The Plan

2049 Words
Hindi na makausap pagkatapos ng tagpong iyon si Krystal. Palagi na lang itong nakatulala at kung hindi naman ay umiiyak. Sinubukan nilang kausapin ito at aliwin para makapag kwento ito ng kahit konti tungkol sa masamang karanasan nito ngunit nanatiling tiim nito. Katunayan ay pati sa pagkain nito ay kailangan pa itong subuan para lang makakain at makainom ng tubig. Sa nararanasan ngayon ng kaibigan pati si Emerald ay naapektuhan na rin. Hindi ito nakakapag-concentrate sa pagtatrabaho. Sa madalas na pagpupuyat para lang makapagbantay sa kaibigan ay hindi na nito nagagawa ng maayos ang mga kailangang asikasuhin sa opisina. Ang lubos talagang inaalala nila ay magaya rin ang kaso nito sa kanyang kapatid na naibasura din dahil sa kawalan ng ebidensya. Isang bagay na hindi patas para sa kanila. Sila na nagdusa sa ginawang kasamaan ng taong iyon samantalang ang gumawa noon ay nakakapamuhay pa ng normal at may posibilidad pa na mangbiktima ulit. Mula sa ilang araw na audition na naganap para sa paghahanap ng magiging star of the night ay at last may napili na sila na sumayaw ulit sa itaas ng entablado. Sa araw na iyon ng Biyernes ay agad nilang isinabak ang bagong hired na star of the night na galing pa ng Maynila. Lumakas ulit ang strip club, napuno ulit ang mga upuan at sa ilang nagdaan pang mga linggo ay naging busy pa ang establisyementong ito. Dati nang nagtatrabaho sa Japan bilang entertainer ang nakuhang bagong star of the night kaya gamay na nito ang lahat ng paggalaw at pang-aakit sa mga manunuod. At dahil doon ay hindi na sila nahirapang sanayin ito dahil sa kung baga bihasa na ito sa mga ganoong trabaho. Dumaan ulit ang Biyernes ng gabi, lumabas sa entablado ang bagong mananayaw ng club. Nabuhay ulit ang mga hiyawan, sipulan at palakpakan sa loob ng establisyementong iyon. Mula sa madilim na parte ng club ay pinagmamasdan lang ni Emerald ang halos lahat ng customer na nakikita ng mga mata. Napako ang atensyon nito sa mga lalaking halos magkandahaba ang mga leeg at manlaki ang mga mata sa nakitang dahan dahang paghuhubad ng baguhang mananayaw sa ibabaw ng entablado. Napangiti siya sa reaksyon ng mga ito, ngunit saglit lang ay nag-iba rin ang timpla ng kanyang mukha ng makita ang taong pagkatapos ng ilang linggo ay sumulpot ulit sa club na iyon. Si Gold Salazar. Nangingiti ngiti pa ang lalaki habang titig na titig sa ginagawang paggiling ng katawan ng pinapanood na babaeng nasa itaas ng entablado. Naningkit ang kanyang mga mata sa umusbong na galit sa kanyang dibdib nang makita ang lalaking iyon. Sa inis ay agad niyang hinanap si Mamu na natagpuan naman niya sa kabilang gilid ng club, nanonood din at pinagmamasdan ang bagong hired na dancer. “Ninang, bakit mo pa pinapayagan na magpabalik balik ulit dito ang lalaking iyan!” itinuro nito sa pamamagitan ng tingin ang lalaking tinutukoy. Nahanap naman agad ni Mamu ang lalaking pinukulan ng tingin ni Emerald. “Wala tayong rights na huwag siyang papasukin dito. Wala pa naman tayong ebidensya na siya ang gumawa noon kay Krystal,” inilapit nito ang bibig sa tenga ng dalaga para walang makarinig sa pinag-uusapan ng mga ito. “Pero Ninang, sino pa ba ang gagawa noon eh siya lang naman ang lalaking sinamahan ni Krystal? Kaya nga umalis dito si Krystal dahil sa lalaking iyan,” nanggagalaiting saad nito. “Oo, pero wala tayong sapat na ebidensya na siya ang nang-rape kay Krystal,” sambit pa nito. “Hayaan mo muna. Ang totoo ay ipina-blotter ko na sa barangay ang nangyari kay Krystal. Alam na rin ng mga pulis ang tungkol doon. Pero ang gusto nilang marinig ay ang panig ni Krystal.” “Paano makakapag file ng complaint si Krystal eh until now hindi pa rin siya makausap ng maayos?” reklamo na rin nito. “Iyon na nga. Maghintay lang tayo. As of now, ok lang na manood ulit dito si Gold as long as hindi siya manggugulo. Siguro naman ay magtatanda na ang mga dancers natin at wala nang magpapaloko sa lalaking iyan,” may pagdidiin ang huling salitang binitawan nito. Tutol man sa desisyon ng kanyang ninang sa patuloy na pagpapapasok sa lugar na iyon ng lalaking kinamumuhian ay isang matalim na tingin na lang ang ipinukol niya dito. Maya maya pa ay biglang nagkagulo ang mga manunuod nang may marinig silang isang malakas na kalabog mula sa itaas ng entablado. Nakita nila na nakasalampak na ang star of the night sa sahig ng stage, inda inda ang kaliwa nitong paa. Halos lahat ng mga dancers ay napasugod dito upang tulungan itong makatayo ngunit tila nagka-injury ito kaya hindi na maipagpatuloy ang pagsasayaw. Mabilis na dinala ito sa ospital ng makitang namimilipit sa sakit ang babae. Napag-alaman nila na nag-dislocate ang buto nito sa kaliwang paa. Sa kabila ng nangyari ay ipinagpatuloy ng ibang dancers ang pagsasayaw hanggang sa matapos ang presentasyon nila noong gabing iyon. “Kung minamalas ka nga naman talaga,” sabi ni Mamu nang makabalik na sa club pagkatapos ihatid ang na-injury na bagong dancer sa apartment na tinutuluyan nito kasama ang lahat ng mga dancers. “Kamusta Ninang? Ok na ba si Grace?” tanong ni Emerald pagkadating nito. Ang tinutukoy nito sa pangalang nabanggit ay ang bagong dancer na naaksidente kanina. “Ok naman na. Sinigurado kong nagpapahinga na bago ko iniwan sa kuwarto niya. She had a dislocated ankle, so hindi siya makakasayaw ng isang buwan,” malungkot ang pagkakasabing iyon ng bakla. “Huh? Eh, sino ulit ang magiging star of the night natin niyan? ” “Iyan din ang tanong ko sa sarili ko kanina pa,” paulit ulit na iling nitong sambit. Sumaklaw ang katahimikan sa kanilang dalawa. “How about me ninang? Pwede ba ako?” tanong niya dito na binigyan ng matamis na ngiti ang kausap. Hindi naman iyon sineryoso ni Mamu. “Emerald please, masakit ang ulo ko, ayoko munang makipagbiruan sa iyo ngayon,” isinandal nito ang likod sa sandalan ng office chair at ipinikit ang mga mata na tila sinusubukang mag-relax sandali. “I’m not joking. Seryoso ako ninang!” may pagtaas ng boses na sambit nito. Napamulat ng mga mata ang kinakausap at napatingin sa kanya. “Em, I know magaling ka rin sumayaw, sexy ka at maganda ka rin pero gaya nga ng sinabi ko dati, hindi kita pinagtapos ng pag-aaral para lang sumayaw ng nakahubad sa stage,” seryoso na nitong turan pagkatapos hagurin ng tingin ang kabuuan ng inaanak. “So, sinong gagawin mong star of the night tomorrow, aber? Hahanap ulit tayo ng bagong dancer eh, wala ng time?” pinameywangan niya ang baklang ninang. Nanahimik si Mamu sandali tila pinoproseso pa sa utak nito ang gustong gawin ng inaanak. “Are you really serious Emerald?” pinandilatan na nito ng mata ang dalaga. “I am serious. Isa pa kabisado ko na rin naman ang mga sayaw nila. I just need to practice more," pagkukumbinsi niya pa dito. “I know, pero kaya mong maghubad? Ni hindi pa nga kita nakitang magsuot ng swimsuit diyan, maghubad pa kaya?” Siya naman ang natahimik sa sinabi nito. Oo nga naman, tama nga naman ito. Ilang siya kapag nakakapagsuot ng medyo sexy na kita ang singit na damit, ang maghubad pa kaya sa harapan ng maraming tao na karamihan pa ay mga kalalakihan? “I can try!” sagot niya pagkatapos ng malalim na buntong hininga. “No Em! I don't like that answer. Hindi ka pwedeng huminto at mag-backout once nasa itaas ka na ng stage. Alam mo iyan!” itinaas nito ang isang kilay sa pagsasabing iyon. “Ninang, trust me. Kelan pa ba ako umatras sa isang bagay na gusto kong gawin?” sagot niya. “Kakapalan ko na lang ang mukha ko at palalakasin ko na lang ang loob ko. Kung kaya nila, kaya ko rin noh! Tititigan lang naman nila ako, hindi naman nila ako mahahawakan. I know I can do it!" pangungumbinsi niyang sambit. Napatayo si Mamu at pinakatitigan ang inaanak mula ulo hanggang paa. Pinaikot pa nito ang dalaga sa harapan nito para makita ang porma ng katawan nito na noon ay nakapagpalit na ng skinny jeans