"I have an emergency. I'll come back tomorrow," paalam ni Lester sa amin.
Pauwi na kami ng bahay. Nasa labas kami ngayon. May binibisitang gusali. Hindi ako masyadong nakinig sa usapan nila pero ang alam ko ay bahay-ampunan iyon.
Ang mga magulang ni Sir Tim ay maiiwan muna kasi kakausapin pa raw nila ang mga gumagawa ng gusali. Hindi na kayang maghintay ni Sir Tim kaya aalis na kami.
Ang kapatid naman ni Sir Tim ay nauna ng umalis. May aasikasuhin daw ito sa kompanya.
"Okay ka lang?" may pag-alalang tanong ko kay Lester.
Tumawa naman ito sa sinabi ko. "No biggie. Everything's fine. I just need to go there," sabi niya sa akin.
Hindi na ako nang-usisa pa at tumango na lang. "Take care. Drive safely," sabi ko.
"I'll get going," paalam nito kay Sir Tim.
Umalis na siya pagkatapos. Ang naiwan na lang ay kami ni Sir Tim. Ang mga magulang niya ay nasa loob ng munting opisina rito.
"Let's go?" aya ko kay Sir Tim.
Wala ng nakatingin sa amin ngayon dahil kami lang naman dalawa. Hindi ko alam kung hahawakan ko ba siya para alalayan o hindi. Alam kong tapos na ang pagpapanggap niya kasi wala na ang magulang niya.
"How can I walk? I left my stick at home," sabi nito sa akin.
Oo nga pala. Iniwan kasi kasama niya naman si Lester kanina. Does it mean na okay lang sa kaniya na hawakan ko siya sa kamay?
Galit siya noong huling ginawa ko iyon kaya nakakatakot. Baka ayaw niya at magalit siya ulit.
Nagdadalawang isip pa ako kung hahawakan ko ba siya o ano dahil natatakot akong magalit siya. Gulat ako nang tinaas niya ang kamay niya sa ere. “Okay…” kinuha ko ang kamay niya at hinawakan iyon hanggang sa makapunta kami sa opisina kung nasaan ang mga magulan niya para magpaalam.
“Oh? You two are going?” tanong agad sa amin ni titan ang makita niya kami. Napalingon sa amin ang ama ni Sir Tim. May kausap pa rin ito. Lumapit si tita sa amin. Nakita kong binigyan niya ng pansin ang kamay namin ni Sir Tim bago bumalik sa amin ang mga mata niya.
“Yeah,” tipid na sagot ni Sir Tim sa ina.
Ngumiti lang ako kay tita at tumango. “I’m going to call you tomorrow para sa construction ng café mo,” sabi nito sa akin. Gulat ako nang marinig ang sinabi niya kasi hindi naman namin napag-usapan iyan kanina.
Construction agad? Lumingon ako kay Sir Tim. Hindi ko masyadong kita ang reaksyon niya dahil sa suot niyang hard hat at shades. Hindi ko pa iyon nasasabi sa kaniya. Baka ayaw niya rin akong payagan.
“Don’t worry about him. My baby boy is understanding, right Tim?”
Hindi umimik si Sir Tim. Wala akong makita sa reaksyon niya pero kalaunan ay tumango rin siya. Narinig ko naman na tumawa ang ina niya kaya napalingon ako sa kaniya. “I told you! Sige ingat kayo sa byahe… Busy pa ang daddy niya. I’ll tell him later na uuwi na kayo kasi may importante pa kayong gagawin mamayang gabi,” sabi nito.
Pinagtulakan niya agad kami at kumaway-kaway siya.
“Ano ba ang gagawin mamayang gabi?” tanong ko sa sarili ko dahil hindi ko maintindihan ang ibig sabihin ni tita. Uuwi lang naman kami dahil medyo pagod na ako at alam kong pagod na rin si Sir Tim dahil kanina pa kami umalis ng bahay.
“Stupid,” dinig kong sabi ni Sir Tim.
“Eat and sleep. Wala namang iba. Hindi naman iyon importante. That’s why I don’t understand what your mother is trying to point out,” sagot ko naman. Alam ko kasi na ako ang sinabihan niyang stupid dahil kaming dalawa lang naman ang nandito.
Tumigil siya sa paglalakad kaya napatigil na rin ako.
“I don’t know what’s inside your brain. You are too stupid.”
Aray ko naman.
Sorry kung walang laman ang utak ko sa mga ganiyan. Iba kasi ang nasa utak ko.
Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating sa kung saan nakaparada ang kotse. Tumango sa amin ang driver. “Wait,” sabi ko kay Sir Tim.
“I’m just adjusting something,” sabi nito. Huh? Akala ko kasi papasok na siya sa loob ng kotse kaya pinigilan ko.
Ano ba ang inadjust niya? Gumalaw ang mga paa niya kanina na at ang pwetan niya na parang may kung anong kakaiba. Ano ba ang meron?
Tinanggal ko na lang ang hard hat sa ulo niya at binigay sa isang staff na nakaabang sa amin. Tinanggal ko na rin ang akin at binigay sa staff. “Thank you po. Aalis na kami,” sabi ko sa kaniya matapos ko iyong ibigay.
Medyo may katandaan na ang lalaki. Kita ko rin ang tagaktak ng pawis niya sa mukha. “Magpahinga po muna kayo. Uminom din po kayo ng tubig kasi sobrang init ngayon. Baka ma-dehydrate po kayo,” sabi ko sa kaniya.
“Salamat po, ma’am. Ingat po kayo,” sabi niya.
Akala ko ay nakapasok na si Sir Tim. Nasa labas pa rin ito at naghihintay. Bakit hindi siya nagpatulong sa driver?
“Tara na?” aya ko sa kaniya. “Careful,” sabi ko nang muntik na siyang mauntog. Nilagay ko ang kamay ko sa ulo niya para hindi siya mauntog.
Ang ganda talaga ng kilay ni Sir Tim. Nakaka-inggit. Mag maganda pa yata ang kilay niya kaysa sa akin. Hindi man lang niya kailangan na gumamit ng kung ano para mas lalong gumanda ito. Ang pula rin ng labi niya. Ang sarap kagatin.
Kagatin? Napailing ako sa naisip ko.
“You can get your hands off from me now,” sabi nito.
“Sorry…” Hindi ko namalayang maayos na pala siyang nakaupo dahil nakatitig lang ako sa kaniya. Kung ano-ano kasi ang naiisip ko eh. Hindi ko na tuloy namalayan.
“Stop zoning out. I already know I am handsome,” sabi niya sa akin.
“You are assuming things. Hindi nga ako nakatingin sa ‘yo,” pagsisinungaling ko. Mabuti na lang at hindi ako nabulol. Hindi pa naman ako marunong magsinungaling. Mabuti na lang at nasabi ko iyon nang diretsahan.
“I’m blind but I can feel it when someone is staring at me. I am not dumb like you.”
Sabi ko nga hindi na ako mag-iingay. Tatahimik na lang ako.
Tama naman kasi siya kaya ako na lang ang tatahimik.
Nang makapasok kami sa bahay ay saka ko pa lang naramdaman ang pagod na buong araw kaming nasa labas. Parang gusto ko na matulog agad pagkatapos kong maligo kaya lang ay uunahin ko pa si Sir Tim kasi wala nga si Lester ngayon kaya ako ang dapat na mag-aalaga sa kaniya.
Ramdam ko ang mga titig ng kasambahay sa amin ni Sir Tim nang makapasok kami. Hawak-hawak ko pa rin kasi ang kamay ni Sir Tim. Ayaw kong bitawan lalo na ngayon at paakyat na kami ng hagdan. Baka mahulog siya.
Ayaw kong dalawa kaming mahulog…
Napatigil ako nang maisip na may ibang kahulagan ang sinabi ko.
“Bakit may pinto rito? What’s this door na nasa tapad ng room mo?” tanong ko kay Sir Tim. Maliit iyon kumpara sa door ng room niya kaya nakapagtataka. Mayroon na akong ideya sa utak ko kaya lang ay gusto kong makompirma iyon mula kay Sir Tim.
“If you are not stupid enough, that’s elevator.”
Tama nga ako! Elevator nga. Bakit hindi niya ginagamit kapag umaga? Hindi ko rin napansin na gumagamit siya niyan. Sira ba? Hindi ko kasi makita masyado ang pinto kung hindi ko talaga lalapitan. May dalawang room pa bago ang room ni Sir Tim kaya medyo malayo talaga kami sa isa’t isa.
Katabi ni Lester ang room ni Sir Tim. Ang katabing room naman ni Lester ay hindi ko alam kung kanino. Hindi ko rin nakita na binubuksan iyon kaya hindi ko alam. Ang katabi naman noon ay ang room ko na.
Kaya malayo talaga kami ni Sir Tim.
“I’ll just stay here. Call me if you need something,” sabi ko kay Sir Tim. Takot ako na pumasok sa room niya. It will be my first time going inside his room kung papasok man ako. Paano kung ayaw niyang may pumapasok sa room niya? Kaya rito na lang ako sa labas.
“Do you think I could do everything by myself?” masungit na tanong niya sa akin.
Hindi pa rin siya pumasok sa loob kahit na bukas na ang pinto. Binuksan ko na iyon para sa kaniya para mabilis na lang siyang makapasok. Alam kong nandiyan naman ang stick niya para magamit niya.
“Can I go inside your room then?” tanong ko naman sa kaniya. Natahimik siya at napaisip. Oh, hindi ba hindi niya iyon naisip niya. Paano kung may tinatago siya sa loob na ayaw niyang ipakita sa iba. I respect privacy kaya kailangan ko muna siya tanungin. “Pipikit na lang ako,” suhestyon ko.
“Stupid.”
Pinasok ko na siya sa loob para wala na siyang maraming sasabihin. Paano ba naman kasi inaaway pa ako. Mas lalo lang kaming matatagalan. Inaantok na ako at gusto ko na agad matapos ito para makatulog na ako.
Hapon pa naman. Ngayon pa lang nag-uumpisang bumaba ang araw kaya lang ay pagod na ako. Baka nga hindi na ako kakain dahil sa antok ko. Nilalabanan ko na lang itong antok ko dahil sa kaniya.
Nang isarado ko ang pinto ay saka ko pa lang naramdaman ang kakaibang pakiramdam na hindi pala tamang sinarado ko ang pinto. Wala naman kaming gagawin iba kaya hindi dapat ako matakot. Hindi dapat ako mahiya kasi normal naman ang ganito.
Hindi naman siguro makiki-chismis ang mga kasambahay sa amin.
“Sige maligo ka muna. I’ll look for your clothes. Ilalagay ko lang sa kama mo para makaalis na ako,” sabi ko sa kaniya.
Hindi siya nagsalita pero mabagal siyang naglakad papunta sa banyo. Kung banyo iyan ay malamang closet niya ang kabilang pinto. Dalawa lang ang pinto sa room niya. Sa sobrang lawak ng room ay alam mo talagang hindi siya masusugatan kahit na tumambling pa siya.
Wala kasing mga gamit. Wala ngang upuan o kahit na table maliban sa table na nasa kama niya. Sobrang linis ng loob. Malinis kasi walang mga gamit. Kung titingnan mo ay parang hindi pa tapos ang room dahil walang mga gamit pero alam kong sinadya ito ni Sir Tim.
Kumuha ako ng damit niya sa closet. Tama nga ako na closet ang isang pinto. Maraming mga gamit ang nandito. Nandito na lahat ng mga gamit niya. Kung ang ina niya ay may isang room para sa bags sa kaniya naman ay iba.
Relo ang sumasakop sa buong room. Sa unang tingin akala mo ay magkakapareho lang ang lahat pero hindi, iba iba ang design, hindi mo nga lang mapapansin sa unang tingin.
Naghanap ako ng damit ni Sir Tim na pantulog. Mabuti na lang at meron. Isang sweatpants ang nakuha ko. Kumuha rin ako ng boxer shorts kung sakaling ayaw niya sa sweatpants. Halos lahat naman ang damit pang-itaas niya ay puti at black kaya hindi na ako nahirapan. Isang puting damit ang kinuha ko kapares ng boxer shorts at sweatpants.
Pagkatapos noon ay lumabas na ako.
Nilagay ko sa kama niya ang napili kong damit. Nilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto para hanapin ang blower niya para mabilis matuyo ang buhok niya. Ilang minuto ko rin na ginala ang mata ko pero wala akong makita kaya naisipan ko na sa drawer na lang tingnan.
Nanlaki ang mata ko nang makitang may isang batang babae na nakalagay sa frame na nakatago sa drawer ng table.
“What are you doing?” Gulat akong napalingon sa gawi ni Sir Tim. Hindi ko napansin ang isang babasaging gamit sa table na nahulog. Bakas sa boses ni Sir Tim na galit siya mas lumala pa iyon nang marinig ang pagkabasag. “Did I say you can touch my things without my permission?”
“S-sorry… I was trying to look for the b-blowe---”
“Get out!”
“S-sorry---”
“I said, get out! Get out, stupid woman!