Busy siya sa trabaho isang umaga nang tumawag si Mamu sa kanyang cellphone. Ipinaalam nito sa kanya na pumunta si Gold Salazar sa apartment na tinitirahan ng mga dancers para hanapin siya. Kinabahan siya bigla. Hindi pa man siya nakakausap ng matagal ng lalaki ay sinimulan na agad siya nitong hagilapin? Ibang klase talaga ang lalaking iyon. Mabuti na lang at walang masyadong nakakaalam kung saan siya nakatira kung hindi malilintikan siya sa kanyang ama. Ayaw niya na malaman nito na ang lalaking dahilan ng pagpapakamatay ng kanyang kapatid ay siyang lalaking nagsisimulang umalialigid na sa kanya. Mapupurnada ang mga balak niya kung magkataon. Kailangan niyang paalalahanan ang lahat sa isa pang golden rule ng club. Ang walang makakaalam na costumer ng club tungkol sa private information ng m

