawang ito ang pribadong kawal ng binata. Mula ng isilang ang mga ito ay magkadugtong na ang mga buhay nito. Mapahamak ang isa, maari ding ikamatay ng isa pa. “Paumanhin Lakan digma ngunit walang tugon ang kaharian ng mga Babaylan ng binhi sa ating ipinadala na mensahe, ayon sa aking nasagap na balita ay naging kakaiba ang kilos sa pamumuno ng Babaylan. Sa tuwing ritwal ay nawawala ito at nagtutungo sa labas ng kagubatan.” Kumuyom ang palad niya sa narinig na balita. Tumaas ang sulok ng labi niya, kinuha niya ang punyal at ginuhitan ang palad. Puno ng galit na ipinatak niya ang pulang likido sa parteng iyon ng mapa. “Kung ganon ay nagsisimula na silang kumilos..” Usal niya, gumapang ang dugo sa bawat linya ng mapa. “Kung ganon ay alam na natin ang mga kasagutan. Itutuloy natin laban sa kaharian ng mga babaylan. Ihanda niyo ang ating mga babaylan sa ating Imperiyo, sa loob ng bukang liwayway ay iinumin nila ang tubig na may basbas. Alam ko na malakas ang kanilang pangkat dahil na sakanila ang ating kahinaang binhi. Bago ang laban ay gagawin natin ang ritwal ng gabay. Ang pangalawang pangkat ay magtutung--- “Prinsipe!” Naputol ang iba pa niyang sasabihin sa tawag na iyon. Nakita niya ang Emperatris na galit na papalapit sakanya. “iwan niyo muna kami!” Sigaw pa nito na halos gumapang sa buong silid. Mabilis naman na yumukod ang mga kawal at tumalikod. “Hindi mo ba binasa ang aking mensahe!” Galit na baling nito sakanya, kinuha niya ang maliit na tela at pinunasan ang palad. “Nabasa ko mahal na Emperatris..” Aniya at muling binalingan ang mapa. “Huwag mo akong tatalikuran!” Hinawakan nito ang kanyang braso. “Nabasa mo ngunit bakit kailangan mong ituloy ang laban sa mga babaylan? Isa itong malaking kalapastangan sakanila!” “Alam ko ang iyong tinutukoy Emperatris ngunit mas malaking kalapastanganan sa atin ang kanilang ginawa. Ang ating batas sa sagradong daan ang dahilan kung bakit nag-uugnay ang Imperiyo at ang mga nasasakupan nito. Ngunit binago nila ito nang hindi sinasabi sa atin, bukod doon ay doon maraming bagong binhi ang humihina. Isa lamang ang ibig sabihin non at alam mo iyon Emperatris.’’ Napabuga ito ng hangin. ‘’Alam ko ang iyong tinutukoy…ngunit may panahon para dito. Hindi mo kailangan magpadalos-dalos ng iyong desisyon.” “Alam ko ang aking ginagawa, paumanhin ngunit buo na ang aking desisyon.” Malamig na tugon niya. “Ginagawa mo pa ba ito para sa Imperiyo o para sa iyong paghihiganti?” Hindi siya nakasagot sa sinabi nito. “Ang apoy na hindi namamatay anumang sandali ay maaring sumabog..” Sambit nito at hinawakan ang braso niya. “Alam ko na ang iyong mga halakhak ay wala sa labi. Tahimik ngunit kumikilos upang maghiganti. Hindi ito ang nais ko saiyo Alaric, nangako ka sa akin na hindi mo ilalagay ang sarili mo sa kapahamakan.” Nanatili siyang tahimik. “Kaya bilang Inayaha…maari bang sa susunod mo na lamang ipagpatuloy ang laban sa mga babaylan? Ako na ang kusang pupunta sakanila..” “Ngunit mahal na--- “Panahon na para gawin ko ang aking tungkulin. Dahil kapag dumating ang araw na hindi magtagumpay ang pagsasara ng sagaradong daan ay maaring magwagi ang kasamaan.” “Naiintindihan ko mahal na Emperatris. Dahil sa iyong kahilingan ay hindi ko itutuloy ang laban..ngunit, sa pangalawang sinag ng buwan. Hindi mo na ako mapipigilan pa...” Malamig na sabi niya at tumalikod, kuyom ang kamao na tinitigan niya ang mapa. “Nakarating sa akin ang balita tungkol sa diwata na palagi mong pinapaburan..” Natitigilang tiniklop niya ang mapa. “Asteria ang kanyang pangalan hindi ba?” “Kailangan ko siyang pag-aralan, malakas ang loob ko na may nais sakanya ang anino ng kadiliman.” Tugon niya habang tinitiklop ang mapa. “Iyon nga lamang ba ang iyong dahilan? Kilala kita Alaric… kung may gusto kang malaman dinadala mo ang mga iyon sa ilalim ng pagdurusa. Kahit pa walang maalala ang mga ito ay iyong pinaparusahan. Ngunit bakit tila yata ay nakalimutan mo ang dapat mong gawin?” “Mahina ang kanyang enerhiya. Hindi sapat ang ilalim ng pagdurusa para malaman ko ang mga kasagutan.” “Kung ganon ay ibigay mo siya sa akin. Alam ko ang mga gagawin.” Mabilis siyang bumaling dito. “Hindi!’’ Nakita niya ang pagkagulat sa mukha nito. “Hindi mo siya maaring galawin, may paraan ako para malaman ang dahilan.” “Tila yata nakakalimutan mo na ako ang iyong inayaha..” Nanlalaki ang mga matang sabi nito. ‘’….kahit hindi ka naging bunga ng aking binhi itinuring kitang akin!” “Paumanhin Emperatris alam ko na ang mga dapat gawin sa diwatang iyon. Sa sandali na malaman ko ang dahilan kung bakit nasa kagubatan siya ng panahon na iyon…walang pagdadalawang-isip na ilalagay ko ang kanyang buhay sa aking kamay.” Nakita niya ang pagbago ng emosyon sa mukha nito, “Kung ganon ay ikaw ang bahala...tandaan mo ang ating pinag-usapan.” Anito at tumalikod. Muling kumuyom ang palad niya nang muling maala si Asteria. Hindi niya alam ngunit may parte sa kanya na parang matagal na niya itong nakilala. Ngunit kahit halukatin niya ang ala-ala ay hindi niya matandaan kung saan at kailan. Ang alam niya ay tila gumagaan ang kanyang loob sa tuwing nakikita ito… Sa tuwing nakikita ang matatamis na ngiti nito.. Pakiramdam niya sa tuwing nakikita ito ay may bagay na bumubukas sakanyang loob at iyon ang bagay na gumagambala sakanya. ‘Sana lamang ay walang ibang dahilan ang pagtungo mo sa kagubatan Asteria..’ -------------- “OH paano ba yan? Panalo ako!” Nakatawang binilang ni Nevara ang hawak na papel, nagyayabang na binilang niya pa iyon sa apat na lalaking kaharap na nakasimangot sakanya. Nakaupo ang mga ito habang sa gitna ay may mesang maliit. “Mukhang gumagamit ka ng mahika! Paanong numero mo ang palaging lumalabas?!” Reklamo ng isang lalaki sa gitna, ito ang nagro-roll ng dice. Ngumisi siya. “Paano ako gagamit ng mahika kung nakikita ng iyong kasama na mahina ang aking enerhiya? Oh ano?” Hindi naman nakasagot ito, muling nagpalag ang mga ito ng taya. “Ahaa gusto niyo pang umulit sige ba!” Nakatawang sabi niya at tinaas ang sleeve ng mahabang dress na suot. Nilagay niya pa ang isang paa sa upuan. “Taya ko tatlo agad!” Sabi niya nang mabilang ang mga tinaya ng mga ito. Gulat na tumingin ito sakanya. “Balak mo bang ubusin ang aming salapi?” Napanguso naman siya sa mga ito. “Bakit? Iyon naman talaga ang sugal hindi ba? Saka bakit natatakot ba kayo na baka matalo ko uli kayo?” Nakasimangot na hindi siya sinagot ng mga ito. Sinama siya ni Orla sa bayan, akala niya ay mabo-boring siya ngunit napakarami palang pwedeng magawa dito. Iba’t-ibang klase ng mga gamit ang nakikita niya, mga bagay na ginagamit sa mahika ay nandito din. May iba’t-ibang section ang mga bilihan dito. Ang unang section ay mga masasaganang prutas at iba pang pagkain. Sa ibang section naman ay mga mahahabang bestida at tela, maging ang mga potion o kaya herbal ay nandito din. Ngunit pumukaw ng pansin niya ang mga palaro dito. Hanggang napadpad siya dito sa tinatawag nilang pa-rolyo. The