Sa sumunod na isang taon ay lalong naging mahina si Ricky. At gaya ng sinabi ng doktor, unti unti na rin na lumabo ang paningin nito. Madalas na rin itong nawawalan ng balanse kaya nagdesisyon na rin siya na gumamit ito ng wheelchair para hindi mapaano kapag magpumilit na kumilos mag-isa. That way wala din itong choice kung hindi umasa sa kanya para masigurado niyang safe ang asawa sa lahat ng ginagawa. That way rin ay mas madadalas ang paglabas labas nito kahit sa likod lang ng kanilang bahay. Napansin niya rin ang pag-iiba ng ugali ng asawa. Naging iritable ito at mabilis magalit. Isang bagay na nagpahirap rin sa sitwasyon niya dahil pwera pa sa kailangan niyang alagaan at bantayan ang kanyang anak ay kailangan niya ring asikasuhin ito. Sa mga unang buwang nakalipas ay nakatulong nam

