-The man in the forest-
NEVARA followed the footsteps without minding the distance, realizing only that she had stepped beyond the forest. She remembered the law of the fairies — that no one was ever allowed to set foot in the forest. Alam niya na maaaring ikapahamak niya ang pagpunta dito ngunit hindi na iyon mahalaga sakanya. May gusto siyang malaman sa pagpunta dito.
“Ergk…” Napayakap siya sa sarili nang maramdaman ang malakas na ihip ng hangin na iyon. Nilibot niya ng tingin ang buong paligid ngunit wala namang siyang makita kung hindi ang mga malalaking puno, bukod doon ay ang kadiliman na bumabalot sa paligid niya. Tinaas niya ang isang kamay at mula doon ay lumabas ang maliit na alitaptap.
“Okay na to..” Bulong niya at iyon ang ginawa niyang lampara, muli niyang sinundan ang yapak na iyon. Natigilan siya nang maputol ang yapak na iyon, ganon na lang ang gulat niya nang makita ang tinutukoy ng bata.
“Ito ba yung sinasabi niya?” Bulong niya. Nakita niya ang dalawang diwata na nakatayo sa magkabilang side ng isang malaking hugis bilog habang nakataas ang mga kamay nito. The two fairies shimmered with luminous light and surrounded by a soft, golden dust. Nakita niya na ang mga liwanag sa kamay nito ay nagtutungo sa bilog na iyon at hinihigop. Wala naman siyang ibang makita sa malaking bilog na iyon kung hindi dilim lang. Dahan-dahan siyang lumapit sa mga ito.
“Hello?” Mahinang tawag niya sa mga ito ngunit kagaya ng sinabi ng bata ay hindi sumasagot ang mga ito. Sinubukan niyang silipin ang mga ito, ganon na lang ang panlalaki ng mga mata niya dahil walang mga mukha ang mga ito. Doon niya napansin ang mga ingay na naririnig niya mula sa mga ito.
‘Why do they look like they’re in pain?’
Dahil sa sobrang curiosity ay sinubukan niyang hawakan ang isa sa mga ito.
‘Aah!’
“Aah!” Napangiwi siya nang maramdaman ang animoy kuryente na iyon nang hawakan niya ito. Natigilan siya dahil kung hindi siya nagkakamali ay sumigaw din ito.
“Sino ang nandiyan?!”
Napalingon siya sa mga tinig na iyon.
“Yare..” Tulalang napatalikod siya para tumakbo ngunit bumagsak siya sa lupa.
“Ha? Anong nangyayari? Bakit humihina ako?” Bulong niya at tinignan ang tuhod.
“Magpakita ka!”
Nakangiwing hinawakan niya ang laylayan ng mahabang suot at pinilit na tumayo. Kahit pa naramdaman niyang humihina ang kanyang katawan ay pinilit niyang tumakbo papalayo doon. Nang lumingon siya ay nakita niya ang ibang kawal na galing sa Imperiyo.
‘Kung iyon ang sagradong daan bakit nasa labas iyon ng kagubatan? That doesn’t make sense ha.’’
Hinihingal na napasandal siya sa puno at unti-unting umupo.
“Gosh muntik na ako doon ha..” Bulong niya, napatingin siya sa palad. Pinilit niyang ikuyom iyon ngunit wala talagang lakas.
“Hindi pa nga ata dumadampi yung kamay ko sakanya e..” Sambit niya pa.
“Doon kayo!”
Napabaling siya ng marinig ang mga boses na iyon.
“Ano ba yan!” Inis na tumayo siya at muling tumakbo. Hindi pwedeng mahuli siya ng mga ito, kapag nagkataon ay siguradong katapusan niya na talaga sa mundong ‘to.
Napahinto siya sa pagtakbo ng makita ang dalawang malaking itim na puno sa magkabila. Nakita niya ang daan doon, wala sa loob na tumakbo siya at pumasok doon. Pakiramdam naman niya ay dumilim ang paligid niya.
“A-aray..” Napapikit pa siya at kinusot ang mata. Nang dumilat siya ay nakita niya ang mga punong patay, naglalakihan ang mga iyon kagaya ng mga building sa mundo niya. Sa paligid naman ay umuusok ang paligid at pantay ang lupa, sinubukan niyang amuyin ang paligid.
“Agrhkk.” Halos masuka pa siya sa amoy non. The wind carried a foul stench and blood mixed with something older, something that had been dead for far too long. Pinunit niya ang tela sa laylayan ng mahabang suot at ginawa iyong mask.
“Ang baho naman dito..” Bulong niya ay nagtungo sa gilid. Nagtago pa siya sa malaking puno at nagpalinga-linga sa paligid. Natigilan pa siya ng makita ang kumpol ng mga iyon na nakasuot ng mga mahahabang itim na cloack. Napamulagat siya at naalala ang librong nabasa.