at medyo kita sa pusod na t-shirt mula sa suot na uniporme kanina. Parang kelan lang ng simulang magdalaga si Emerald. Ito pa ang nagturo ng ibang kalandian dito noon. Ngayon iba na si Emerald. Kung maganda na ito dati ay mas gumanda pa ito lalo na nang makapagtrabaho bilang isang company secretary. Mas na-boost ang confidence nito. “Teka, kelan ka pa natutong magsuot ng t-back?” pinandilatan nito ang dalaga nang mapansin ang suot nitong underwear nang mag-bend down ito ng konti. Natawa naman si Emerald sa biglaang tanong nito. “Ninang, pati ba naman iyan kailangan mo pang itanong?” Umiling iling ito. “No! I’m sure makakahanap din tayo soon ng bagong dancer,” saad nito na ibinalik ulit ang usapan kanina. “Kelan? Eh bukas na natin kailangan?” pinameywangan ni Em ang kausap. Natahimik ulit ito. “Ninang, trust me, kahit bukas lang. Wala namang masyadong nakakakilala sa akin dito, pwera lang sa mga dancers and employers natin sa loob ng club. Kahit nga mga ka-workmate ko sa office walang alam na nagtatrabaho ako sa Dare to Bare Strip Club eh. Isang araw lang, makaraos lang tayo bukas ng gabi then hanap na ulit tayo ng star of the night!” pangungumbinsi ulit nito. “Ikaw bata ka, bakit ba nagpupumilit ka na maging strip dancer huh? Don’t tell me gusto mo na talagang sundan ang yapak ng ate mo dati pa kaya mo kinakabisado ang mga step ng mga dancers natin?” pinandilatan ulit nito ng mga mata ang inaanak. “Ninang naman. Maghihirap pa ba ako magsunog ng kilay ko para lang makapagtapos ng pag-aaral kung sa ganitong job lang din ang kababagsakan ko?” Napabuntong hininga ito. “Em, alam mong malalagot tayo sa tatay mo kapag pumayag ako,” may pag-aalinlangan pa nitong sagot. “Then we will not let him know. As simple as that!” kibit balikat niya. “Paano? Mabilis kumalat ang balita dito lalo na kapag may bagong kinahuhumalingang dancer dito.” Lumabi siya. “We will figure out what to do. Sa ngayon, I wanna know your final answer. Is it a yes, or a no? Tandaan mo Ninang wala ka ng choice!” paalala pa nito na ikinibot ang gilid ng labi pagkatapos. Natahimik ang bakla na tila nag-isip ulit ng malalim. Pagkatapos ng ilang minutong pananahimik nito, papilit man ay nakita niya ang paulit ulit na pagtango ng kaharap. Sumilay sa mukha niya ang makahulugang ngiti. Eto na ang simula ng binabalak niyang paghihiganti na medyo matagal na rin niyang pinag-iisipan. Kanina lang nabuo sa isip niya ang bagay na ito nang makita ulit doon si Gold Salazar. Tutal naman ay bumalik ulit ito sa panonood sa club ay sasamantalahin niya na ang pagkakataon. Aakitin niya ito at sisiguraduhing mahuhumaling ito sa kanya. Paiibigin niya ito pero hinding hindi mangyayari na iibig siya dito. Gagawin niya ang lahat para maipaghiganti ang kanyang ate, ang nanay at ang kasalukuyang biktima nito ngayon na matalik na kaibigan. Sisiguraduhin niya na iiyak din si Gold, at mararamdaman nito ang mga sakit sa dibdib na naramdaman ng mga babaeng nabiktima nito. She will make sure Gold will go crazy for her. She will make sure Gold will suffer. Kinabukasan ay maaga silang pumunta sa club para makapag praktis ng sayaw. Nandoon din si Grace na kahit na naka wheelchair ay tinuturuan pa rin siyang gumalaw ng maayos na parang professional strip dancer. Bawat movement ng balikat at ng balakang ay ini-enumerate nito. Bawat pagpilantik ng mga kamay at paglakad ng mga paa ay dapat perpekto. Ang paglingon ng mukha at pag-project ay hindi rin pinalagpas ni Grace na matutunan nito. Lahat inaral ni Emerald. She realized hindi pala madali ang maging isang strip dancer pero willing siyang matuto. Kung hindi man kumagat sa plano niyang ito si Gold ay tsaka na siya mag-iisip pa ng panibagong plano. Sa ngayon her decision is final. Kinakabahan man para sa gagawing single performance mamaya, she will make sure Gold’s attention will focus on her, only her.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD