Chapter 13: Tim's Fault

1919 Words
Nanginginig ako sa takot. Oo, palaging galit sa akin si Sir Tim pero kanina ko pa siya nakitang galit na galit talaga. Hindi ko alam kung ano ang dahilan. Hindi na ako nakapaglinis sa nabasag ko dahil pinaalis na niya ako. Kaya heto ako ngayon nagmumukmok dahil hindi ako alam ang gagawin ko. Baka palayasin na niya ako dahil ayaw niya sa akin. Ayaw niya sa pakialamerang tulad ko. Hindi ko naman sinasadya na makita ang laman ng drawer niya. Blower lang naman sana ang hahanapin ko. Wala naman akong ideya na bawal pala tingnan iyon. Hindi ko rin alam kung ano ang nabasag ko pero alam kong importante iyon sa kaniya dahil sa galit niya sa akin nang marinig ang pagbagsak ng bagay na iyon. Hindi pa ako nakaligo dahil sa sobrang pag-alala ko sa sitwasyon ngayon. Hindi ko alam kung tama ba na umalis ako para hayaan siyang mapag-isa o hindi kasi may mga bubog doon at baka maapakan niya. Sa huli ay nagtawag ako ng kasambahay para puntahan ang room ni Tim. Para tulungan siya na maglinis doon. Alam kong ramdam nila ang takot ko dahil sa boses ko pero hindi sila nagtanong pa. Sumunod lang sila sa utos ko. Halos isang oras akong nasa banyo. May tumawag sa aking kasambahay para bumaba at kumain pero busog pa ako. Ayaw kong kumain muna baka makasabay ko si Tim. Galit na galit iyon. Nang umaga ay bumaba na ako para gawin ang madalas ko nang ginagawa. Nagtimpla ako ng kape para kay Tim. Inutusan ko ang kasambahay na ibigay kay Tim ang kape nang makababa ito. Gumamit siya ng elevator at hawak niya sa kamay niya ang stick. Mag-isa lang siya. Hindi maaliwalas ang mukha niya. Alam mong may nangyari talaga kahapon na hindi niya nagustuhan. "Sasabihin ko po ba na ikaw ang may gawa?" Agad akong umiling sa tanong ng kasambahay. "Don't say my name. Baka hindi niya iyan iinumin. Masasayang lang," sabi ko naman. Kahit hindi ko sabihin ay parang alam nila na may away kami ni Tim. Kung sa normal na araw ay ako ang nagbibigay ng kape pero ngayon hindi ko kaya. Nakatingin ako sa kasambahay na naglakad palabas ng kusina para ibigay kay Tim ang kape. Nakaupo na si Tim sa mesa. Hindi ko na siya hinintay na matapos inumin ang kape niya na gawa ko. Walang tunog na umakyat ako sa itaas. Hindi pa rin naman ako nagugutom. Mamaya na lang ako kakain kapag tapos na siya. Babalik na rin naman siguro si Lester mamaya. Hindi pa ako nakaakyat ay narinig ko agad ang pagbigkas niya sa pangalan ko. “Better throw this waste, Shantelle,” sabi nito sa akin. Mahimigan mo sa boses niya ang lamig at ang galit niya sa akin. Shantelle… pangalawang beses niya pa lang akong tinawag sa pangalan ko. Hindi ako umimik. Ayaw kong kompirmahin sa kaniya na nandito ako. “Hindi po si Ma’am ang gumawa niyan, Sir Tim,” sabi naman ng kasambahay na medyo napalapit na sa akin. Siya iyong palaging nagbibigay ng gatas sa akin tuwing gabi. “Then… I am leaving,” sabi niya. Bakit? Hindi ba masarap ang ginawa ko? Hindi niya pa nga iyon natitikman eh. At saka palagi naman siyang umiinom ng gawa ko nang hindi niya alam. Kaya anong meron at bakit ayaw niya ngayon? Alam ko naman na galit siya sa akin pero huwag naman ganito. "Papalitan na lang po namin, Sir." Tumingin sa akin ang kasambahay. Wala akong nagawa at nagkibit-balikat na lang. Kinuha niya ang kape na nasa mesa para gumawa ng bago. Huminga ako nang malalim at pinagpatuloy ang pag-akyat sa itaas. Ano ba kasi ang meron sa litrato na nasa drawer na iyon? Sino ba ang babaeng iyon? Bakit ganun na lang siya maka-react? “Ma’am, pinapatawag po kayo ni