Lumipas pa ang mga araw at kalaunay na-discharge ako sa ospital. Wala akong naramdamang ano mang kakaiba sa aking katawan at tila lahat ng nangyari ay pawang panaginip lamang. Sa masamang panaginip na iyon ay isang kisapmatang muling nag-krus ang landas namin ng lalaking ayoko nang makita pa. Sa pangyayaring iyon tila ba isang pitik lamang ng daliri ko ay bumalik ang mga ala-alang pilit kong ibinabaon sa limot.
How can he act like everything was fine? How can he feel relieved when he knew that I just can't be? My once remedy, who finally turns into a severe pain.
Wala sa sarili akong napatayo dahil sa nararamdamang pamumuo ng pawis sa aking sintido. Hindi ko lubos maipaliwanag ngunit kahit sa kailaliman ng tulog ko ay binabagabag pa rin ako ng mga bagay na hindi ko na dapat pang binibigyang puwang.
The door suddenly slid open and shut. I shifted my chin to meet his cold pair of hazel-brown eyes. He look damn frustrated and at the same time, he looks like he was under the influence of alcohol. He's with his pair of black jeans and white t-shirt, holding an empty bottle of vodka. Damon suddenly walk towards me and captive me in his arms.
"I'm sorry, baby," langong bulong niya. Inamoy ko siya at nanuot sa aking pang-amoy ang tapang ng alak na ininom niya.
Wala sa sariling niyakap ko siya pabalik. "Why did you drunk too much, Damon?" mahinahon ngunit mariing tanong ko sa kanya na ngayon ay nakasubsob na sa leeg ko.
I honestly didn't know what he is sorry for. Sa ganitong mga pagkakataon ako nilalamon ng kaba! Hindi ko alam kung para saan at kung bakit niya iyon ginagawa. The most unexpected apology made my heart drummed hyperactively over my sweaty palm.
Ini-angat niya ang tingin at pinakatitigan ang bawat anggulo ng aking mukha. A wide smile curved on his lips as he pulled me closer to tighten his hug. Then, he put his head on my shoulder and close his eyes.
"You'll be mad at me," he said.
"I won't get mad at you for no reason, Damon."
"I s-swear, I didn't mean to." He sighed. "I know you'll get furious about it. I'm sorry, baby."
"You're just drunk," I whispered.
He breathed against my cheek, it was so distracting. "I tried to date so many girls, but why?" His eyes opened and his brows lodge in line over his anxious brown eyes. "Why, baby?"
I cupped his face and kiss his cheek. "You're drunk."
"But feels like more sobber when I'm over the influence of alcohol," he said, menacing voice. "I never lied when I'm drunk."
He hug me firmly as if he never want to let go. I never expected him to be this clingy at all. Would he laugh about the thought of being cringy sometimes?
I admit that we argue a lot but I still love my brother so much, and we are so connected. He fights a lot but honestly, I'm the hard-headed one. He was always there when I needed a crying shoulder, a living diary, fulfilling the caress of a real father and a sister.
Muli akong napaangat ng tingin matapos ang maliliit na lagitngit mula sa pintuan. I saw Mom looking right unto us. She was pointing Damon and asking if he's drunk, voiceless. I nodded as a quick yet silent response.
Lumapit siya at sinipat ang ulo nito at dahil inggetera ako, sinipat ko rin iyon. He wasn't hot nor sick but his face was turning tomato-red. Baka epekto lang ng alak.
Mom look at me and bitterly smiled. "Let's lift him up," mungkahi niya sa mababang boses habang inilalagay ang braso ni Damon sa kaniyang balikat. Napatayo naman agad ako, isinuot ang sapin sa aking paa saka kinuha ang isa niya pang braso at ipinatong din ito sa aking balikat.
Damon was literally heavy. Nararamdaman ko ang kalahati ng bigat niya na nakapatong sa katawan ko. Hindi na rin kataka-taka for he has a masculine body, sexy beast!
Nang makarating kami sa kabilang kwarto ay dahan-dahan naming ibinaba si Damon. His face looks so nice, so innocent. It's quiet better when he's asleep. Inalis ni Mommy ang sapin sa paa ni Kuya at sandali akong iniwang nakatayo sa kwarto. Mayamaya pa ay muli itong pumasok at kinuha ang baso ng alak na dala ni Kuya kani-kanina lamang.
"Let's go," Pabulong na aniya saka mahina akong hinatak pababa. Binasa ko ang pang ibabang labi at tinanong siya. "Saan galing si Damon, Mom?"
Natigilan ako nang salubungin ako ng pamilyar na halakhak mula sa sala. Hindi ako maaaring magkamali dahil minsan ko na ring kinabaliwan ang tawa niyang iyon. Nang makababa ako ay nagtama ang aming paningin. Unti-unting napawi ang ngiti sa kaniyang mga labi nang makita ang ekpresyon ko sa mukha.
It wasn't surprising at all. My face would probably show hatred. It'll flash my sincerity of how dearly I loathe him.
"What is he doing here?" Unti-unting lumalim ang gitla sa noo ko habang diretsong nakatitig kay Kian.
"Inihatid niyang lasing ang kapatid mo," payak na sagot ni Mommy. Kanina lamang ay nagtatawanan sila na para bang natural lang ang lahat. Hindi ko alam kung natural nga ba o sadyang ako lang talaga ang hindi pa naawawala sa sakit na dulit ng kahapon?
"Can't he just call a cab? Or ask you to fetch Damon?" taas-kilay na tanong ko nang hindi man lang tinatapunan ng tingin ang aking ina. Napaangat ako ng tingin ngunit bahagyang umiiling naman si Mommy.
"Now I know why Damon is being sorry out of the blue," I whispered with my forehead creased.
I hate that Demon! How can he bring with him the boy I wanna get over at? How can he let that person take him home, where in fact he hated him as much, or even worst tha I do? How can Damon's one wrong move bring back all the memories I had with Kian before? How can life be so cruel? And why am I not healing in process?
"I s-swear, I didn't mean to."
Nasa ikatlong baitang na ako mula sa ibaba nang biglang pumatak ang likido mula sa mga mata ko kaya't dali-dali akong tumakbo papunta sa taas. Pumasok ako sa kwarto at isinara ito. Dali-daling lumundag sa kama at nagtalukbong ng kumot.
Kasabay nang pagpikit ng aking mga mata ang mga alaalang minsang pinagsaluhan namin noon.
"What's that?" I asked Kian. Hawak niya ang isang maliit na crab-like sea creature. But compared to crabs, it was smaller and the nippers were cute.
Kasalukuyan kaming nasa dalampasigan at nanghuhuli ng maliliit na crabs. Kanina pa ako paikot-ikot pero wala akong mahuli dahil natatakot akong masipit ng mga ito!
"This is called Kalikakas," sagot niya.
"Can we eat that?" Bigla akong na-excite dahil ang cute n'on at mukhang mas madaling hulihin. Paniguradong makararami kami!
He let go of it and smiled at me. "We can't. That's not edible, love."
"Marami bang ganyan dito sa province niyo?" tanong ko. Nagpaikot-ikot ako roon at lulubog-lubog na ang mga paa ko sa putik. Kung saan-saang sulok na ako sumusuot ngunit hindi ko pa rin iyon makita.
"Hmm." Hindi ko siya binalingan ng tingin at muling naghanap nung small crab-like creature. I wonder if kulay red lang ba lahat ng ganoon?
"What are you looking for?" Hindi ko namalayang nakalapit na pala siya.
"Kalisakas," I answered. My forehead creased when I heard his brittle laugh. "It's Kalikakas, love," pagtatama niya. "Say it again, Ka-li-ka-kas."
"Nevermind." I rolled my eyes and continue searching.
Natigilan na lang ako nang biglang may humigit sa kamay ko at pinagsiklop ang kaniyang mga daliri sa daliri ko. Napatingin muna ako roon bago napukol ang tingin kay Kian.
"Let's go. If you wanna see their clan, you have to go with me." Agad na umaliwalas ang mukha ko dahil sa sinabi niya! He mean, a clan of little crabs!
Walang reklamong lumabas sa bibig ko habang hawak-hawak niya ang kamay ko at sabay namin hinahanap ang hagdan. Nang makaakyat kami ay natanaw ko agad sa malayo ang isang mala-rosas na kalisakas! Amba na sana akong bababa ngunut hinigit niya ang braso ko at saka umiling.
"We're done catching them. Let's wash our feet na," aniya. He bend over to reach for our slippers and held my hand once more.
Naghugas kami ng paa at nagbihis bago muling bumalik sa tulay para tignan kung dumami ba sila.
"Look!" galak na sigaw ko matapos madatnan ang karamihan ng kalisakas doon. "They're starting to show up!"
"Of course, they are," natatawang bulong niya. Hindi pa rin maalis sa labi ko ang ngiti dala ng napakagandang mga maliliit na alimango. "Kagaya natin ay katahimikan din ang hangad nila."
Tuwang-tuwa ako habang pinagmamasdan ang iba't ibang kulay ng mga sipit nila. "Aren't they beautiful?" I asked with a smile on my face.
Sandali pa siyang natahimik ngunit hindi ko iyon inalintana. "They are," he whispered. Napatingin ako sa kanya at nahuling nakatitig siya sa akin! Kakaiba ang kislap na nakikita ko sa mga mata niya. "You're beautiful, Valirina."
Namalayan ko na lamang na lumandas sa aking pisnge ang mga butil ng likidong kanina ko pa pinipigilan. Iminulat ko ang aking mga mata saka pinunsan ang basa kong pisnge.
Ang mga ala-ala ko kasama ang lalaking iyon ang siyang nagpapahirap sa buhay ko ngayon! Hindi ko matanggap na naninikip pa rin ang dibdib ko sa tuwing magkakasalubong ang landas namin. Kay hirap tanggapin ng buo ang ginawa niyang panggagago sa akin. Hindi ko na dapat nararamdaman ito ngunit hindi ko mapigilan ang lintek na bugso ng damdamin ko!
Siguro ay tama nga sila, kung naging totoo man ang pag-ibig mo sa isang tao ay imposibleng makalimutan mo ito. Ang nararamdaman ay maaaring maglaho ngunit ang pagmamahal ay mananatili roon.
I still can't afford to see his face when I'm not yet over him. My heart aches so bad to the point I can't took over it, perhaps it manipulates me.
Unti-unti akong kinakain ng pagmamahal ko sa kanya hanggang sa nagiging mas marupok pa ako. Ayokong kontrolin ako ng sakit dahil alam ko na ang kalalabasan n'on at iyon ang pagbalik ko sa kanya. Hindi iyon nararapat dahil matagal ko ng natutunan ang leksyon ko. Hindi na dapat pang balikan ang mga bagay na minsa'y nakasakit sa atin. Kung babalikan ito'y para saan pa? Para muling ulitin ang magkatulad mong pagkakamali? Mali, eh. Hindi na dapat. Kung sa unang beses ay matatawag mo itong pagkakamali, sa pangalawa'y katangahan na!
Nag-sorry sa akin si Damon dahil dinala niya ang lalaking iyon sa pamamahay namin. Ang awayin niya ako ay ayos lang pero ang pagpapatapak kay Kian sa pamamahay namin, foul na 'yon!
I wan't to be mad as hell but I just can't. It's suffocating. Hindi ko pa rin naman sigurado kung sinadya niya iyon. I mean, what if he can't drive, and Kian just insisted to drove him home? He's not that devious after all. I just hate the fact that it's my heart, I own it, but it always took his side.
I remember him saying, "I s-swear, I didn't mean to."
Soon I'll get over him. Mark my words, one day I will look into your eyes and feel nothing, Kian.
Hindi ko namalayan ang sariling nakatulog bungsod nang pagbigat ng aking mga mata.
KINAUMAGAHAN ay mugtong-mugto ang mga mata ko. Hindi ako nakaramdam ng gutom ngunit tila pagod na pagod ang buong katawan ko. Hindi ako lumabas ng kuwarto ko kahit pa sumisigaw na si Mommy sa labas.
"Baby? Are you mad at me?" Sa kalagitnaan ng pagmumukmok ko ay sumulpot ang boses ni Damon mula sa labas ng pintuan.
"Hindi ba obvious?" I asked. Then, I started to cry again. Muli ay nagtalukbong ako ng kumot at hinayaan siyang magsalita roon.
"Please, don't be. . ." nagsusumamong aniya saka aambang lalapit ngunit hinarang ko ang mga biyas ko sa pagitan namin.
"'Wag mo akong manduhan dahil nandidilim ang paningin ko sa 'yo!" Inis na sigaw ko.
I never checked my phone and slept the whole day. Napakusot ako ng mata nang marinig ang isang malakas na paghampas sa pader mula sa kabilang kwarto. Wala sa sariling napatayo ako, hinablot ko ang telepono sa gilid ng lamesa at lumabas sa aking silid. Doon ko nakasalubong si Mommy na bakas din sa mukha ang labis na pag-aalala.
Una ay kinatok niya ang kwarto ni Damon ngunit walang sumasagot doon. Pinihit ko agad ang doorknob but it was locked! The door was locked.
Makailang beses pa akong kumatok bago nagsalita. "Damon!" I called his name out loud. "Let us in," malumanay na dagdag ko.
"Go, away Anna."
"Okay, bye."
It only takes one joke to make us laugh! Narinig kong pumitik ang lock senyales na bukas na ang pinto. Nang pihitin ko ang busol ay tumambad sa amin ang duguang kamay ni Damon. Mangiyak-ngiyak na lumapit si Mommy at pinagmasdan ang kamay ng anak niyang dumudugo pa ang kamao. Nagawi ang paningin ko sa isang maliit na krak sa pader, sa awang nito ay may dugo rin.
My brows arched when I saw him hurt, I knew inside that I'm not that mad anymore. I never saw a man who can 'cause a c***k on a wall by his fist, mere punching!
"Did you just punch the wall?" Inosenteng tanong ko saka siya tinitigan. Ang mga mata niya ay unti-unting namungay at napayuko na lamang.
"Kahit kailan talaga, napaka-OA mo!"
Umupo ako sa itim na couch malapit sa kama niya at pinagmasdang maigi ang pader. Iniisip ko ngayon kung ano nga bang klaseng demonyo ang sumapi sa katawan niya para gawin ang wirdong bagay na iyon. Si Mommy naman tuloy ay hindi na magkanda-uga-ugang bendahan ang kamao niya.
"Ano bang nangyayari sa 'yo?" nag-aalalang tanong ni Mommy.
"Wala na ba siyang masuntok na kaaway kaya pati pader pinapatulan niya na?" tanong ko sa aking sarili.
"I'm just bored, Mom."
"Jusmiyong boredome 'yan!"
I can't understand him. Hindi ko alam na dahil sa katopakan niya ay susuntukin niya basta-basta ang matigas na pader "Ba't mo naman sinuntok 'yung pader? Kita mo namang ang mahal mahal ng pagpapagawa ni Mommy riyan!" puno ng sarkasmong ani ko.
"Edi ako ang magpapagawa," mayabang na sagot niya.
"Wag mo akong yabangan, lusiper!" naiiritang sigaw ko saka ibinato ang isang unan sa kanya. Agad naman niya itong nailagan ngunit si Mommy naman ang tinamaan.
"Opps! Sorry, Mom," I whispered.
Muli kong ibinaling ang tingin sa pader. I looked at him. "Alam mo bang nasasaktan din 'yan?"
Sa hindi inaasahan ay napangisi siya at bahagya pang itinabingi ang ulo. "Ikaw lang naman ang kilala kong pader na nasasaktan." Nanlaki ang mga mata ko ng bahagya pa siyang bumungisngis kaya't nang makapa ko ang isa pang unan ay wala sa pasabing ibinato ito sa kanya.
"Foul ka na! Masyado ka namang praktikal!" iritadong sigaw ko saka inayos ang aking pagkakaupo sa couch. He threw a bark of laugh right; as if nothing in him was hurt. I mean, he's bleeding blood. How can he beam so sweetly like he couldn’t feel the pain and just numbness.
"The sexiest and hottest wall I've ever met." He winked.
Napailing na lamang ako at nauna nang bumaba. It's past 7 in the evening and I haven't eaten breakfast, lunch and even a snack. I just can't feel hungry at all.
Ganito yata talaga kapag nasaktan ka na. Sa lahat ng bagay ay namamahid ka. You'll feel tiredness in loving, caring, you'll get tired of everything. And won't have the power to get rid of it in a small matter of time.
Tumungo ako sa kusina at lumapit sa kabinet saka kumuha ng bagong box ng cereal. Binuksan ko rin ang ref at kumuha roon ng gatas. I just feel like eating cereal for tonight, no hard food, no hard bound.
"Are you still mad at me?" he asked. Hindi ko siya sinagot. "Look, I didn't know he was the one who sent me home. Nakatulog ako sa bar at nagising na lamang nung papasok na kami rito. Believe me, I tried to push him away. But I have no strength at all. I was controlled by alcohol."
I rolled my eyes and looked at him frigidly. "Inom pa."
"Vali, please hear me ou—"
"I'm still mad but it's negotiable." Agad na kumunot ang noo niya sa sinabi ko.
"Say it," he said, casually.
"Gawin mo essay ko sa Filipino!"
"Then we're cool na?" I nodded.
"Really?" He almost jump in happiness. Bahagya niya pa akong pinagyuyogyog. I rolled my eyes and left him standing there.
"Sa sobrang tuwa ko, kahit yata gawin ko na lahat ng school works mo hindi ako mapapagod," pahabol na sigaw niya.
"Narinig ko 'yon, Damon." Natawa siya sa sinabi ko.
Inayos ko ang kakainin saka nagtungo sa couch at binuksan ang TV. The whole news was all about the upcoming presidential election debate. Ibinaba ko ang remote at paunti-unting pinapak ang kinakain. Ilang sandali lamang ay umawang ang labi ko nang cartoons na ang pinapanood ko. Worst, it was my little pony. Ibinaling ko ang tingin sa lalaking nakaupo sa aking gilid, aliw na aliw ang tukmol.
"Com'on, Kairus Damien! I'm watching the news! And you're not a kiddo anymore!" asik ko saka amabang aagawin ang remote sa kanya ngunit mas hinigpitan niya pa ang hawak dito.
His eyebrows furrowed. "Com'on, Vali! It's a new episode. I don't wanna miss it! It's my favorite," parang batang aniya. Ang ipinagtataka ko lamang ay bakit sa kay rami-raming cartoons ay my little pony pa.
Right, it was his FAVORITE.
"Ibigay mo na nga sa akin, damulag!!!" Inis na talagang asik ko.
"Shut up, baby! I can't hear what they were saying," muli'y reklamo ng reklamador. "If I miss this, I will be out of track."
"Kuya, hindi ka na bata!" Inis na sigaw ko saka muling sinubukan na abutin ang remote ngunit nabigo ako.
"I'm Mom's baby, I'm your baby!" parang batang paasik na tugon niya habang ang paningin ay hindi man lang iwinawaglit sa TV screen. Amba ko na siyang pagtataasan ng palad nang bigla niyang iniharang ang kamao sa aming pagitan kaya't natigilan ako. "I'm hurt. Don't you dare."
"Akin na kasi! Bakla ka ba?" kunot-noong tanong ko.
His eyes gone smaller, looking right through me, teasingly. "Be careful with what you're saying. Ang huling nagsabi niyan sa isang Piero ay nagdala ng bigat sa tiyan sa loob ng siyam na buwan."
"Eh, gago ka pala!" sigaw ko saka walang pakundangan siyang binatukan. He laugh out loud! I suddenly remember our cousin Travis, who got a girl pregnant because he was pissed by being cat-called biot.
"Babe, are you alright?" Natigilan kaming dalawa ni Damon at napatingin sa may pintuan.
"Ma'am, hindi ho talaga kayo pwedeng pumasok!" Habol-habol siya ng isa naming katulong.
"Aling Paring, sino ho siya?" taas-kilay na tanong ko habang pinapasadahan ng tingin ang kabuuan ng babae. May itsura ang babaeng ito ngunit ngayon ko lang siya nakita. Sa kaniyang pananamit ay hindi malabong galing siya sa maimpluwensiyang pamilya.
"Girlfriend raw po ni Sir Kairus, Ma'am." Napapapikit pa siya na animo'y hinahabol na ang hininga. "Pasensiya na ho, sobrang mapilit kaya hindi ko na po napigilan."
"Ako na 'to, Manang. Salamat." Nakangiting tumalikod si Aling paring at nagtungo sa kusina. "Crystal, what are you doing here?" walang emosyon ngunit may diing tanong ni Damon.
"I was so worried about you babe ko, ih." Naparolyo ako ng mata dahil sa kalandiang namutawi sa tinig niya. "Anong nangyari sa hand mo? Masakit ba?"
"Crystal?" Napatingin sa akin ang dilag at naglahad ng kamay. "You're Crystal, right?"
"Crystal Dawn Entraca," taas-noong pagpapakilala niya. Inabot ko iyon at nginitian siya. "I'm your future Sister in law hihi."
"Ano bang sinasabi mo?" iritadong sabat ni Damon.
I knew it! Isa lang 'to sa flings niya! Hindi ito ang dala niyang babae nung isang hapon. I remember her name, she's Savenne! Ang heiress ng Wrantica. Ngayon nama'y si Crystal na isang Entraca.
"I'm the heiress of Entraca family," nakangiting dagdag niya.
"Collecting stamps, huh?" nang-aasar na baling ko kay Damon.
Ang bilis niyang magpapalit-palit ng girlfriend na para bang nagpapalit lang siya ng kabiyang salawal. Siguro ay anim ang pinagsasabay niya ngayon at wala silang kaide-ideya. Nakaaawang napunta sila sa isang playboy lang.
Lumapit ako kay Damon at bahagyang yumuko. "I'll consider it quits," I whispered.
Inayos ko ang tayo saka inilapag ang cereal sa table. "Hindi ba't si Savvene ang girlfriend mo?" kunwari'y walang alam na tanong ko. Pinandilatan niya naman ako ng mata at ininguso ang babae ngunit nginisian ko lang siya. "Si Savvene 'yung kasama mo nung nakaraan sa Pavillion, 'di ba?"
Kitang-kita ang pagbabago sa ekpresyon ni Crystal. Ang kanina'y puno ng pag-aalala at sigla'ng mukha niya ay napalitan ng pagkamuhi at iritasyon.
"Ano bang pinagsasasabi mo?" Patuloy siya sa ginagawang pagsisindak ngunit hindi ako nagpatinag.
Kinuha ko ang telepono mula sa bulsa at hinanap ang kinuha kong stolen picture nila. Napangisi ako ng mahanap ko 'yon at saka iniharap sa kanila. Para siyang binuhusan ng malamig na yelo dahil sa nakita. Napangisi ako dahil sa wakas ay makagaganti na rin ako sa kabwesitang dinulot niya sa akin.
"Sino si Savvene?" may kataasang tinig na tanong niya kay Damon. "Is she this girl? Bakit kayo magkasama? Ano mo ba siya? Ano ba talaga kayo?" mangiyak-ngiyak na tanong niya.
"She's my—" Natigilan si Damon saka bumuntong hininga. "Girlfriend."
Sa isang kisapmata ay nakatanggap siya ng isang malutong na sampal mula sa kaninang nakakuyom na kamao ni Crystal! Inis nitong hinablot ang sling bag saka lumuluhang tinalikuran kami.
"Why did you do that?" Malalim ang gitla sa noo niya at animo'y kaya akong sapakin kung lalaki man ako.
"Do you think you're a saint? What did they do to deserve you? I mean, you're a piece of s**t who knows nothing but to play with your jar of hearts."
"She's my financial support! God damn it! And stop cursing!"
"Then, she doesn't deserve you. You, user!" Inis na sigaw ko. "At isa pa, ayokong makita ang babaeng 'yon. Hindi ko siya gusto. Masyado siyang clingy at nakaiirita iyon!"
"Ikaw—"
I was saved when my phone suddenly rang. I immediately answered it 'cause the ring tone quite sounds familiar.
"Magtutuos tayo." Tumaas ang sulok ng labi ko nang sabihin niya iyon.
I heard the overflowing music and sound, took over the atmosphere from the other line. "Hello! Vali?!" sigaw ni Xyrene sa kabilang linya.
"Where are you?" Pasigaw na ring tanong ko.
"Nasa bar!"
"Anong ginagawa mo riyan?"
"Nag-ba-basketball," malamya at sarkastikong tugon niya.
"Quit it, psycho!"
"Vali, your voice." Bahagya kong naibaba ang telepono matapos akong punahin ni Mommy nang makababa ito.
"By the way, I like your perfume," nakangiting sabi ko kay Damon. Nakita kong umawang ang labi niya at nabitawan pa ang remote!
Dali-dali akong lumabas ng bahay saka muling pinaringgan si Xyrene sa kabilang linya. "Hey, Val! Are you still there?!"
"Yeah."
"Would you mind joining us?" mababa na ang boses niya matapos humupa ang ingay sa kabilang linya.
I took a deep breath and sighed. "Maybe next time, Xy. May aasikasuhin pa ako," pagdadahilan ko.
"Gan'on ba? Sige," tipid na aniya. "I think you won't hesitate to come if I told you who had just got in town."
"Oh? Si Lee jong suk ba o Hwang in yeop?" nakangising tanong ko. "Just tell me na sila nga ang nariyan at dadayuhin kita kahit nasa impyerno ka pa man ngayon."
"Stop cracking jokes!" I can hear the cheerfulness on her voice.
"Stop waisting my time," sarkastikong pambabara ko. "I'll drop the phone now—" Bago ko pa man maibaba ang tawag ay naputol niya na ang sinasabi ko.
"The son of Mr. Rotulo had returned home!" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Literal na umawang ang labi ko. "Just wanna inform you bt sadly you are too busy that you can't even make time to come."
I can hear pure sarcasm.
"I t-thought he's abroad?"
"Wala na bang karapatang bumalik?" She threw a bark of laugh.
"That's not what I meant," kagat-labing tugon ko.
"Bakit? Natatakot ka na bang muli kang mahulog?" Alam ko ang binibigyang tukoy niya. "Honestly, he's looking for you."
"You're kidding right?"
"Why would I?"
"Who knows if you're just making things to get bac—" hindi ko na nagawang tapusin ang aking sasabihin nang may pumutol nito.
"Hi, Vali!" That manly voice from the other line crept all over my spine. "Miss me, baby?"
That voice. I can't be mistaken.
The voice that seems to be a sweet pleasing melody playing inside my head all along.
He's really back..
What will happen to my once messy life? Would it turn upside down? I'm in a huge dilemma. That’s for sure!