“Did you sleep well?”
Tumango ako sa tanong ng ina ni Sir Tim. Hindi pa rin ako sanay na tawagin siya sa gusto niyang itawag ko sa kaniya. Hindi na lang muna ako magsasalita para hindi ko siya matawag sa pangalan na hindi ko naman nakasanayan.
“Did you really prepare all of this?” tanong niya sa akin. Ngumiti ako at tumango ulit.
Nagpresenta ako na magluto para sa aming dalawa. Sabi niya kasi ay dito na lang din siya kakain para may kasama ako. Maaga akong gumising para makapagluto ng kakainin namin. Mabuti na lang din at hindi kumontra ang mga kasambahay sa akin.
Tinulungan lang nila ako sa mga lulutuin pero hindi nila ako pinigilan.
“You know how to cook? Amazing… I don’t even know how to fry. I hate the mantika,” reklamo nito sa akin. Nakaupo na siya at ganun din ako. Magkaharap kaming dalawa. Dinamihan ko ng luto para makakain din ang mga kasambahay.
Sinabi na nila sa akin na may pagkain sila pero gusto ko na magluto rin kasi para sa kanila. Libre naman daw kasi ang pagkain dito. Sila na ang bahala na magluto. Kada-buwan din daw ay may nakalaan para bumili sila ng sarili nilang grocery.
“Just a hobby po,” sabi ko.
Pagkatapos namin kumain ay gumayak na ako para makaalis na kami. Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero sabi niya ay may bibilhin kami. Ganito talaga siguro kapag mga mayayaman, kung ano-ano na lang ang binibili.
Marami naman akong damit at mga gamit kaya lang ay kulang pa raw iyon. Wala naman akong ginagawa kasi nasa bahay lang naman ako palagi. Lalabas lang kapag may kailangan o importanteng lakad gaya ngayon.
Hindi ko alam kung ano ang kadalasang ginagawa ni Ma’am Sasha kaya wala akong alam kung ano ang dapat kong gawin o manatili lang sa bahay ni Sir Tim.
“Are you into bags? Make-ups? Jewelries? Aside from books, of course.”
Nasa loob kami ng isang mamahaling sasakyan. Magkatabi kami sa likod. Sa unahan naman ay may isang babae na sa tingin ko ay assistant ng ina ni Sir Tim o hindi kaya ay secretary. May driver din kaming kasama.
“Bags po,” pagsisinungaling ko.
Hindi naman ako mahilig sa mga ganiyang bagay dahil wala naman akong pera na pambili. Hindi naman ako mapili. Ginagamit ko lang naman kung ano ang meron sa akin. Kung ano lang ang makita ko.
Noong unang pagkikita kasi namin ni Ma’am Sasha ay ang ganda ng bag niya kaya iyon ang sinagot ko. Sa tingin ko rin ay mahilig si Ma’am Sasha sa mga alahas kasi maraming alahas ang nandoon sa bahay niya. Marami rin akong nakitang iba’t ibang heels.
“Really? I have collection of bags. Do you want to see it? I am sure you’ll love something there,” masayang sabi niya. Napalayo ako sa kaniya nang bigla niyang hawakan ang kamay ko. “I’m sorry. Did I scare you? I am just happy kasi.”
“Why are you happy po? Anong meron?” tanong ko para may masabi lang. Umayos siya ng upo pero nakatingin pa rin sa akin. Sa ngiti niya ay alam mong hindi peke ang saya niya.
“I have always dreamed of having a daughter pero hindi napagkalooban. I almost made my son a girl.” Si Sir Tim? O iyong isang anak niya? “That’s why I am happy kasi nandito ka na. Tim’s brother is hardworking. Wala ngang girlfriend. Walang pinapakilala sa amin. Wala ring ibang babae ang nali-link sa kaniya.”
Seryoso pala sa buhay kung ganun ang kapatid ni Sir Tim. Parang ang tahimik niya rin kasi noong una ko siyang makita sa kasal namin ni Sir Tim.