Sir Tim.” Agad akong napabangon sa kama ko nang marinig ang sinabi ng kasambahay gamit ang intercom. Bakit naman ako pinapatawag ni Tim? “Bakit daw?” nagtatakang tanong ko. “M-maglilinis daw po kayo sa b-buong 2nd floor,” nauutal na sabi sa akin ng kasambahay. Buong 2nd floor? Lilinisan ko iyon mag-isa? Kaya ko naman pero hindi niya ba naisip na sobrang laki ng bahay niya? Medyo gutom na rin ako kasi ang plano ko nga ay mamaya na pagkatapos niya. Totoo ba talaga? Baka mamaya ay hindi ko kaya kasi wala pang laman ang tiyan ko. Pwedeng mamaya na lang? Ngayon na talaga? “Right now?” tanong ko sa kasambahay. Huminga ako nang malalim nang hindi sumagot ang kabilang linya. Ilang segundo muna bago may nagsalita. “Yes,” buo ang boses na sinabi iyon ni Tim. Nakikinig siya? “O-okay…” Tapos na akong maligo. Tapos na rin ako mag-ayos bago ako nagpahinga sa kama. Kahit na medyo tinatamad ako kasi gutom ay lumabas pa rin para maglinis. Hindi naman madumi, wala naman akong nakikitang alikabok. Ang hindi ko lang alam ay bakit kailangan niya pa akong utusan dito? “Eto na po ang mga gamit, ma’am.” “Thank you. Hindi ka na sana nag-abala pa. Kaya ko naman kunin,” sabi ko sa kasambahay. Hindi ko pa rin alam ang pangalan niya. Angela na lang ang itatawag ko sa kaniya kasi ang bait niya sa akin. Siya rin iyong pinagtanggol ako sa mga kasamahan niya. “Sabihan niyo lang po ako kapag hindi niyo na kaya, ma’am. Tutulungan ko po kayo.” “No need, baka magalit pa sa ‘yo si Tim. I am completely fine. Kaya ko naman,” sabi ko naman sa kaniya. Ngumiti ito sa akin bago umalis. Walang nandito sa 2nd floor maliban sa akin. Parang nanghihina ako sa laki ng lilinisan ko ngayon. Buong umaga ay iyon ang ginawa ko, ang paglilinis sa ikalawang palapag ng bahay ni Tim. Akala ko ay room din ito na pwedeng tulugan pero hindi pala. May gym room, entertainment room, at kung ano-ano pa na hindi ko alam. Nasa huling room na ako. Mabilis ko lang natapos ang iba kasi hindi naman talaga madumi. Linis kaunti lang ang ginawa ko. Wala naman kasing alikabok. Siguro kahit hindi ginagamit ni Tim ang room ay araw-araw pa rin nililinisan ng mga kasambahay. “Kumakanta siya?” tanong ko sa sarili ko nang makita ang mga instrumento sa huling room. Malaki-laki rin ang room na ito. Maraming guitar ang nakasabit sa pader ng room. May piano at drum din akong nakikita at ang iba ay hindi ko na alam kung ano ang tawag. Basta ang alam ko lang ay ginagamit ito ng mga banda. Marunong siya ng mga ito? Bakit hindi halata sa kaniya na marunong siya? Hindi ko rin siya naririnig na gumamit nito. Hindi rin sinabi ni tita sa akin ang tungkol dito. “Bakit?” tanong ko nang may narinig akong mahinang katok sa labas. Bumukas iyon at lumabas si Angela. Hilaw ang ngiti na binigay niya sa akin kaya alam kong may problema na naman. “Ahh… Bawal po kayo rito, ma’am. Bawal pong pumasok ang kahit sino rito. Mahigpit po iyong pinagbabawal ni Sir Tim,” problemadong sabi nito sa akin. Bakit hindi sinabi sa akin? Wala naman akong nagalaw sa mga gamit sa loob pero bawal pumasok? “Huwag niyo na lang po sabihin na nagpunta kayo rito para hindi magalit si Sir, ma’am. Tara na po bago pa may makakita na ibang kasambahay,” takot na sabi nito sa akin. Sumunod ako sa kaniya nang lumabas siya pero alam kong huli na ang lahat. Malalaman at malalaman pa rin ni Tim ang nangyari. May mga cctv sa labas at maging sa room na ito kaya alam kong may magsusumbong pa rin. “Kumain na po muna kayo, baka kung ano pa ang mangyari sa inyo. Hindi pa naman kayo kumain ng umagahan