Chapter 11: Fall

1945 Words
“Ako na po.” “No, it’s fine. I don’t have anything else to do also. I’m a bit bored,” sabi ko sa kasambahay. Maaga akong nagising ngayon kasi gusto ko na ako ang magluto ng agahan. Alam kong hindi kakain si Sir Tim kaya gumawa na ako ng kape niya. Pagkakamali ko noong una ay hindi ko naitanong kung paano at anong gusto ni Sir Tim sa kape niya kaya nagtanong ako sa kasambahay kung paano gawin. Tiningnan ko ang oras. Malapit na… Pumikit ako bago narinig ang yabag ng dalawa. May sariling room din si Lester dito, katabi niya ang room ni Sir Tim kaya palagi pala siyang nandito. Kinuha ko na ang kape na gawa ko at nilagay iyon sa mesa. Nilagay ko iyon kung saan umuupo si Sir Tim. Ginawan ko rin ng kape si Lester. Ngumiti ako nang maupo na ang dalawa. Nakaligo na si Sir Tim. Pupunta kami ngayon sa bahay ng magulang niya. Mauuna nga lang ako dahil pupunta muna ang dalawa sa kompanya. Ayaw kong sumama kasi hindi rin naman ako welcome roon. Sa bahay na lang ng magulang niya ako mauuna kasi iyon din naman ang sabi ng ina niya. "Come in. I have prepared some fruits for you," sabi ni Mrs. Sy. Nandito na ako sa kanila at wala akong masabi. Ang ganda ng bahay. Malaki ang bahay ni Sir Tim pero mas malaki ang bahay na ito. Bago ka makapasok ay kailangan mo pa dumaan sa isang mataas na gate na maraming bantay. "Thanks, tita." Natigil siya sa paglalakad at maging ako rin ay nagulat sa sinabi ko. "If you're comfortable calling me that then it's fine," nakangiting sabi nito. She's genuinely smiling. Ewan ko pero hindi talaga ako sanay na tawagin siya sa gusto niyang itawag ko sa kaniya. Hindi ako sanay kasi wala akong ibang tinawag na ganiyan kung hindi sariling ina ko lang. Ayaw kong mailing sa kaniya lalo na at sobrang bait niyang tao. “Let’s go?” Bago pa ako makatango sa kaniya ay biglang may tumawag sa phone ko. Akala ko si Ma’am Sasha iyon pero hindi. Wala naman sigurong tatawag kung hindi importante. “Excuse me po. I’ll just answer the call,” paalam ko kay tita. “Go on… I’m just going to prepare a snack for you. Pumasok ka lang when you are done.” Tumango ako at lumayo para sagutin na ang tawag. Akala ko kung sino pero nang marinig ko ang boses ng lalaki sa kabilang linya ay napahinga naman ako nang maluwag. Si Lester ang nasa kabilang linya. “He wants to ask if you want something bago kami pumunta riyan,” sabi nito sa akin. “Wala naman.” Bakit naman magtatanong si Sir Tim kung ano ang gusto ko? Akala ko ba ay ayaw niya sa akin? Nasa bahay kami ng mga magulang niya. Ano? Gusto niya ipakitang sweet siya sa akin? Parang nakuha ko agad ang biglaang pagtanong sa akin ni Sir Tim. “Anything… kahit ano na lang,” mabilis kong sabi kay Lester baka bigla niyang patayin ang tawag. Tapos na ba sila? Parang kararating lang nila roon ah. Sabay naman kaming umalis ng bahay. “Okay, noted. We’ll go there once we are done here,” sabi nito sa akin. Narinig ko ang pagsalita ni Sir Tim at mukhang sa business ang usapan nila kaya pinatay na ni Lester ang tawag. “Are you done?” “Yes po. Si Tim lang ang tumawag,” sabi ko sa kaniya kahit si Lester naman ang kausap ko. Kung napipilitan lang si Sir Tim dahil sa kompanya. Gagawin ko rin ang lahat para tulungan siya. Gagawin ko ang lahat para tulungan din si Ma’am Sasha dahil iyon naman ang trabaho. Ang tulungan sila. “Anyway… Do you have any plans like building a business or anything? You know, I am just like you. Nakakapagod kapag