‘Don’t tell me…napunta ako sa ibang Imperiyo?’
Nagsimulang kumabog ang dibdib niya at akmang tatalikod ngunit ganon na lang ang panlalaki ng mata niya ng magkaroon ng tao doon na may suot ding cloak. Papalabas pa ang mga ito kasunod non ay biglang naglaho ang lagusang pinasukan niya kanina.
“Owemji…” Kabadong muli siyang tumalikod, nakita niya ang maliit na gubat na iyon. Napapalunok na tumakbo siya papunta doon. Napangiwi pa siya dahil sumabit sa kung saan ang braso niya, naramdaman niya ang hiwa non. Hinawakan niya iyon, naramdaman ng palad niya ang basa non na sa tingin niya ay dugo.
“Swerte nga naman talaga.” Bulong niya pa habang patuloy na tumatakbo sa kung saan.
“H-hmm..”
Napahinto pa siya sa pagtakbo nang marinig iyon. Lumapit siya sa isang puno at sumilip, nanliit pa ang mga mata niya ng makita ang isang lalaki na may suot na black velvet cloak. Nakataas ang palad nito sa isang puno.
“Ay sorry!” Inalis niya ang tingin doon at napakagat labi.
“S-sino ang nandiyan?”
Narinig niyang tanong ng tinig na iyon. Dahan-dahan siyang sumilip muli dito, nakatingin ito sa direksyon niya ngunit hindi niya makita ang mukha nito dahil sa mahabang hood ng suot nito.
“Ayy!” Nanlaki pa ang mata niya nang unti-unti itong napaluhod habang hawak ang dibdib. Kahit pa hindi alam ang sitwasyon ay wala sa loob na tumakbo siya papalapit dito. Hinawakan niya ang malalaking balikat nito.
“U-uy okay ka lang ba? Akala ko kasi umiihi ka..” Sabi niya pa dito ngunit hindi ito sumagot. Naramdaman niya ang malalalim na hinga nito na parang nasasaktan.
“Uy naririnig mo ba—ahh!” Bigla itong bumagsak, mabuti na lang ay nasalo niya ito.
“Ang bi---bigat mo!” Nakangiwing nahampas niya ang likod nito. Mas lalo itong napaigik sa ginawa niya.
“Ay sorry..” Hirap na ginala niya ng tingin ang paligid. Doon niya napansin ang maliit na tent na iyon. Nakangiwing sinubukan niyang buhatin ito ngunit mabigat at malaki itong tao.
“Walangjo ka naman, ang wrong timing mo naman sa akin pa talaga..” Sambit niya dito. Tinaas niya pa ang isang kamay, mula sa palad niya ay lumabas ang kulay lilac na liwanag. Bumalot iyon sa katawan nito, unti-unting itong umangat.
“Aghk!” Ngunit nawala din agad iyon nang mamatay-matay ang liwanag na iyon. Kuyom ang palad na hinawakan niya ang braso lalo pa at unti-unti niyang naramdaman ang sakit non.
“Agk! Nevermind!” Nagdadabog na tumayo siya at hinila ang isang paa nito patungo sa tent na iyon.
“Hoo!” Namewang pa siya nang mailagay niya ang bultong iyon pahiga sa loob ng maliit na tent. Sinilip niya ito ngunit hindi niya padin makita ang mukha nito. Muli niyang ginala ng tingin ang paligid pero kahit saan siya tumingin ay wala talaga siyang makita. Binalingan niya uli ito.
“Aalis na ako ha, wala kang nakita!” Turo niya pa dito at akmang lalabas ng tent nang pumatak naman ang tubig na iyon. Napatingala siya kasabay ng malakas na kulog at kidlat.
“Seriously?!” Nakataas ang kilay na sabi niya at muling pumasok sa loob.
‘Umulan pa talaga?’
Nagdadabog na umupo naman siya sa tabi nito. Gumalaw ito ng bahagya habang sapo ang dibdib.
“Si—sino..”
Nilapit niya pa ang tenga ng marinig ang bulong nito.
“Ano sabi mo?” Tanong niya ngunit halinghing lang ang narinig niya dito. Muli niya itong tinignan, nakita niyang nanginginig pa ang kamay nito.
“Uy…ano nangyayari sayo?” Tanong niya, wala sa loob na hinawakan niya ang kamay nito.
“Ang lamig mo!” Sabi niya pa, ramdam niya din ang panginginig ng katawan nito.
“Bi-bitawan mo ako..” Narinig niyang sabi nito, tumaas ang kilay niya.
