Chapter 14: Undress Me

1947 Words
Mag-isa ako ngayon sa bahay. Sabi ni Lester ay may pupuntahan sila ni Tim. Importante raw kaya maaga silang umalis. Ako na naman ang naiwan sa bahay. Wala akong ibang ginawa buong maghapon maliban sa pagbabasa. Tumawag sa akin si tita sabi niya ay pwede na namin pag-usapan ang tungkol sa itatayo na café kasi hindi na raw siya busy. Wala na raw siyang ibang ginagawa kaya gusto niya na simulan na namin ang pagtayo ng café. Wala akong pera pero sabi niya ay huwag na raw akong mag-alala. Kinausap niya na raw si Tim at si Tim na ang bahala sa lahat. Kailan niya kaya kinausap si Tim? Bakit hindi ko alam? Ilang araw na rin ang nagdaan mula noong nahimatay ako. Palagi lang akong nasa bahay. Nagpapaiwan lang ako palagi kapag may lakad ang dalawa kasi hindi rin naman nila ako sinasama. Ang tanging kasama ko lang ay si Angela. Sabi niya sa akin ay hindi Angela ang pangalan niya pero iyon pa rin ang gusto kong itawag sa kaniya. “Gusto niyo po ba sumama sa akin mamaya bumili ng groceries, ma’am? Para naman po hindi kayo masyadong ma-bored dito sa bahay,” sabi ni Angela. Naglilinis siya ng room ko. Hindi naman madumi pero sabi niya ay kailangan daw linisan dahil iyon ang trabaho nila. “Really? Pwede ako sumama?” excited kong tanong. “Oo naman po. Dalawa po kami ang nakatuka sa grocery ngayon kaya lang ay may sakit iyong isang kasama ko sana kaya ako lang mag-isa,” sabi niya sa akin. Paulit-ulit akong tumango sa kaniya na parang bata. Hindi ko pa kailanman naranasan mag-grocery. Hindi naman kasi ako pinapalabas madalas ni tito noon kapag hindi importante ang gagawin ko. Palagi lang din ako umuutang noon sa tindahan ni Aling Myrna kaya hindi ko pa talaga ang mga ganiyang bagay. “Maligo na po kayo. Malapit na po kasi akong matapos. Pagkatapos ko po rito ay aalis din agad tayo,” sabi ni Angela. Mabilis akong tumayo mula sa pagka-upo ko sa sofa. Iyong vanity mirror na lang sa room ko ang nililinisan niya. Tapos na siya sa ibang bahagi ng room. Nakaligo naman na ako pero kahit wala akong ginagawa ay parang ang lagkit ng katawan ko. Nanonood lang naman ako kay Angela na maglinis. Hindi rin naman maalikabok pero malagkit ang katawan ko. Mabilis ang naging kilos ko dahil excited ako na lumabas ng bahay kasama si Angela. Wala pang isang oras ay tapos na kaming dalawa na maghanda. May isang driver na naghihintay sa amin sa labas. “Kumuha lang po kayo ng gusto niyo, ma’am.” “I will pay for my own,” nakangiting sabi ko kay Angela. Alam kong budget na iyong pera na gagamitin niya para sa grocery. May pera naman ako rito. Iniwanan ako ni Tim ng card lalo na noong madalas silang lumabas ni Lester. “Iiwan na lang po kita para makapamili na po kayo.” Naghiwalay na kami ni Angela para bumili na rin ako ng mga gusto kong bilhin. Sa totoo lang ay wala naman talaga akong bibilhin. Kung mga damit kasi ay mayroon naman sa bahay. Lahat naman ay nasa bahay. Ayaw ko rin bumili ng mga libro dahil madami pa akong hindi nabubuksan. Madami pa ang librong hindi ko nababasa noong bumili kami ni tita. Gamit ko nga pala ngayon ang bag na binili niya sa akin kasi bagay sa outfit ko. Isang mahabang dress ang suot ko ngayon na kulay itim. Lagpas iyon sa tuhod ko at ang sleeves naman niya ay hanggang siko ko kaya nagustuhan ko ang damit. Hindi masyadong kita ang balat ko. Wala naman na akong tinatago kasi wala naman na akong pasa. Gusto ko lang na komportable ang susuotin kong damit. Halos dalawang oras din kami sa grocery. Natagalan kami kahit na tinulungan ko na si Angela sa mga nakalistang bibilhin niya. Sobrang dami kasi dahil bumili rin siya ng grocery nila kaya ibutan kami nang mahigit dalawang oras. Habang pinapalagay namin ang mga pinamili namin sa sasakyan ay kumain muna kami ni Angela. Naiwan ko nga pala ang phone ko kanina sa kamamadali. Wala naman din tatawag doon maliban kay tita. Siya lang kasi ang tumatawag sa akin. “Medyo gabi na po. Baka hinahanap ka na ni Sir Tim, ma’am.” “He won’t be looking for me. At saka busy rin sila ni Lester,” sabi ko kay Angela na medyo nag-aalala na. Bakas sa mukha niya ang takot pero nginitian ko lang siya. Ngayon lang din naman din ako nakalabas. “Tapos na raw po nilang ilagay ang mga groceries natin.” “We will go home once I finish this,” sabi ko sa kaniya. Malapit ko na naman maubos ang ice cream ko. Sayang din kasi kung iiwan namin. Tapos na siya dahil nga takot siya baka magalit daw si Tim dahil natagalan kami. Sana raw ay hindi na lang niya ako sinama baka pagalitan raw ako. Bago ko pa matapos ang kinakain kong ice cream ay nanlaki ang mata ko nang maaninag ang katawan ni Tim at Lester na papalapit sa amin. “A-anong ginagawa niyo rito? What a coincidence!” sabi ko sa dalawa. Napatayo si Angela at takot na tumingin sa dalawa. “What do you think you are doing?” kalmadong tanong ni Tim pero alam kong pinipigilan niya lang ang galit niya. “Sinamahan ko lang si…” Hindi ko masabi ang pangalan ni Angela kasi hindi naman iyon ang pangalan niya. Ano nga ba ang totoo niyang pangalan? “I was bored. I’ve got nothing to do kaya sumama ako. May binili rin akong mga gamit ko,” paliwanag ko kay Tim. Wala naman talaga akong binili pero hindi naman niya iyon malalaman. “Sorry po, Sir Tim---” “You don’t need to apologize. I was the one who insisted,” putol ko sa sasabihin ni Angela. Wala naman siyang kasalanan. “Let’s go home.” “Wait lang… Hindi ko pa kasi tapos ang ice cream ko. Sayang din---” “I don’t care about that fvcking ice cream of yours. Let’s go home,” may pagtitimpi na sabi sa akin ni Tim. Sabi ko nga uuwi na kami. I took one last bite bago lumapit sa kaniya. Lumapit lang ako para maramdaman niya na nasa tabi na niya ako at uuwi na kami. Ayaw ko siyang hawakan at baka magalit na naman siya. Hawak naman siya ni Lester. “Sa isang sasakyan na lang ako. Walang kasama si---” “You are coming with us,” putol ni Tim sa akin. Pangalawang beses na niyang pinuputol ang sasabihin ko. Wala man lang ba siyang respeto? Sabagay… masama naman talaga ang ugali niya. Tumingin ako kay Lester. Naghahanap ng kakampi dahil ayaw kong iwanan si Angela mag-isa roon. Kami ang magkasama kanina kaya dapat ay kami rin ang sabay na uuwi. “The other car is full. Madami ang groceries kaya hindi na kayo magkasya,” sabi sa akin ni Lester. Wala nga akong kakampi rito. Tumango ako sa kaniya at naupo na lang nang maayos. Magkatabi kami ni Tim sa likod. Si Lester ay nasa unahan, katabi ang driver. Tahimik lang ako dahil nag-uusap ang dalawa. “Get me water,” biglang sabi ni Tim sa gitna ng usapan nilang dalawa. Ako ba ang inuutusan niya? Malamang sa malamang… ako lang naman ang katabi niya. Kumuha ako ng tubig na nasa harapan ko. Bottled water ito kaya binuksan ko muna bago ko binigay sa kaniya. At sa kasamaang palad ay nagkamali pa. “Sorry… sorry…” sabi ko nang napunta sa kaniya ang tubig. Napisil ko nang malakas kasi hindi ko mabuksan. Kaya nang natanggal na ang takip ay napunta sa kaniya ang kamalasan. Mabilis na pumreno ang driver nagulat ako at mas lalo lang lumala ang sitwasyon. “Sorry… sorry… sorry… hindi ko sinasadya,” sabi ko sabay punas sa kaniyang katawan gamit ang kamay ko na basa rin kaya mas lalo lang siyang naligo sa tubig. Shet! “Stop! You are just making it worse,” sabi ni Tim. Tumingin ako kay Lester. Nanghihingi ng tulong baka pa tuluyang magalit si Tim. Nagkibit balikat lang ito sa akin. “He has an extra shirt at the back. You can change his clothes before he gets mad,” pananakot pa lalo nito sa akin. Hinanap ko ang sinasabi niyang extra shirt at nakita ko nga kaya lang ay iyon ang tanging nandoon. Wala ng iba. Paano naman ang pang-ibaba niyang damit? Basa rin kasi iyon. “We are going to buy snacks while you change his clothes,” paalam ni Lester at lumabas ng sasakyan. Naguguluhang sumunod naman sa kaniya ang driver na kasama namin kaya ang naiwan na lang ay kami ni Tim. “Uhm… I am going to c-change your clothes,” sabi ko sa kaniya. “Make it fast,” galit na utos nito sa akin. Hindi ba pwedeng siya na lang ang magbihis? Kaya naman niya hindi ba? Bakit ako pa ang inutusan ni Lester? Ang awkward lalo na at kami lang dalawa ang nasa loob ng sasakyan. Wala naman kaming gagawing kakaiba pero kasi… Pumikit ako at huminga nang malalim bago tumingin sa kaniya. Wala pa rin siyang imik at naghihintay lang na bihisan ko siya. Oh heto na… bibihisan na… Ramdam ko ang panginginig ng kamay ko kahit na hindi pa ito nakalapat sa damit niya. “What are you still waiting for? I am cold, Shantelle. Make it fast. Undress me now,” galit na sabi nito sa akin. Undress? Anong undress? Paano ko naman mapapabilis ang kilos ko? Kinakabahan nga ako baka kung ano ang mahawakan ko. Napapikit ako nang maalala na naman ang nangyari noong bakasyon namin na nakita ko siyang hubo at hubad. Erase… erase… erase… “What are you waiting for? Don’t tell me you haven’t seen a man’s body. I am sure you have touched it or worse---” “Tahimik…” sabi ko sa kaniya at inumpisahan ko na siyang hubaran. Medyo nanginginig pa rin ang kamay ko pero hindi na gaano. Napalitan na ng galit ang nararamdaman ko. Alam ko na agad kung ano ang ibig niyang sabihin. Iyon din naman kasi ang narinig ko sa mga kasambahay kaya malamang ay alam niya ang tungkol doon. "What? Are you mad? I was just stating the truth," sabi nito nang matapos kong hubarin ang damit sa katawan niya. Maganda ang katawan niya siguro ay batak siya sa gym noong hindi pa siya nawalan ng paningin. "You don't even know the truth," sabi ko. Sinuot ko na sa kaniya ang damit na nakita ko. Inayos ko ang damit niya pagkatapos dahil medyo lukot-lukot ito. Nakaupo kasi siya. "Then... Tell me about the truth." Hindi ko siya pinansin at padabog na binigay sa kaniya ang tubig na hiningi niya kanina. Halos wala na iyong laman. Tama lang din pala na natapon sa kaniya ang laman dahil ang sama ng ugali niya. "How about my pants?" tanong nito sa akin. "If you want to show off your body. Eh hindi sana sinabi mo. Hinubaran na lang sana kita para hindi na ako mahirapan," galit kong sabi sa kaniya. Bakit naman niya ipapahubad ang pants niya? Wala nga siyang pamalit. "Are you jealous that other girls might see me naked?" "Jealous your face." "Don't worry, Shantelle. They can only look but they can never touch me like you do," mapang-akit ang boses niya nang sabihin niya iyon. Ano? "Kapal ng mukha. I don't even want to touch you. You are so gross." Natawa lang ito sa sinabi ko. "Hmm... Let's see about that later."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD