Hapon na nang magising ako. Nakahanda na rin ang mga damit na isusuot ko at naroroon na rin si Aveiza para ayusan ako. Pinagmasdan ko ang aking sarili sa salamin at hindi ko maiwasang mamangha dahil sa galing niya. I suggested her na 'wag nang kapalan ang foundation at gawing plain yet elegant ang make-up ko. Which is, na-perfect niya! Ayokong magmukhang clown kapag pinagpawisan na ako 'no! Lumabas si Aveiza para raw kumuha ng tubig na maiinom niya. Habang nakaupo ako sa harap ng salamin ay nahagip ko ang date planer ko roon. Kapansin-pansin ang pulang bilog sa numero 27 bigla akong nahimasmasan at nagsimulang magbilang sa aking mga daliri. Napaangat ako ng tingin at pinagmasdan ang sarili sa salamin. "Delayed ako," wala sa sariling bulong ko. "Nandito na!" Napaayos ako ng upo nang dum

