Nabitawan niya ang mga hawak na gamit pang gardening nang marinig niya ang pagsigaw ni Ricky sa loob ng kanilang bahay noong hapong iyon. Abala siya noong itinatanim ang kabibili pa lang na mga halaman pandagdag dekorasyon sa kanyang flowery plant collection. Ingat man sa pagkilos dahil sa malaki na ang tyan, nagmamadali pa rin siyang tumakbo papasok sa loob ng bahay para alamin kung ano ang dahilan ng pagsigaw na iyon na tila humihingi ng tulong na asawa. She hurriedly looked for Ricky nang madatnan niya itong nakalugmok sa sahig ng kusina, namimilipit sa sakit habang sapo ang ulo na iniuuntog pa sa pintuan ng pang-ibabang cabinet nila sa kusina. "Masakit na naman ba? Did you take your medicine?" taranta niyang tanong sa asawa nang lapitan ito. "Aàaaa! I can't handle the pain!" sigaw

