Sa loob pa lang ng sasakyan ay ipinamigay na niya sa mga kasama ang mga sorpresang regalo para sa mga ito. Mabilis niyang iniba ang mood mula sa pagkakasimangot sa kakikita pa lang na lalaki kanina. Masaya siya nang makita ang reaksyon ng kanyang tatay, kapatid at ninang sa mamahaling alahas na ibinigay niya sa mga ito. Patuloy silang nagkwentuhan habang nagbibyahe pero hindi niya maalis ang mukha ng lalaking iyon sa kanyang isipan. Mahigit isang oras rin nang makarating sila sa kanilang bahay. Pagpasok pa lang doon ay tila bumalik ulit sa kanyang isipan ang mga alaala ng lumipas na tini-treasure nila ng kanyang nanay at ate. Hindi niya alam kung anong mararamdaman noong oras na iyon. She’s having mixed emotions. Wala pa ring nagbabago sa bahay nila pwera lang sa nagkaroon na ito ng air c