kani---” Biglang nandilim ang paningin ko bago ko naramdaman ang malamig na sahig. Narinig ko ang sigaw ni Angela bago ako nawalan ng malay. "She just needs some rest and also huwag palipasan ng gutom. Dapat kumain sa tamang oras." "Okay, doc. Thank you so much." Si Lester ang huli kong narinig na nagsalita. Gising na ako pero tinatamad pa akong idilat ang mga mata ko. Gusto ko munang matulog kaya lang ay kumalam ang sikmura ko. Naramdaman ko na ang gutom. "I need to go. Just call me if something happens." Naitulog ko lang ulit ang gutom ko. Nang magising ako ay ako na lang mag-isa. Nasa loob ako ng room ko. Napahawak ako sa dibdib ko nang mapansin ang damit ko na nag-iba. Sino ang nagbihis sa akin? Hindi naman siguro lalaki. Marami namang kasambahay at kasama ko naman si Angela kanina. Baka siya ang nagbihis sa akin. "Sorry po. Nagising po ba kita, ma'am?" "No. I was already awake before you came in," sabi ko kay Angela. May dala siyang tray na may pagkain. "You should've called me. Hindi mo na kailangan magdala pa ng pagkain dito. But thanks anyway, appreciate it." "Okay lang po. Okay na po ba kayo? Wala kayong naramdamang masakit? Iyong tuhod niyo?" Bakit? Ano ba ang nangyari? Ginalaw ko ang tuhod ko at naramdamang medyo masakit doon. Sanay naman ako sa sakit kaya parang wala lang ito sa akin. "Baka po nagkapasa kayo," alalang sabi niya. Lumapit siya sa akin at nilagay ang tray ng pagkain sa may table. Mabilis siyang pumunta sa paanan ko. Tinanggal niya ang kumot at sinilip ang tuhod ko. "Okay lang naman ako. Hindi naman masakit. I'm used... I'm really fine." Hindi ko na tinuloy ang sasabihin ko. Mukhang hindi rin naman niya napansin ang sinabi ko dahil abala siya kakatingin sa tuhod ko. "Nagkapasa nga kayo. Nilagyan ko na ito ng yelo kanina para hindi magkapasa," sabi nito sa sarili. "Thank you..." "Nako, ma'am. Sobrang nag-alala kaming lahat sa 'yo. Si Sir Tim nga ay galit na galit dahil ang tagal dumating ng doctor. Mabuti na lang at okay lang kayo. Sobra kaming nag-alala." Si Tim? Galit na galit dahil matagal dumating ang doctor? Parang malabo. "Really?" "Opo! Kaya kumain ka na po para lumakas ka ulit. Para hindi na rin kami mag-alala sa inyo," sabi niya sa akin. Tango lang ako nang tango sa mga sinabi niya. Kumain ako nang dala niyang pagkain sa akin. Aalis na sana siya pero pinigilan ko. Gusto kong may kausap para naman hindi ako ma-bored dito. "Parang mahihimatay ako kanina, ma'am." Natawa na lang ako sa kaniya. Madami pa siyang sinabi bago kami lumabas ng room ko. Gulat ako nang makasalubong namin si Lester at Tim. "How are you?" tanong ni Lester. Tumigil sa paglalakad si Tim nang maramdaman ang presensya namin. Tumango ako kay Lester. Parang nawalan ako ng boses dahil nakita ko si Tim. Mas inaalala ko pa ang pagpasok ko sa room na hindi raw dapat pwedeng pumasok ang kahit sino. Kapag nalaman niyang pumasok ako roon ay baka mas lalo lang siyang magalit sa akin. "Yes, Lester. I am totally fine now," sabi ko kalaunan para marinig na rin ni Tim. Mabuti na lang at hindi nanginginig ang boses ko sa takot. Walang umimik pagkatapos. "Mauuna na po ako, ma'am," paalam ni Angela at iniwan ako. Alam kong ramdam niya rin ang kakaibang tensyon sa paligid. Naiwan kaming tatlo. "Let's go, Lester. She's obviously fine. You don't have to worry about her anymore," malamig na sabi ni Tim. Hindi man lang ba siya nag-alala sa akin? Sabagay sino nga ba ako sa kaniya. Isa lang naman akong mapagpanggap na babae.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD