Alexandra Sue Imperial-Zapanta's POV Hindi nga nagbibiro si Kevin nang sabihin niyang sasama siya sa Ilocos. Nakasunod ang sasakyan niya sa amin ni Robin. May naramdaman akong kakaiba sa pagitan nilang dalawa simula nang magkita kita kami sa restaurant. Para bang may alam silang na hindi ko alam. Inis na inis si Kevin kay Robin. Halata naman iyon sa mga kilos at pananalita niya. I can feel the tension between them. Sa mga tingin pa lang ni Kevin, parang gusto na niyang patayin si Robin. Mabuti na nga lang at hindi siya masyadong pinapatulan ni Robin. Kaya hindi na lumalala ang kung ano mang meron sa kanilang dawala. Pagod ako mula sa biyahe, pero kailangan na naming umpisahan ang shoot. Kumain lang kami ng tanghalian ni Robin pagkatapos ay nagsimula na sa trabaho. Si Kevin naman, nakasu