lagi lang sa bahay. Tim is busy with his business. Kapag gusto mo lang naman. I will help you,” pagbubukas niya ng usapan. Nakaupo na kaming dalawa sa sala nila. Malawak ang sala. Sa sobrang laki ay kahit na isang daang tao ay pwede rito. Kung ang bahay ni Sir Tim ay walang masyadong gamit, dito naman ay kahit saan ka tumingin maraming mga mamahaling gamit. Nakakatakot gumalaw baka makabasag ka ng mga vase na malalaki sa gilid. May mga paintings din na hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin. “Hindi ko po alam. Magpapaalam po muna siguro ako kay Tim. We still haven’t talked about it,” sabi ko sa kaniya. Gusto ko rin sana na magtrabaho dahil nakakatamad kapag nasa bahay lang ako. Hindi rin ako masyadong makakilos dahil may mga kasambahay na hindi ako pinapayagan gawin ang mga gusto ko. Napag-isipan ko na rin na magtrabaho kaya lang ay baka ayaw ni Sir Tim. Gusto ko muna magpaalam sa kaniya. Hindi nga lang ako makahanap ng tyempo dahil busy siya palagi. Maraming ginagawa. “He will surely let you do it. Hindi naman pwedeng siya lang ang may ginagawa.” Tumango ako sa kaniya. Halos isang oras din kaming nag-uusap ng mga plano. Café na lang daw ang itayo ko. Tinanong niya kasi ako kung ano ang hilig ko sabi ko wala namang iba bukod sa pagbabasa. Iyon lang naman talaga ang nakahiligan ko. Kaya sabi niya ay café na may bookstore para pwede silang kumuha kong gusto nilang magbasa. May mga rin naman daw na mahilig magbasa kagaya ko. Marami na siyang sinabi na ang iba ay halos hindi ko maintindihan. Tango lang ako ng tango. Pagkatapos namin ay umakyat kami. Ipapakita niya raw sa akin ang collection niya ng mga bags. Pwede raw ako kumuha kapag may nagustuhan ako. Hindi ko pa nga nabubuksan iyong binili namin kahapon tapos ngayon ay gusto naman niya na pumili ako sa mga collection niya. “This one, I super like this one. What do you think? I am sure bagay ito sa ‘yo. You need bags like this one para marami ka malagay na mga gamit mo,” sabi niya at pinakita sa akin ang bag na brown ang kulay. “I’m good with the one we bought yesterday, tita. May mga bag pa naman sa bahay. Hindi ko pa rin nagagamit. I think those will fit to my liking… Tim also bought me something last night,” sabi ko kahit wala naman talaga. “Really? He’s so sweet! Hindi ka niya nakalimutan. That’s what I am talking about. Mabait naman iyon kahit na masungit, right?” Tumango ako sa tanong niya. “I am sure you will soften him someday. Maybe not now but I know he will start to soften once you get to know each other,” dagdag niya. Hindi naman lihim ang arrange marriage na naganap. Alam naman nila iyon kaya siguro iyon ang sinabi niya. Marami pa siyang pinakita sa akin na mga bag na gusto niya. She shared some kung saan niya iyon nabili at kung bakit gusto niya ang bag na iyon. Iba’t ibang klase ang pinakita niya. Hindi niya sinasabi ang presyo ng bawat isang bag pero alam kong mamahalin. May sarili ba namang room ang bags niya at naka-aircon din. Sobrang laki ng room na ginawa niya para sa mga bags niya lang. Halos kasing laki rin ng room ko sa bahay ni Sir Tim. “I think they are here already,” biglang sabi niya. Sabay kaming lumabas at tama nga ang hinala niya. Nasa baba na si Sir Tim at Lester kasama ang kapatid ni Sir Tim. Hinanap ng paningin ko ang ama nila. Natatandaan ko naman ang mukha ng ama ni Sir Tim. Nakaupo ito sa gitna. “What’s this commotion all about?” tanong ni tita nang makababa kami nang tuluyan. Medyo maingay kasi sila. “Tim… I missed you!” sigaw niya at mabilis na pumunta kay Sir Tim para yakapin ito. Lumapit naman ako sa ama ni Sir Tim. Hindi ko alam kung magmamano ba ako o hindi. Mabuti na lang at siya ang nagkusa. Bumeso siya kaya iyon din ang ginawa ko sa kapatid ni Sir Tim. Lumapit ako kay Sir Tim pagkatapos. “How are you?” Alam kong ako ang kausap ni Sir Tim. Nasagi ko ang kamay niya siguro alam niya na nandito na ako. “Okay lang naman,” sagot ko sa kaniya. “I bought you something. It’s in the car. Sa bahay mo na lang buksan,” sabi niya. Tahimik ang paligid kaya napalingon ako sa kanila. Nakatingin ang mga magulang ni Sir Tim sa amin habang ang kapatid naman niya ay parang pagod na nakasandal sa kama. Si Lester naman ay busy sa phone niya. “Okay… Let’s eat everyone?” Naunang tumayo ang kapatid ni Sir Tim at sumunod naman ang ama niya. Tumayo na rin si Lester. Hindi ko alam kung tatayo ba ako. Nakaupo pa kasi si Sir Tim. Naunang pumunta sa hapagkainan ang mag-asawa at sumunod naman si Lester at ang kapatid ni Sir Tim. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung sino ang matanda sa kanila dalawa. Hindi rin naman ni tita kung sino ang panganay at ang bunso. “Let’s go?” aya ko kay Sir Tim. Hinawakan niya ang kamay ko kaya napatingin ako sa kaniya. “I can’t see,” tipid na sabi lang nito. Kailangan ba na hawakan talaga ang kamay ko? Graba naman na pagpapanggap ito. Ayokong mahulog ang loob ko. I can’t fall dahil hindi pwede. Pansamantala lang ang lahat ng ito. “Okay…” Hinawakan ko na lang din ang kamay niya. Kung titingnan mo sa malayo ay akala mo maayos ang pagsasama namin. Iyong tipong normal na mag-asawa na sweet sa isa’t isa dahil sa kamay namin na magkahawak. “Wait lang,” sabi ko sa kaniya nang mapansin ang dumi sa buhok niya. Ayaw kong utusan siya na humarap sa akin kaya ako na ang nag-adjust. Humarap ako sa kaniya at tinanggal ang dumi gamit ang isang kamay ko. “How sweet… Ganiyan din kami noon ng ama mo noong kabataan namin.” Napalayo ako kay Sir Tim nang marinig ang boses ni tita. Matamis ang ngiting niyang nakatingin sa amin na may halong pang-aasar. “Mamayang gabi na ‘yan. Tanghali pa ngayon,” sabi nito. Hindi ko nakuha ang ibig niyang sabihin. Mamaya na tatanggalin ang dumi sa buhok ni Sir Tim? Bakit? Hindi ba pwedeng ngayon? Natanggal ko na rin naman. Mas lalong natawa si Tita sa reaksyon ko. Pilit akong napangiti kahit na naguguluhan ako. Tatanggalin ko sana ang kamay ko sa kamay ni Sir Tim dahil doon nakatingin ang ina niya pero mas lalo lang hinigpitan ni Sir Tim ang hawak niya sa kamay ko. “I might fall,” sabi nito. Fall? Ako pa yata ang mahuhulog kung ganiyan ka eh. Mabuti na lang talaga at masungit ka sa akin. May ikadahilan ako para hindi mahulog sa iyo. Mabuti na lang talaga at masungit ka dahil ngayon na medyo bumait ka lang ay parang hindi na normal ang t***k ng puso ko. “Don’t worry, I am here. Hindi naman kita pababayaang mahulog mag-isa. Sasaluhin naman kita,” inosenteng sabi ko. Gulat ako nang marinig ang tili ng ina ni Sir Tim. Nanlalaki ang mata kong nakatingin sa kaniya. Anong meron? Bakit siya tumili? May kumagat ba sa kaniya? Pero wala namang kinagatan ng langgam o anong hayop na ngingiti lang na parang kinikilig na ewan. “Para tuloy akong bumabalik sa pagkabata dahil sa inyong dalawa. Later na iyan. Mamayang gabi na kayo magparami. Marami pang tao ngayon.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD