Alexandra Sue Imperial-Zapanta's POV "Daddy, karga po!" sigaw ni Justin. Hinila-hila niya ang kamay ni Kevin. "Wait. May kausap pa sa phone si Daddy.." sagot naman ni Kevin. Padabog na binitawan ni Justin ang kamay ng ama. "Justin, come here.. Ako na lang ang bubuhat sa 'yo.." tawag ko sa anak namin. Tumingin naman ito sa akin at agad na tumakbo sa direksyon ko. Kung kanina ay nagmamaktol siya, ngayon naman ay ngumingiti na. Nagkatinginan kami ni Kevin. Umiling-iling siya. Alam naman kasi niya na hindi ko kayang tiisin ang anak namin. Apat na taon na ang anak naming si Justin. At sa pagdaan ng bawat taon ay masasabi ko na nagiging mabuting magulang kami ni Kevin. Lalo na siya, isa siyang mabuting ama. Inaalagan niya kaming mag-ina. Kung minsan nga'y parang napapabayaan na niya ang t
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


