"Kevin.. Ang tagal mo naman. Late na tayo!" sigaw ng asawa ko mula sa labas. "Nandyan na Sweety.." sagot ko at nagmamadali ng lumabas. "Ang tagal mo.." inirapan niya ako. Padabog siyang pumasok sa loob ng sasakyan. Pumasok na rin ako sa loob ng sasakyan. Nakasimangot na naman ang asawa ko. Salubong ang mga kilay niya at hindi ako binabalingan ng tingin. Sa totoo lang, ilang araw na siyang iritado sa akin. Nagiging mainipin din siya. "Sorry na. Wag ka ng magmaktol dyan.." "Kasi naman ang tagal mo. Late na tayo sa kasal ni Cha at Robert.." bulalas niya habang salubong parin ang kanyang mga kilay. "Oh, wag ka ng magmaktol d'yan. Sige ka, gusto mo bang mukha kang stress mamaya sa kasal?" biro ko. "Tumigil ka nga! Tara. Alis na tayo." Napailing na lang ako. Pinaandar ko na ang sas