mechanics of the game is just simple, kailangan mo lang malaman kung ano ang numerong tinatago ng mga ito sa maliit na cup. Walang pandaraya dito dahil may kasama ito na nakakakita kung sino ang nandadaya. “Oh pano ba yan? Panalo na naman ako?” Masayang pumalakpak siya, nang-aasar ang tawang hinamig niya ang mga taya nito. “Ikaw ba ay nakasisiguro na hindi siya gumagamit ng mahika?” Hampas pa ng lalaking iyon sa kasama nito. “Ako ay nakasisiguro tadiryaha! Alam mo naman na kahit kailan ay hindi ako nagkamali.” Nakangusong sabi nito, ngumisi siya. “Oh dinig mo yon ha..” Aniya saka nilagay ang mga perang nakuha. “Paano ba yan? Wala na kayong pantaya, huwag kayong mag-aalala babalik muli ako sa bukang liwayway. Kailangan may pantaya na kayo para bawian ako ha.” Sabi niya pa sa mga ito. Nakita niyang nagkamot lang ng tenga ang mga ito. “Tatandaan ko ang iyong mukha, matatalo din kita.” Tinapik niya pa ang balikat nito. “Yan ang fighting spirit! Dito na ako!~” Masayang tumalikod naman siya at tumingin sa paligid. Nakita niya si Orla na nanamimili pa din ng mga sinulid. Nilapitan niya ito, “Tapos kana?” Binalingan siya nito. “Malamang ay hindi, kung tinulungan mo ako sa listahan na iyong dala marahil ay kanina pa ako natapos.” Ngumiti lang siya at kinuha ang ibang dala nito. “Ikaw naman, huwag kang mag-alala ililibre kita. Bilhin mo kung ano yung gusto mong bilhin.” “At saan ka naman kumuha ng salapi?” “Hindi na iyon mahalaga ano kaba. Ano ba gusto mo?” Sabi niya pa at tinignan ang ibat-ibang klase ng tiara doon. Dinampot niya ang isa na kulay berde, kumikinang pa iyon. “Bilhin ko na to.” Pagkaabot niya ng pera ay binalingan niya si Orla. Nilagay niya ang tiara sa buhok nito. “Oh diba? Bagay sayoo.” Nakangiting sabi niya, doon na ito ngumiti at hinawakan ang tiara. “Talaga ba? Salamat tadiryaha!” Natutuwang umikot pa ito. “Halika na, ilan paba yung nasa listahan?” Tumingin naman si Orla sa hawak na listahan. “Tatlo na lang, dalawang telang hinabi sa kukon ng paru-paro at isang luha ng koral. Alam ko dito lang iyon nabibili.” Anito saka tumingin sa paligid. “Hindi ba nasa batas natin ang pagtungo sa labas ng kagubatan? Napakatigas mo talaga!” “Hindi ko nga alam inayaha, nagising na lang ako nandoon na ako. Pagkatapos ay nakita ko ang dalawang diwata na may ginagawa. Kinakausap ko sila ngunit hindi nila ako naririnig.” “Ibaon mo na sa limot ang lahat, wala dapat makaalam nito maliwanag ba?” Wala sa loob na sinundan niya ng tingin ang mag-ina na iyon nang marinig niya ang mga pinag-usapan nito. ‘Hindi kaya yung sagradong daan yung tinutukoy nila?’ Tumingin muna siya sa paligid at palihim na kinumpas ang isang daliri sa lupa. Lumabas ang munting liwanag sa daliri niya patungo sa lupang dinaanan ng bata. Nakita niya ang mga yapak na iyon. Binalingan niya si Orla na pumipili ng tela. “Ah Orla..may bibilhin lang ako ha.” Paalam niya dito, nakalabing binalingan siya nito. “Basta huwag kang lumayo ha, dito kita hihintayin.” Tumango siya dito saka tumalikod. Sinundan niya ng tingin ang mga yapak na iyon galing sa bata at sa ina nito. Mabuti na lang at kahit papaano ay tinuruan siya ni diwata Delayna ng ibang spells, kahit paano ay nagamit niya iyon lalo pa ngayon. Napansin niya na papunta sa labas ng bayan ang yapak na iyon, sandaling sumilip siya sa likuran niya. “Sorry Orla, promise babalik ako..” Bulong niya pagkatapos ay tumalikod palabas ng bayan..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD