“ANAK, ANG GWAPONG bata ni Hiro. Mukhang mabait din naman. Magalang din sa amin ng Daddy mo,” sabi ni Erma. Napataas ang kilay ni Yvony. “D-Daddy? A-Anong Daddy ang pinagsasabi mo, Ma?” “Malay mo kayo ang magkakatuluyan ni Hiro. Mukhang mayaman iyon. Magiging mayaman ka rin, anak. Kaya Daddy na ang tawag mo sa Papa mo.” Nahalakhak sila buong pamilya maliban kay Ylo na nakakunot lang ang noo na nakikinig sa kanila. Nasa sala lang silang lahat at nagkukuwentuhan. Kakauwi lang din ni Hiro at masaya itong nagpakilala sa mga magulang niya. Masaya siya na sa ugaling ipinakita nito sa mga magulang niya, nagustuhan ito ng ina at ama niya. Napalingon si Yvony sa bunsong kapatid at kinurot ang pisngi nito. “Ma, mukhang nainis si Ylo sa sinabi mo. Bunso, nagbibiro lang naman si Mama. Ikaw talagan