“Let’s not talk about Tim’s lovelife. Ayaw ko na ma-stress ka sa kaniya. He’s such a womanizer back then,” sabi ni Mrs. Sy.
Babaero si Sir Tim?
Hindi kasi halata. Parang sungit niya. Ah oo nga pala. Mabait naman siya sa ibang babae.
"Don't be shy to demand something. Kumuha ka ng gusto mo and I'll pay."
Nasa loob na kami ng mall. Nagtitingin-tingin na ako sa mga bag na nasa loob. Walang presyo sa mga bag na nakita ko kaya nakakatakot baka mamaya ay sobrang mahal nito.
"I think, I'm good. I have lots of collections at home."
Kailangan ko na magsinungaling dahil nakakahiya. Hindi naman ako mahilig talaga sa mga bag. Hindi ko nga alam kung alin ang maganda o hindi kaya ay kung ano ang dapat bilhin.
Magaganda naman lahat ng nandito. Mamahalin tingnan. The quality is good as well. Alam mo talaga na hindi sa ordinaryong bagay gawa ang mga bag na ito.
"I know but you should add some to your collection. Pick at least one. Kahit isa lang. I will be happy if you will do that," sabi naman sa akin ni Mrs. Sy.
Mukhang may natipuhan na siya. May pinapatanong siya sa babae kung anong size ang available. May size rin pala ang mga size? Akala ko kung ano ang meron iyon na talaga.
Ayaw kong makipag-away pa kay Mrs. Sy. Okay lang naman daw sa kaniya kahit isa kaya pipili na lang ako ng isang bag. Pumunta ako sa maliliit na mga bags.
Baka kapag malaki kasi ay sobrang mahal na kaya sa maliliit ako pumili. Ayaw ko ng matitingkad na kulay. Ayaw ko rin ng puti dahil baka mabilis lang madumihan.
May isang itim na bag akong nakita. Maganda ang bag. Simple lang pero ang lakas ng dating. Siguro ay phone lang ang kasya sa bag. Ayaw kong hawakan iyon kaya tiningnan ko na lang nang maigi.
Hindi pa ako nakapili ay biglang may nagsalita na sa likod ko. "What a perfect choice! That is pretty. You like that one? We'll get it agad."
“Tinitingnan ko pa lang po---”
“Get it already. Bagay iyan sa ‘yo. I am sure, it will look good on you dahil maganda ka naman.” Tinalikuran niya ako para magtawag ng saleslady. “Do you have other colors of this one? If yes, we would like to take a look,” sabi nito.
Parang hindi niya narinig ang sinabi kong tinitingnan ko pa lang ang bag. Baka kasi mamaya ay magsisi ako. Kaya gusto ko munang tingnan. Baka may iba pa na maganda.
“Yes, Mrs. Sy. In a moment.”
Umalis ang babae pagkatapos at ako naman ay parang nalula. Bakit kailangan pa na tingnan ang ibang kulay? Okay naman ito. Maganda nga eh. Hindi mabilis madumihan. “This is fine po. I specifically like this color,” sabi ko kay Mrs. Sy.
Lumingon naman ito sa akin. Hinila niya ako para makaupo kami sa sofa na parang waiting area ng lugar. May orange juice na nasa mesa para sa aming dalawa. “I know but let’s buy other color.”
Huh? Hindi naman na kailangan.
“I’m fine with---”
“It’s here,” excited na sabi niya. Hindi pa rin pinakinggan ang sinabi ko. Sana pala at hindi na lang kami pumasok dito. Sana nagpumilit na lang ako na sa bahay na lang kami. Ang hirap tumanggi lalo na at wala kang ibang choice.
Halos manlumo ako sa sobrang dami namin na nabili ngayong araw lang. Akala ko isa lang ang bibilhin niyang bag para sa akin pero tatlo. Siya ang pumili ng dalawang kulay, isang puti at isang nude. Para hindi raw ako mahirapan pumili kung ano ang babagay sa damit ko.