“Arte mo ha, naghihingalo kana nakikita mo ba?” Pagtataray niya tinaas niya ang palad at pilit na nilabas ang mahikang natitira. Bumalot sa malaking katawan nito ang maliit na liwanag. Ngunit parang hindi sapat iyon dahil nangangatog padin ang katawan nito, bumuga siya ng hangin.
“Wala akong choice, mukhang need mo ‘to eh.” Sabi niya pa dito, binatawan niya ang kamay nito at niyakap ito. Pinatong niya ang ulo sa dibdib nito, doon niya naramdaman ang pagkalma ng katawan nito.
“Hmm..” Narinig niya ding kumalma ang paghinga nito. She breathed out a sigh of relief, kusang gumalaw naman ang kamay niya at tinapik-tapik ito. Unti-unti naman siyang napapikit….
“Napakaganda nito Alaric, talaga bang sa akin na ‘to?”
“Iyan ang hiyas ng Imperiyo ng bituin, iyan ang kanilang handog para sa pakikipag-alyansa sa atin. Ibinigay ko iyan saiyo dahil mas kailangan mo iyan.”
Nakangiting yumuko ako at tinignan ang hawak kong isang ruby gem. Lumapit naman sa akin si Alaric at isinuot iyon sa leeg ko.
“Ang gandaa..” Nakangiting yuko ko sa necklace.
“May proteksyon ang hiyas na iyan, kahit nasaan ako ay malalaman ko kung nasa kapahamakan ka. Kaya dalhin mo iyan kung saan ka man pumunta.”
Binalingan ko siya, tinitigan ko ang gwapo niyang mukha habang matamis ang ngiti sa akin.
“Kahit saan ako pumunta, hinding-hindi kita malilimutan..” Wala sa loob na sabi ko. Nakita kong natigilan siya sa sinabi ko.
“Ano ang iyong sasabihin? Bakit tila yata ay may balak kang umalis?’’ Nagsalubong pa ang kilay niya. Natawa lang ako ng mahina at tumingin sa bilog na buwan sa itaas.
“Hindi ako aalis…pero darating ang araw na baka bigla akong mawala. Hindi dito ang mundo ko Alaric..”
“Kung ganon, bakit hindi mo ako isama sa mundo mo?”
Natawa ako ng mahina at binalingan siya. Nakangiting nakatitig pa din siya sa akin…
“Gising na siya!”
Pakurap na unti-unting dumilat si Nevara nang marinig ang mga maliliit na tinig na iyon.
“Totoo nga isa kang diwata ng liwanag!”
Nanlaki ang mga mata niya nang bumungad sa paningin niya ang isang bata.
“Chanak!” Tili niya at tinulak ito. Napapikit siya at tinaas ang dalawang kamay.
“Sige subukan mong lumapit!” Tili niya pa.
“Ano---ikaw talaga Pimo! Labas!” Narinig niyang tinig ng babaeng iyon. Unti-unti siyang dumilat. Nakita niya ang isang babae, may suot itong itim na balabal habang may ugat pa ng puno sa beywang nito. Itim din ang mga labi nito na parang kinulayan, kagaya kina Orla ay matutulis din ang tenga ng mga ito habang may nakasabit sa ulo na mga damot.
“Mabuti naman at nagising kana..” She greeted her with a bright, welcoming smile. Kabaliktaran sa mga suot nito, nakangusong lumabas naman ang tiyanak na iyon.
“Patingin ng iyong sugat.” Sabi ng babaeng iyon at hinawakan ang braso niya. Napansin niyang may tela na sa braso niya. Naalala niya nakuha niya pala ang sugat na iyon dahil sa pagtakbo niya kagabi.
“N-nasaan ako?”
Nilapag nito ang bowl sa harap niya, may laman pa iyong tubig na lumiliwanag ng kulay berde.
“Tawagin mo na lang akong Nomera, ako ang gumagamot sa mga diwatang galing sa laban.” Anito saka pinunasan ang braso niya. Napatingin siya sa labas ng tent, nagtaka siya dahil madilim padin sa labas.
“Nasaan ako?” Tanong niya uli dito wala sa loob na napahawak siya sa leeg. Nagulat siya nang hindi makapa ang necklace na binigay ng Inayaha niya. Napatingin siya sa paigid ngunit wala doon ang necklace. Maging ang pouch ay wala din.
“Nasaan na yon?” Bulong niya habang pilit na hinahanap sa sahig.
“Nandito ka sa Imperiyo ng apoy…” Sabi pa nito, nanlaki ang mga mata niya at naalala ang nabasang libro tungkol sa mga ito. Binalingan niya ito.
“Bakit tila ikaw ay biglang natakot.” Nakangiti pang sabi nito at muling binuhat ang dalang bowl.
