Pagkagising ni Emerald ay nagtanghalian lang ito at gumayak na ulit para lumabas. Pupuntahan niya si Krystal ngayong araw. Ang sabi ni Mamu ay nakalabas na daw ito at kasalukuyan ng nasa apartment na nirerentahan ni Mamu para dito. Kinuhanan nito sina Krystal at ang lola nito ng apartment na nakabukod sa ibang dancers para may privacy at katahimikan ang paligid ng dalaga. Hindi rin naman kalayuan iyon sa bahay ng mga dancers kaya anytime ay pwede ng mga itong dalaw dalawin si Krystal na makabubuti rin naman sa kalagayan ng dalaga ngayon. She bought fruits at mga miryenda para sa pasalubong kay Krystal. Mahirap ang kalagayan ng maglola ngayon, although kaya pa ng lola nito na kumilos kilos at alagaan ang apo, matanda na rin ito at kailangan na rin ng may taong mag-aalaga na sana ay ginagaw