Noong pumunta naman kami sa book store ay halos bilhin na niya ang mga librong nandoon. Kaya pagkatapos namin kumain ay sinabi kong masakit ang ulo ko para makauwi na kami. Nakakahiya na kasi lalo na at nakita ko pa kung magkano lahat ng nagastos niya.
Kahit ilang taon akong magtrabaho ay baka hindi ko mababayaran iyon.
“Thanks for today, darling. Call me if you need anything. You know, my son is a bit shy. Hindi ako sinasagot kapag tumatawag ako sa kaniya. Call me or else I’ll call you,” sabi niya. “I will send a photo of him later when I got home,” dagdag niya pa.
Ibibigay niya raw sa akin ang baby pictures ni Sir Tim noon. Hindi ko naman hiningi iyon sa kaniya. Kusa na lang siyang nagpresenta na ibibigay niya iyon para raw makita ko kung gaano ka cute si Sir Tim noong mga panahon wala pa siyang ngipin.
Nasa loob ako ng room ko nang nag-message sa akin si Mrs. Sy sa mga pictures ni Sir Tim. Tama nga ang sabi niya na cute noon si Sir Tim. Ang gwapo rin. Palangiti si Sir Tim, iyon ang una kong napansin sa mga pictures na sinend sa akin ni Mrs. Sy.
Lahat ng mga litrato ay nakangiti siya. Mayroong isang umiiyak siya, sabi ni Mrs. Sy ay dahil sa may gusto itong laruan kaya lang ay ayaw bilhin ng daddy niya.
Mag-isang din akong nakababad sa phone ko kakatingin ng mga larawan ni Sir Tim. Mukhang hindi yata napansin ni Mrs. Sy ang ibang larawan na sinend niya dahil may isang larawan na may kasama si Sir Tim. Isang babae na ang ganda.
Maputi ito at bilugin ang mukha. Mapupula ang mga labi. Ang ganda niya… Sino kaya ito?
Magkayakap ang dalawa sa larawan pero nakaharap sa babae ang camera kaya kitang-kita ko ang mukha niya. Para siyang isang anghel. Dumagdag pa ang suot nitong white dress. Sino siya? Malabo naman na kapatid niya iyon dahil wala naman siyang kapatid na babae.
Nang gabi nga ay dumating din si Sir Tim kasama si Lester. Akala ko ay matatagalan pa sila bago bumalik pero babalik din pala sila agad. Masaya ang mukha ni Sir Tim nang makita ko siya. Kahit hindi ko kita ang mata niya dahil sa shades na suot ay kita ko ang ngiti niya.
Tumango lang sa akin si Lester nang makita niya ako. Hindi ako umimik at ginaya na lang siya. Hindi ako napansin ni Sir Tim dahil hindi naman ako nagsalita. Bumaba ako para kumuha ng tubig. Ayaw kong mag-utos kaya ako na ang bumaba.
“I wish I could see how happy she was,” narinig kong sabi ni Sir Tim bago ako umakyat sa itaas.
Magkasama sila? Iyon ba ang importanteng gagawin niya? Kaya siya umalis?
Ang swerte ng girlfriend ni Sir Tim. May nagmamahal sa kaniya na kayang ibigay ang lahat para sa kaligayahan niya.
“By the way, where is that stupid woman?” dinig kong tanong ni Sir Tim. Mabagal lang ang ginawa kong pag-akyat kaya narinig ko pa ang tanong niya kay Lester. Bakit niya ako hinahanap?
“She’s upstairs,” sagot naman ni Lester.
Hindi na nila ako makita dahil nasa pangalawang palapag na ako. Huminto ako para marinig pa ang usapan nila. Gusto kong malaman kung bakit ako hinahanap ni Sir Tim. Baka may iuutos siya sa akin.
“Good ‘cause I don’t want to hear her voice. She’s so irritating. I don’t like her. If only I could dump her, I would definitely do it but I still need to keep that woman so I can have my shares. Fvcking shares. Fvck her.”