Worried. "Happy birthday!!! Gising na tangina mo!!!" Naalimpungatan ako dahil sigawan at tawanang bumalot sa buong kwarto! Sa pagmulat ng mata ko ay mukha agad ni Xyrene ang sumalubong sa akin. Nakadungaw ang baliw habang abot langit ang ngiti sa labi. Sa likod niya ay naroroon sina Isabelle, Lyle, George, Emarie, Stella, Celine, Sean, Raniel, Theon at Kenneth. Napangiti ako kasabay nang muling pagkanta ng saltiking si Xyrene. "Happy birthday sa 'yo! Happy birthday sa 'yo! Happy birthday tang*ina mo! Happy birthday sa 'yo!" Hindi maiwasang balutin nang matitinding halakhakan ang k'warto ko dahil sa mga pakulong naiisip ng babaeng 'to. Isa-isa ko muli silang tinignan at natigil ako nang makita ang isang pamilyar na pigurang nakatayo sa pintuan. Ngumiti ito at saka inilabing, "Happy birt

