“That one, I want that one,” itinuro ni Emerald ang isang necklace na pangbata na nasa loob ng de-salaming estante habang namimili ng kung anong magandang style ng kwintas para sa anak na si Amber. Napagpasyahan niyang sumaglit muna sa isang jewelry store na malapit lang sa pinagkainan nilang restaurant. Ang mga kasama ay nakikipaglaro kay Amber sa isang maliit na palaruan na pangbata sa di rin kalayuan. Matagal na niyang gustong bilhan ang bata ng alahas pero dahil masyado pang bata ito noong isang taon ay ipinagpaliban niya muna ang pagbili ng mga bagay na iyon para sa anak. At ngayong malapit na itong mag-apat na taon at marunong nang magpahalaga ng isang bagay kahit papaano ay naisip niyang this is the best time na bilhan ng one set earrings, bracelet and necklace ang bata. Kin

