Sa mga nagdaang araw ay naging mas aligaga pa siya sa maraming bagay. Bukod sa trabaho sa office, paminsan minsan ay bumibisita siya sa kaibigan sa ospital na according kay Mamu na siyang madalas magbantay kay Krystal ay bumubuti na daw ang kalagayan nito. Ngunit ang hindi magandang balita ay ang patuloy na kakikitaan ito ng depression mula sa nangyari dito. Hindi pa rin ito makausap ng maayos. At may mga napapansin din sila na hindi kaaya ayang ikinikilos nito gaya nang pagsasalita mag-isa at ang madalas na pag-iiba iba ng emosyon. There are times na bigla nalang itong iiyak at tatawa. The doctor said Krystal is undergoing emotional and intellectual trauma na kapag hindi maagapan ay magtutuloy tuloy sa pagkabaliw ng babae. Sa tuwing maiisip niya ang kaibigan ay hindi pa rin siya makapan

