“NILILIGAWAN KA NA ba ng bunso ko?” tanong ni Doña Ximena. Napag-alaman ni Yvony na Ximena ang pangalan ng ina ni Hiro. Pagdating pa lang nila kanina, ipinakilala agad siya ni Hiro rito. Kahit nag-uusap na sila ng ginang, aminado pa rin siya na hindi pa rin nawawala ang kaba niya. Hindi pa niya naramdaman na gusto siya nito. Bagaman wala pa itong ipinakitang kakaiba sa kaniya, pero ayaw niya umasa na gusto siya nito. Kahit nararamdaman niya na mabait ito, hindi pa rin siya puwedeng magpakampante. Mabuti na lang alam niya kung saan siya lulugar. Sa ama ni Hiro, napapansin niya na mabait ito. Nakikita niya iyon sa kilos nito. Katulad ni Hiro, malambing din ito. Nakikita niya kung paano nito lambingin ang apo nito. Napalingon si Yvony kay Hiro na nasa sala bago sinagot si Doña Ximena. “Get