“A-ah…maari ko bang malaman paano ako makakaalis dito?” Tulalang tanong niya.
Natigilan ito. “Ang sino mang nilalang na pumapasok dito, diwata man o mortal ay hindi na maaaring lumabas pa.”
Napanganga siya sa sinabi nito.
“S-sandali isang pagkakamali na pumunta ako dito. Please..” Hinawakan niya pa ang kamay nito. “…para mo ng awa tulungan mo ako.”
Bumuga ito ng hangin. “Isang lamang ang maaaring maging daan mo para lumabas dito. Iyon ay kung pahihintulutan niya.”
“Sino iyon?”
“Hindi mo matandaan? Siya ang iyong tinulungan..”
Natigilan naman siya at naalala ang lalaking iyon, bumaling siya sa likuran. Doon niya napansin na wala na ito doon.
“Adama Nomera, ipinapatawag na ang bihag.” Sabi ng tinig na iyon sa labas ng gate. Muling kumabog ang dibdib niya.
“Sumunod kana sa akin bago pa siya magalit.” Sabi ng babaeng yon saka lumabas ng tent. Napapalunok na sumunod siya dito, doon niya nakita ang iba pang mga nakatayo na may mga suot na cloak. Masasama ang mga tingin nito sa direksyon niya. Iniwas niya ang mga mata sa mga ito at sumunod sa babaeng iyon na may pangalang nomera. Lumabas sila sa maliit na lagusan na iyon na pinasukan niya kanina.
“Unang batas, kapag siya ay iyong nakaharap kailangan mong magbigay galang.” Narinig niya sabi ni Nomera.
“You mean sa lalaking yon na tinulungan ko?” Hindi niya mapigilang tanong, naalala niya pa na nahampas niya ang likod nito. Napakagat labi siya.
“Pangalawang batas, ang isa nyang tanong ay katumbas ng isa lamang na sagot.” Hindi nito pinansin ang sinabi niya.
“Tanong ay katumbas ng isa lang na sagot?” Bulong niya sa sarili. ‘What the heck is the meaning of that?’
“At ang huling batas ay kailangan mong hubarin at sunugin ang iyong kasuotan sakanyang harap. Walang kahit na anong bakas ang dapat niyang makita na galing sa Imperiyo ng liwanag.”
“Ano?!” Gulat na napasigaw pa siya. Napahawak siya sa sarili.
“Iyon ay para lamang sa iyong ikabubuti..’’ Sabi pa nito habang nagpatuloy sa paglalakad. Lumalim ang hininga niya na sumunod dito. Doon niya napansin ang mga kumpol sa gitna. Naramdaman niya ang panginginig ng katawan lalo pa at tumingin ang mga ito sa direksyon niya.
Soft whispers drifted through the mist, yet every word vanished before it could be understood, leaving a lingering sense of unease. Tinignan niya ang buong paligid, sa ilalim ng tatlong bilog na buwan ay kumakalat ang makakapal na usok hindi lang sa hangin kung hindi na din sa lupa. The air was heavy with smoke, spiraling and twisting with a life of it's own. Muli siyang tumingin sa mga taong iyon na nakasuot ng mga cloak na itim. Their eyes lingered, unbearably knowing, as though they could unearth the secrets buried deep within her bones. The gaze pressed in as the air thickening around her with silent judgment. Sa tingin niya ay anumang oras maaari siya nitong sakmalin. Hindi niya mapigilang mapayuko nang magtungo siya sa gitna ng mga ito. Doon niya napansin ang malaking mansion sa harap niya.
“Prinsipe Valerius..”
Napatingin siya kay Nomera pagkabanggit ng pangalan na iyon, kasunod non ay biglang bumukas ang malaking pinto sa harap nila. Kunot noong sumilip pa siya dahil wala siyang makita sa loob. Nilingon siya ni Nomera.
“Pumasok kana sa loob.” Sabi nito.
“Ha? Bakit? Saka ang dilim kaya.” Reklamo niya, nagsalubong lang ang kilay nito sakanya. Napapalunok na kumilos na lang siya at nagtungo sa loob. Napahawak siya sa laylayan ng dress habang tumitingin sa kadilimang nasa paligid niya.
“Ano ang iyong ginagawa sa aking kagubatan?”
Napahinto siya sa paglalakad ng marinig ang malalim na tinig na iyon. His voice rolled like distant thunder. The deep voice pressed against her chest it was cold and unyielding, commanding attention with quiet authority. Muling kumabog ang dibdib niya at wala sa sarili na tumingin sa harap kahit pa madilim iyon.
“Bakit hindi mo ako sagutin ng maayos? Ano ang iyong ginagawa sa aking kagubatan?”
As she glanced around, she realized… she was in a different Empire entirely, facing some unknown presence!