“Ladies and gentlemen …..Malaya, featuring Razor!” Iyon ang umalingawngaw sa buong club noong gabing iyon ng Sabado. Bumukas ang mga ilaw na spotlight ng club at itinutok sa dalawang taong magkaharap na nakatayo sa taas ng entablado. Nakapaloob sila sa gitna ng tila isang mababa at malaking palanggana. Napatayo ang ibang manunuod sa interes na makita kung ano ang props na kinapapalooban ng dalawa sa entablado. Ang iba ay napatayo para maaninag kung sino ang kasama ni Malaya sa stage na siyang nakatalikod sa audiences. Kabilang na dito si Gold na nakakunot ang noo habang nakatunghay sa mga ito. Nakaupo ito sa upuang palaging inookupa na nasa harapan mismo ng entablado. Sa Dare to Bare Strip Club history, ngayon lang ito nag-imbita ng isang male dancer. Kung kaya naman pinanabikan an

